Earn Extra, Click HERE:

Pag-nag-Ingles, Call Center Agent na agad?

Bagamat napakaraming lahi ang sumakop dito sa Pilipinas na may iba’t-ibang lingwahe, nakakatuwang isipin na nakuha natin ang galing at abilidad sa paggamit ng Ingles, mapa-salita man ito o sa pag-sulat. Ito ang nagpapatunay na tayong mga Pilipino ay talagang “World class” at kayang makipag-kumpitensya sa kahit anung larangan.

Ito ang naging dahilan kung bakit sa panahong ito nabuksan ang Pilipinas sa mundo ng BPO (Business Process Outsourcing) o Call Center. Napakalaking tulong sa ekonomiya ng ating bansa ang naibibigay ng mga negosyanteng nag-tayo ng mga call centers sa ating bansa. Libo-libo ring mga Pilipino ang nabigyan ng pag-kakataong makakuha ng trabaho sa iba’t-ibang kumpanya na nakabawas sa mga Pilipinong walang trabaho.

Pag-nag-Ingles, Call Center Agent na agad? Yan ang tanong na hindi maalis sa aking isipan. Habang ako’y naglilibot sa isang department store, napadaan ako sa lugar ng isang kahera na kung saan may mga nakapila para mag-bayad. Puro sila mga babae na napaka-simple lang kung manamit, hindi mo iisiping nanggaling sila sa isang marangyang pamilya, pero kung mag-salita ng Ingles, aakalain mong mga Amerikano sila dahil sa ganda at galing nila sa pag-sasalita ng Ingles at ang tono nila ay mala-DJ sa isang radyo. Walang naging problema sakin ang mga taong yun, sa halip humanga agad ako sa kanila. Ang naging problema lang, yung mga taong nasa likuran ko.

Marahil narinig din nila ang pag-uusap ng mga babaeng nasa kahera, imbis na humanga sila na katulad ko, narinig ko ang isa sa kanila na nag-sabing: “Magagaling silang mag-salita, pero mga call center agents LANG naman yang mga yan. Araw-araw silang nag-Iingles kaya gumaling sila ng ganun at wala na silang ibang alam, kundi ganun.” Lubos akong nalungkot sa mga narinig ko dahil ang kanilang mga salita at tono ay may halong “pang-mamaliit” sa mga call center agents, na katulad ko.

Anu ba ang gusto kong ipahatid? I do respect their “Freedom of Expression,” karapatan nila yun, pero mukhang marami na sa panahon ngayon ang bumababa ang paningin sa kapwa kapag nakapag-aral na at narating na nila ang tuktok ng kanilang karera. Hindi ko alam kung ang pag-kukulang ay nag-mumula sa pamilya o sa paaralan; dahil ang mga yunit nayan ng komunidad ang humuhubog sa kaisipan at pananaw ng isang indibidwal. Diba nga, sabi nila: “wag nating gamitin ang salitang LANG kapag tayo ay naglalarawan ng isang trabaho ng isang tao,” subalit, base sa mga narinig ko mukhang may nag-kukulang. Sa mga makakabasa nito, sana po: “regardless of your educational attainment and position in the society, matuto po nating tanggapin ang kalagayan ng ating kapwa, dahil dapat ang Kapwa Mo, Mahal Mo!”

Pass Muna sa Hiking, Go sa Helping

Ang probinsya ng Zambales ay hitik sa magagandang lugar, kabundukan at mga baybayin. Ngunit noong taong 2012, sinadya ng isa sa mga miyembro ng BHM na si Red at kanyang mga kaibigan ang Nagsasa Cove upang masaksihan ang totoong kagandahang ipinamamalas nito. At totoo nga, kakaibang halina at ganda ang kanilang nasaksihan sa pagbisita sa lugar na ito. Ang mabeberdeng kapaligiran, ang preskong hangin, ang magagandang tanawin ay sadyang hindi madaling kalimutan. Photo on the right, by Red


Subalit, habang ninanam-nam nila ang kagandahan ng  kalikasan; isang masamang balita ang kanilang nabalitaan, isang bagyo ang parating at  ang lugar na kanilang kinaroroonan ang dadaanan nito. At dahil sa lakas ng alon, hindi na nila nagawa pang lisanin ang lugar na kanilang kinaroroonan. Sa kasamaang palad, ang grupo nila ay na trap sa isang lugar, lugar na walang signal ng cellphone, walang pag-kain at walang kahit anung bagay na pwedeng magamit upang mahanap ang tamang daan. Ginawa nila ang lahat, sinubukan nilang tuntunin ang daan sa kagubatan, subalit naligaw sila dahil sa mga punong natumbahan at ang tubig ng mga ilog ay nag-ngangalit, wari’y naghuhumiyaw at handang kumuha ng buhay. Naghanap sila ng mas matataas na lugar na pwedeng daanan; at sa paghahanap na iyon, nakasalubong nila ang ilan sa mga miyembro ng tribong aeta na nakatira sa isang bahagi ng kabundukang iyon.

Pagod, gutom, puyat at halos mawalan na sila ng pag-asa, ngunit nang matanaw nila ang mga kapatid nating aeta, nagmistulan silang mga taong may dalang sulo at nagbibigay liwanag sa tamang daan. Napalitan ang mga negatibong katangiang iyon ng ligaya at pag-asang makakabalik pa sila sa kani-kanilang mga pamilya. 

Sa pamumuno ng mga kapatid nating aeta, binaybay nila ang masukal na daan na tanging ang mga miyembro ng tribo ang nakakaalam. Inakyat nila ang mga sanga ng mga punong kahoy, makatawid lamang sa kabilang bahagi ng mga nag-ngangalit na ilog (top most photo.) Sa pagdating nila sa kabayanan, hindi mapantayan ang kanilang ligaya at pasasalamat sa mga taong naging gabay nila sa tamang daan. Mga taong hindi nila ka anu-ano at ni hindi nila kilala; hindi nila alam kung dapat ba nilang pagkatiwalaan, subalit ang mga taong iyon ang nagligtas sa kanila sa bingit ng sakuna. Nagmistulan silang mga basang sisiw na handang sumungab ng kahit anung klaseng pag-kain dahil sa gutom at pagod. 

(Photo Above, Red kasama ang mga batang aeta) At sa aming ika-Apat na Anibersaryo ng Batang Hamog Mountaineers, bilang ganti sa kabutihang ipinamalas ng ating mga kaibigang aeta, isang programa ang aming idinaos sa Sitio San Martin, Cawag Resettlement, Subic, Zambales. Ang programang ito ay pagbabahagi ng mga kagamitan sa pag-aaral, tsinelas at panangga sa ulan. Ang mga kagamitang ito ay nag-mula pa sa aming mga kaibigan, katrabaho at iba pang mga taong walang ibang hinihiling kundi ang patas na pag-unlad ng mga Pilipino. Hindi man namin mahanap ang eksaktong lugar ng tribong tumulong sa ating kaibigan, masaya kaming makapag-bahagi ng ligaya at saya sa mga batang aeta na kasama rin sa pag-asa ng ating bayan. Kung gusto ninyong tumulong sa iba pa naming mga programa, email lang po kayo dito: dharzie@travellingcup.info.

Read the entire event here: BHM on Four and side trip to: Magalawa Island

Sasama ka o Magbibigay ka?


Sabi ng Nanay ko: “Hindi tayo mayaman, kaya ang edukasyon at karunungan lang ang pwede naming ipamana sa inyo na magagamit nyo araw-araw at hindi mananakaw.” Bilang isang taong hindi lumaki sa marangyang pamumuhay; para sakin, ang pag-tulong sa kapwa, kahit pa sa anung mabuting paraan, ay ang pinakamasaya at pinakasimpleng pwede kong gawin para sa kanila. Isa sa mga ito ay ang pagbibigay ng mga kagamitan para sa ikauunlad.

June 1, 2013 – nakasama ko sina Janneth at Wewen nang Batang Hamog Mountaineers, sa isang makabuluhang programa; pansamantalang iniwan namin ang magulong pamumuhay dito sa Maynila at tinungo namin ang Brgy. North Uyao, Roxas, Oriental Mindoro upang ipamahagi ang mga kagamitan sa pag-aaral na aming nakolekta mula sa aming mga kaibigan. Ito ay mga kagamitan para sa ika-uunlad at ikagaganda ng kinabukasan ng mahigit tatlumpong mga batang walang kakayanang bumili ng mga papel, panulat at iba pang kagamitan sa pag-aaral.

Ngayong buwan ng Hulyo, ipagdiriwang namin ang ika-apat na Anibersaryo ng aming grupo, Batang Hamog Mountaineers. Sa ngayon, kasalukuyan pang pinag-uusapan kung paano at saan namin ito gagawin. Pero may mga ideya na kaming binubuo, kesa daw gumastos sa kung anu-ano mga bagay, mas napili ng karamihan na mamahagi nalang kami ng mga kagamitang magagamit sa pag-aaral ng mga bata sa Sitio Cawag, Subic, Zambales.

Sa ngayon, kumakatok po kami sa inyong mga mabubuting puso upang mas mapa-igi at maparami pa po ang aming matulungan. We are in need of the following: slippers, crayons, pencil, toothbrush, coloring books at notebooks (for young and elementary pupils.) 

For donations: Please email me here: dharzie@travellingcup.info or you can LIKE and message me on www.facebook.com/travellingcup.

In behalf of Batang Hamog Mountaineers and Lamyerda Outreach, we thank you in advance.

Follow me on Pinterest