Pag-nag-Ingles, Call Center Agent na agad?
Bagamat napakaraming lahi ang sumakop
dito sa Pilipinas na may iba’t-ibang lingwahe, nakakatuwang isipin na nakuha
natin ang galing at abilidad sa paggamit ng Ingles, mapa-salita man ito o sa
pag-sulat. Ito ang nagpapatunay na tayong mga Pilipino ay talagang “World
class” at kayang makipag-kumpitensya sa kahit anung larangan.
Ito ang naging dahilan kung bakit
sa panahong ito nabuksan ang Pilipinas sa mundo ng BPO (Business Process
Outsourcing) o Call Center. Napakalaking tulong sa ekonomiya ng ating bansa ang
naibibigay ng mga negosyanteng nag-tayo ng mga call centers sa ating bansa. Libo-libo
ring mga Pilipino ang nabigyan ng pag-kakataong makakuha ng trabaho sa iba’t-ibang
kumpanya na nakabawas sa mga Pilipinong walang trabaho.
Pag-nag-Ingles, Call Center Agent
na agad? Yan ang tanong na hindi maalis sa aking isipan. Habang ako’y naglilibot
sa isang department store, napadaan ako sa lugar ng isang kahera na kung saan
may mga nakapila para mag-bayad. Puro sila mga babae na napaka-simple lang kung
manamit, hindi mo iisiping nanggaling sila sa isang marangyang pamilya, pero
kung mag-salita ng Ingles, aakalain mong mga Amerikano sila dahil sa ganda at
galing nila sa pag-sasalita ng Ingles at ang tono nila ay mala-DJ sa isang
radyo. Walang naging problema sakin ang mga taong yun, sa halip humanga agad
ako sa kanila. Ang naging problema lang, yung mga taong nasa likuran ko.
Marahil narinig din nila ang
pag-uusap ng mga babaeng nasa kahera, imbis na humanga sila na katulad ko,
narinig ko ang isa sa kanila na nag-sabing: “Magagaling silang mag-salita, pero
mga call center agents LANG naman yang mga yan. Araw-araw silang nag-Iingles
kaya gumaling sila ng ganun at wala na silang ibang alam, kundi ganun.” Lubos akong
nalungkot sa mga narinig ko dahil ang kanilang mga salita at tono ay may halong
“pang-mamaliit” sa mga call center agents, na katulad ko.
Anu ba ang gusto kong ipahatid? I
do respect their “Freedom of Expression,” karapatan nila yun, pero mukhang marami
na sa panahon ngayon ang bumababa ang paningin sa kapwa kapag nakapag-aral na
at narating na nila ang tuktok ng kanilang karera. Hindi ko alam kung ang
pag-kukulang ay nag-mumula sa pamilya o sa paaralan; dahil ang mga yunit nayan ng
komunidad ang humuhubog sa kaisipan at pananaw ng isang indibidwal. Diba nga, sabi
nila: “wag nating gamitin ang salitang LANG kapag tayo ay naglalarawan ng isang
trabaho ng isang tao,” subalit, base sa mga narinig ko mukhang may
nag-kukulang. Sa mga makakabasa nito, sana po: “regardless of your educational
attainment and position in the society, matuto po nating tanggapin ang
kalagayan ng ating kapwa, dahil dapat ang Kapwa Mo, Mahal Mo!”