Earn Extra, Click HERE:

Tanay Adventure Camp

Are you looking for a place that can offer a great adventure? How about a place where you can experience the nature’s greatness? Well no need to worry, here’s Tanay Adventure Camp (TAC) which is situated in the municipality of Tanay in the province of Rizal, few hours travel from Manila. 

Tanay Adventure Camp (TAC) is composed of few hectares land area, covered with the refreshing green grasses and trees. It was developed to provide a great and memorable experiences to all the guests and visitors. Outstanding activities like mud slide connected to military obstacle courses, rappelling, wall/rock climbing, aerial walk, zip line and the refreshing swimming pool can be offered for you!

Where to stay? If you are looking for a place like home, TAC has the special area where you can definitely take a rest. But, if you’re looking for a camping style, you can bring your own tent and you can occupy the space allotted for campers.

Water supply is good inside TAC; you can find water faucets in almost every corner of the camp. Wash rooms, rest rooms and shower rooms are clean and well-developed. Tanay Adventure Camp is perfect for commercial team building, nature lovers and just to relax. There’s no other place like TAC.

How to Get Here? Here’s what we did:
Below LRT Cubao Station, we chartered an FX going to Cogeo Market for 35 pesos. Then a jeepney ride going to Brgy. Sampaloc, Tanay, Rizal for 60 pesos. You can inform the driver to drop you off at the intersection. Face the meeting point of the intersection and select the road on your left. Take a walk for about 400 meters to TAC Entrance. For more photos and the event story, click this link: TAC Attack 2014

TAC Attack 2014

Tanay Adventure Camp (TAC) created an event for their 3rd Year Anniversary bringing the fun and memorable adventure that everyone can experience here in TAC. They call it “TAC Attack” with the slogan: “Building Character Through Adventure.” If you want a pure English content, you can click here: Tanay Adventure Camp.

Isang pag-kakataon ang naibigay sa grupo namin na makasama sa espesyal na araw na ito. Kahit hindi maganda ang aking pakiramdam dahil sa singaw at sipon na parang parating na sa tonsillitis, itinuloy ko parin ang pag-sabak sa event na ito. Ang meeting place namin ay sa Jollibee Cubao, beside MRT Cubao Station, ang oras ay 12NN, ngunit dahil sa mga di inaasahang mga bagay-bagay, ayun late ang alis. Habang nag-hihintay dun sa dalawang espesyal na tao, nakilala narin namin yung ibang participants: Mat, Melrin, Smiley at JL. Pagkatapos ng ilang minuto, dumating naman si kaibigang si Mik. At wala parin ang dalwang espesyal na tao.

Pag-dating nung dalawang espesyal na tao, itago muna natin ang mga pangalan nila; dumeretso na kami sa may LRT Cubao Station at doon ay sumakay ng FX patungong Cogeo market. Pagkababa ng market, sumakay kami ulit sa jeep patungong Brgy. Sampaloc, Tanay, Rizal. Habang nasa byahe, kahit medyo maliwanag at mainit ang araw, subalit napaka-presko parin ng hangin at napapaligiran ng ma-beberdeng kabundukan ang mataas na daan (high way). Chillax lang kami sa byahe, kwentuhan ng mga nakaraan at tawanan. 

Bumaba kami ng jeep ng marating na namin ang intersection sa Brgy. Sampaloc, Tanay, Rizal. Kunting kembot at lakad lang ang aming ginawa patungong Entrance ng Tanay Adventure Camp at panadaliang tumambay at bumili ng mga kakailanganin sa tindahan na nasa gilid ng pasukan. Sa bukana palang, matatanaw na ang malawak, maganda at nakakahalinang kapaligiran. Isama pa natin ang mga obstacle courses at activities na agad pumukaw ng aking natutulog na pag-nanasa – pag-nanasang masubukan lahat ng iyon.

Pagkapasok, agad kaming nag-parehistro sa talaang naka-laan para sa mga partisipante. Matapos ang pag-paparehistro, agad naming tinungo ang lugar na aming pag-tatayuan ng mga tents na mag-sisilbing aming kanlungan sa gabing iyon. Marami rin kaming mga kapatid sa pag-akyat na aming nakasalamuha sa lugar na iyon.

Matapos ang pag-tayo ng aming mga panandaliang kanlungan, agad naman kaming nag-handa at nag-luto ng aming meryenda at pag-kain para sa aming hapunan. At habang ginagawa ang mga trabahong iyon, nagaganap naman ang aming “socials” na kung saan wala kaming ginawa kundi ang mag-kwentuhan ng walang humpay. Kain, Kwento, Kain, Kwento habang kami’y nag-hahanda

 Pagkatapos ng aming nakakabusog na hapunan, tinungo naman namin ang  - - Maharlika Hall na pag-gaganapan ng isang panimulang programa sa pag-bubukas ng “TAC Attack.” Ang programang iyon ay puno at excitement dahil sa mga katuruan ukol sa pag-papahalaga sa kalikasan. May mga papremyo ding ibinahagi ang mga taong nasa likod ng programang ito. Ngunit sa hindi inaasahang bagay, dinapuan na kami ng antok at nilisan ang gusali upang mag-pahinga na, habang nag-papatuloy ang programa. Subalit hindi naging sulit ang aking pag-tulog dahil sa “socials” na ginagawa ng ibang grupo, ngunit kahit papanu naibsan nito ang pagod na aking naramdaman.

 Maaga kaming nagising at naghanda para sa aming agahan. Meron kaming mainit na kape, kanin, tuyo, at sinunog na tinapay (toasted bread) na inihanda ni Onah, litiral na nangitim sa sunog. Ayun po si Onah, ang umiinom ng kape gamit ang TravellingCup ko. Habang nag-hahanda hindi parin matapos-tapos ang aming “socials” habang natutulog parin ang ibang grupo, makaganti lang. Hehehe.  Matapos ang aming agahan, nag-handa naman kami para sa iba’t-ibang mga gawain para sa araw na ito.

 Una naming ginawa ay mag-lakad sa mahabang hanging bridge (larawan sa itaas) na kumukunekta sa mag-kabilang burol. Hindi kalayuan, makikita naman ang mahabang asul na mud slide na kung saan nagsisimula ang obstacle course. Ang paligid naman ay nababalot ng mga berdeng mga halaman gaya ng mga puno at mga damo na nakakahalina sa aking paningin.

Pagkatapos mag-libot sa mga obstacle courses, nagpahinga kaming sandali sa taas ng isang gusaling nasa tuktok ng burol. Habang nag-kakaroon ng maligayang tabuhan (fun run). Mula sa aming kinalalagyan, mas nakita pa namin ang gandang itinatago ng Tanay Adventure Camp. Ang presko at malamig na hangin na nag-bibigay ng kakaibang kaligayahan ay hindi ko makakalimutan. Mula sa itaas, matataw din ang mga kabundukan, kabayanan at ang mga ulap na papalit-palit ng anyo. Makikita din naman ang mga taong kasali sa mga palaro at gumagawa ng iba't-ibang mga gawain.

 Pagkatapos makita ang ganda ng paligid ng Adventure Camp, agad naman kaming bumalik ng aming tent upang magpalit ng kasuotan para sa pag-langoy. Ang TAC ay mayroong isang mala-olympic size na swimming pool na nakalaan para sa mga bisita – at iyon ang aming sumunod na ginawa. At nang mapansin naming mas tumataas ang temperatura ni haring araw, nagpahinga kami sa isa sa mga cottages sa gilid ng pool at nag-handa para sa aming tanghalian, habang nag-sosocials parin.

Isinunod naman namin ang mahabang Zipline. Kakaibang pakiramdam ang aking nadarama tuwing ginagawa ang aking mga “buwis buhay poses.” Dito nasubukan ang talento kong kumuha ng mga larawan habang dala ang mono-pad at camera habang dumadausdos pababa. Sayang hindi ko nagawa ang pag-baliktad at iba pang mga acrobat stunts, kasi nararamdaman kong mahuhulog ang aking sun glasses, hirap kasi pag walang matungtungan ang salamin eh.

Isinunod naman namin ang wall/rock climbing at rapelling na aking pinakahihintay. Dito nasubukan ang tatag ng aking binti at mga braso. Buti nalang long legged ako, kaya mabilis kong naabot ang tutok ng pader. Kung ang iba ay takot na takot sa taas, ako naman tuwang-tuwa at kulang nalang ay mag-split sa pagitan ng mga bato. Hindi ko naman makakalimutan sila Sir na nasa rapelling, tinanong kasi nila ako: "Anu sir ginagamit nyong pangkain?" Agad naman akong sumagot: "Actually depende po sa kinakain eh!!" hahaha. Tapos ayun nagtawanan na kami. Green minded pala kami pare-pareho.

Special Request: isang kaibigan ang aking nakadaupang-palad sa lugar na ito. Tawagin po natin sya sa pangalang Bok; nakasama ko na sya sa aming akyat sa Mt. Halcon sa Mindoro at naka-sabay naman sa Mt. Mantalingajan sa Palawan. Nais nya po lamang maisama ang kanyang larawan sa isturyang ito. Tingnan nyo po yung larawan sa gilid, sya po yung naka itim na parang isang coach ng swimming. Todo supporta po sya sa kanyang kagrupo, sayang daw po kasi yung premyong iuuwi nila para sa kanilang mga pamilya. Napansin nyo bang naka semi-full-scuba gear ang mga manlalaro? Nakakatuwa silang makitang lumalangoy na nakasuot ng gears.

Sa kabuuan, ang ikatlong anibersaryo ng Tanay Adventure Camp ay naging matiwasay at maayos. Sa ngalan ng Batang Hamog Mountaineers, nagpapasalamat kami sa mga tao sa likod ng TAC Attack. Hindi man nakasali ang grupo namin sa mga palarong inihanda dahil sa katamaran, naging masaya naman kaming makita ang mga kalahok na talagang nag-hihirap makuha lamang ang titulo, medalya at papremyong nakalaan. Sa susunod na taon, babawi daw kami sabi nung mga kasama ko, kaya ihanda na raw ang mga BONGANG mga papremyo.

Buhay sa PNR

Estasyon sa EDSA
Agosto 13, 2014 – naging headline ang aksidenteng nangyari na involved ang MRT Line 3 matapos itong lumagpas sa riles sa estasyon ng EDSA sa Taft. Sa totoo lang, hindi ko na ikinabigla ang pangyayaring iyon dahil sa araw-araw kong pagbukas ng TV, hindi nawawala ang issues regarding sa mga aberyang nangyayari sa tren.

Matagal ko nang pinangarap na makasakay sa railways dito sa Pilipinas lalong-lalo na sa PNR (Philippine National Railways) hanggang sa Rehiyon ng Bicol, ngunit sa hindi maipaliwanag na mga dahilan hindi ito natutuloy. Hanggang dumating na ang panahong inalis na ang ruta hanggang Bicol dahil sa mga aksidenteng kinakasangkutan din nito.

Agosto 31, 2014 natupad ang aking matagal na pangarap – ang makasakay sa PNR. Kasama si Ate Bing, binalak naming sumakay mula sa estasyon ng EDSA hanggang sa estasyon ng Cabuyao sa probinsya Laguna subalit hindi ito natuloy dahil sa gabi lamang bumabyahe ang tren na may rutang patungong Laguna. Sa halip, sumakay kami ng tren hanggang Alabang. Habang naghihintay sa platform ng estasyon napansin ko ang mga sumusunod:

Sa aming pag-pasok sa estasyon, walang guwardiyang nag-check ng aming mga bags. May isa kaming nakitang guwardiya na nandun sa estasyon, ngunit katabi sya ng cashier sa may ticketing booth at nag-kukwentuhan sila ng kung anu man.

Isang napakasimpleng booth ang ticketing station, tanging salamin na may bilog na butas ang nakapagitan sa amin ng ticketing officer. Halos hindi nga kami mag-karinigan ni Sir dahil  kausap din n’ya yung guard on duty na noon ay katabi nya.

May waiting area ang estasyon, ito ay may bubong na pumuprotekta sa mga pasahero ngunit kailangan pang maglakad ng ilang metro ang mga pasahero patungong platform na kung saan saktong bumubukas ang pintuan ng tren. Wala ding marka na katulad ng MRT at LRT. Okay lang kung maganda ang panahon at medyo mainit, ang problema ay kung biglang umulan ng hindi inaasahan.

Estasyon sa Alabang
Habang nasa byahe patungong Alabang, ito ang aking mga napansin mula labas hanggang loob ng tren. Malayo palang, isang sirena at malakas na tunog ang aking narinig, ito na pala ang tren. Habang palapit ang tren sa aming kinaroroonan, biglang nag-flashback sa isip ko ang mga sinaunang tren na may labasan pa ng usok sa may harapan nito. Yun agad ang pumasok sa isip ko dahil ang makina ng tren ay nasa unahan, kulang lang labasan ng usok sa taas ng makina.

Pag-pasok ng tren, as expected siksikan, mainit sa loob at hindi kayang i-accommodate ng aircon ang init sa loob ng tren. May mga ads at nakasulat na Japanese or Korean loob na dapat ay tinanggal at pinalitan na ng mga paala-ala sa mga pasahero. May mga taong nag-tsitsek ng mga tickets sa loob ng tren; sana nag-tsitsek nalang sila ng tickets bago pumasok ng tren. Habang nasa loob, takot ang naramdaman ko, hindi dahil sa mga taong nakapaligid sakin kundi ang tunog ng tren ay parang nag-kakalasang mga turnilyo.

Umalis ang tren sa Alabang ng 3:03PM at nakarating sa estasyon ng Tutuban ng 4:12PM, oras ko. May nakita kaming Ads sa loob ng tren na nag-sasabing: “ang byahe ng tren ay kada tatlumpong minuto” ngunit base sa aming naranasan, mahigit isang oras kaming naghintay para sa susunod na pag-alis ng tren.

NNakakabiglang pagbukas ng pinto may parte na sobrang baba ng platform na kung saan kailangan pang tumakbo ang pasahero mula sa kabilang bagon para lamang makalabas at makababa, kawawa naman yung mga senior citizens na apektado. Hindi ko sigurado kung ang problema ay sa makinista or kulang lang talaga ang platform.

Sa kabuuan, naging ligtas naman ang byahe namin sa PNR (Philippine National Railways.) Ginawa namin ito upang maranasan ang kadalasang nararanasan ng ating mga kababayan. Naisulat ko ang karanasang ito upang mas mapa-igi pa ang serbisyo ng railways natin at maitama ang dapat itama. Nais ko ring i-set ang expectations ng mga pasaherong nagbabalak na sumakay sa ating railways lalong-lalo na kung tayo ay nag-mamadaling patungo sa ating mga destinasyon.

Follow me on Pinterest