Oktubre - Ang Buwan ng mga Museo
Hindi lang kalikasan ang kadalasan kong
sinasadya sa isang lugar, nasa interes ko rin ang kahalagahan ng ating
nakaraan. Matagal ko nang pangarap malibot ang iba’t-ibang museo sa Pilipinas,
kahit sa Metro Manila, okay lang eh, subalit dahil sa maraming hindi inaasahang
pagkakataon, hindi ito natutuloy.
Ibahin natin ang araw na ito – sa
kasamaang palad, nag-palit kaming rest days, from Friday and Saturday, naging
Tuesday and Wednesday ito. Wala akong choice dahil trabaho ito. At dahil dun,
nabawasan ang pamumundok ko, pero mas nagbukas naman ang historical sites at
museum.
Wednesday, October 29, 2014 –
nagkatotoo ang matagal ko ng pangarap – ang mapasok ang National Museum. Pero
bago yan, Marikina Shoe Museum muna ako. Nakatira ako sa Cainta, Rizal
kaya konting kembot lang, nasa Marikina na ako. Along Sumulong highway, in
front of Robinsons Metro East, sa may footbridge, sumakay akong tricycle
patungong Marikina Shoe Museum. Habang nasa byahe, biglang buhos ng ulan, buti
nalang prepared ako sa ganung sitwasyon, iba na ang girls scout. Ang pamasahe
ay 25 pesos lang hanggang sa may pintuan na mismo ng Museo. Wala pang sampung
minute ang byahe ko. Bilis no?
Pagkababa ng traysikel, dumiretso
sa entrance, nag-register at nagbayad ng 50 pesos. At dun nabusog ang mata ko
sa walang katapusang sapatos. Ang bawat pares ng mga sapatos ay nakalagay sa
mga eskaparate. May mga panlalaki at pambabae. Pati ang mga tradisyunal na
sapin sa paa sa iba’t-ibang panig ng mundo ay mayroon din.
Ang mga sumunod naman ay ang mga pares
ng mga sapatos na dating pag-aari ng mga sikat na artista at TV personalities.
Katulad nalang ng sapatos ni King of Comedy Dolphy, Christine Reyes, Rhea
Santos, Lisa Macuja at marami pang iba. Hindi rin mawawala ang mga sapatos ng
mga taong nasa politika, katulad nina Former Presidents Manuel Roxas at
Ferdinand Marcos; Vice President Noli de Castro; Senators Meriam Defensor Santiago, Loren Legarda, Bongbong Marcos, Jose De
Venecia at marami pang iba. Lahat ng mga sapatos na ito'y ibinahagi ng mga naturang personalidad para sa ikagaganda ng Museo.
At syempre syempre syempre,
mawawala ba ang pares ng mga sapatos ng aking idol na si Madam Imelda Marcos?
Syempre hindi! Dito lang naman matatagpuan ang 800 sa kanyang 3,000 na
koleksyon na pares ng kanyang sapatos. More photos and information, click here.
Mahigit isang oras din akong
umarte, nag-lakad at nag-emote sa loob ng Marikina Shoe Museum. Nakalulungkot lang isiping sa araw na iyun dalawa lang kaming pumasok sa Museo. Isang taga New Zeland at ako. Syempre maliban dun sa mga empleyado ng museo. Ang susunod na destinasyon ay Philippine National Museum.
Sa harap ng Shoe Museum, sumakay ako sa jeep patungong Pasig/Rosario at bumaba sa Ligaya. Minimum fare lang ang pamasahe. Isang eksena pala ang hindi ko makalimutan habang nasa jeep. Ako: kuya dadaan tong Ligaya? Driver: Oo sir. Ako: Magkano ho sa Ligaya? Driver: Mura lang sir, 8.50 pesos lang. Ako: Buti pa dito, ang mura lang nang Ligaya. Driver: Bakit sa inyo sir, umaabot ba ng 250 pesos? Hahaha. natawa akong bigla sa sagot nya. Double meaning pa naman ang nasa isip ko. hahaha. Si kuya parang may alam sa kalakaran ah? Hahaha.
Pagkababa sa Ligaya, sumakay akong muli sa jeep patungong LRT 2 Terminal. Sumakay akong LRT patungong Recto, tumawid sa LRT Line 1, Doroteo Jose Station. Sumakay muli sa LRT 2 at bumaba sa Estasyon ng United Nations. Lumakad ng ilang metro patungo sa Entrance ng Philippine National Museum. Ngayong buwan ng Oktubre, libre ang entrance fee, kaya malaking katipiran ito para sakin. More photos and information, click here.
Napakalapad ng Pambansang Museo, malinis at puno ng mga CCTVs para sa siguridad ng buong gusali. Lahat ng mga bagay sa loob at talagang kahanga-hanga at talagang kumuha ng aking atensyon. Mag-mula sa katubigan, kalupaan, kabundukan at maging mga personal na koleksyun. Ang bawat bagay ay talagang pinaghirapan ng mga archeologists na maipreserba para sa hinaharap.
Ngunit sa panahon ngayon, napapansin kong mas nagiging moderno na ang pamumuhay, at habang tumatagal mas lalong nawawala ang ganitong klaseng mga programa. Kung saan pa nauuso ang mga social networking sites, saka naman nababawasan ang mga nagpapahalaga dito. Bakit ko ito nasabi? Bago pumasok ng museo may nakapaskil na mga regulasyon, kasama na dito ang hindi pagkuha ng larawan na naka-ON ang flash ng camera. Subalit ilang beses akong nakakita ng mga estudyanteng kumukuha parin ng litrato na may flash. Ipinagbabawal talaga yun sa lahat ng mga museo na may mga lumang koleksyon dahil maaaring masira ang mga ito at mabawasan ang kalidad at halaga nito. At kung sa gayun, para narin nating
Isa pa sa mga regulasyon ang "Bawal Hawakan, Huwag Upuan" ang mga bagay sa loob ng museo, subalit hindi parin ito masunod ng mga dumadalaw dito. Sa totoo lang, nagagalit talaga ako dahil English Tagalog ang regulasyon, bakit hindi ito masunod-sunod? Nakakatuwang makita ang isang pamilyang sama-samang naglilibot sa loob ng museo; ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit maraming mga magulang na hinahayaan ang kanilang mga anak na mag-laro sa loob (playground lang ang peg?) at kung anu-ano ang mga kinakalikot na maaaring mag-resulta sa pagkasira ng mga koleksyon. Diba, mas magandang hubugin ang mga bata sa tamang paraan para paglaki nila, alam nila kung anu ang tama at hindi tamang gawin sa loob ng museo? Sa aking pananaw, hindi naman nagkukulang ang pamunuan ng museo dahil ginagawa nila ang lahat para mapangalagaan ang mga koleksyon; ngunit kung hindi natin sila tutulungan sa pag-preserba ng mga ito, darating ang panahong hangang sa larawan nalang natin sila makikita. Sana po ay matuto tayo sa pagkakamali ng iba - at wag nating gawing tama ang mali. Maraming salamat po at Magandang araw. Kung gusto nyong makita ang ibang mga larawan at impormasyon, maaari ninyong i-click ang mga dilaw na mga salita.
Ilang oras din akong nasa loob ng gusaling iyun, subalit hindi ko parin nalibot lahat. Kaya kung kayo ay nagbabalak gumala at pumunta sa lugar na ito, kailangang 10AM nasa building na kayo, kasabay nyo ang pagbubukas ng gusali. Sayang hindi ko napuntahan ang mga paintings sa kabila. Sana po ay natuwa kayo sa mga picture at isturya ko for today.