Sasama ka o Magbibigay ka?
Sabi ng Nanay ko: “Hindi tayo mayaman, kaya ang edukasyon at karunungan lang ang pwede naming ipamana sa inyo na magagamit nyo araw-araw at hindi mananakaw.” Bilang isang taong hindi lumaki sa marangyang pamumuhay; para sakin, ang pag-tulong sa kapwa, kahit pa sa anung mabuting paraan, ay ang pinakamasaya at pinakasimpleng pwede kong gawin para sa kanila. Isa sa mga ito ay ang pagbibigay ng mga kagamitan para sa ikauunlad.
June 1, 2013 – nakasama ko sina Janneth at Wewen nang Batang Hamog Mountaineers, sa isang makabuluhang programa; pansamantalang iniwan namin ang magulong pamumuhay dito sa Maynila at tinungo namin ang Brgy. North Uyao, Roxas, Oriental Mindoro upang ipamahagi ang mga kagamitan sa pag-aaral na aming nakolekta mula sa aming mga kaibigan. Ito ay mga kagamitan para sa ika-uunlad at ikagaganda ng kinabukasan ng mahigit tatlumpong mga batang walang kakayanang bumili ng mga papel, panulat at iba pang kagamitan sa pag-aaral.
Ngayong buwan ng Hulyo, ipagdiriwang namin ang ika-apat na Anibersaryo ng aming grupo, Batang Hamog Mountaineers. Sa ngayon, kasalukuyan pang pinag-uusapan kung paano at saan namin ito gagawin. Pero may mga ideya na kaming binubuo, kesa daw gumastos sa kung anu-ano mga bagay, mas napili ng karamihan na mamahagi nalang kami ng mga kagamitang magagamit sa pag-aaral ng mga bata sa Sitio Cawag, Subic, Zambales.
Sa ngayon, kumakatok po kami sa inyong mga mabubuting puso upang mas mapa-igi at maparami pa po ang aming matulungan. We are in need of the following: slippers, crayons, pencil, toothbrush, coloring books at notebooks (for young and elementary pupils.)
For donations: Please email me here: dharzie@travellingcup.info or you can LIKE and message me on www.facebook.com/travellingcup.