TAC Attack 2014
Tanay Adventure Camp (TAC)
created an event for their 3rd Year Anniversary bringing the fun and
memorable adventure that everyone can experience here in TAC. They call it “TAC
Attack” with the slogan: “Building Character Through Adventure.” If you want a
pure English content, you can click here: Tanay Adventure Camp.
Isang pag-kakataon ang naibigay
sa grupo namin na makasama sa espesyal na araw na ito. Kahit hindi maganda ang
aking pakiramdam dahil sa singaw at sipon na parang parating na sa tonsillitis,
itinuloy ko parin ang pag-sabak sa event na ito. Ang meeting place namin ay sa
Jollibee Cubao, beside MRT Cubao Station, ang oras ay 12NN, ngunit dahil sa mga
di inaasahang mga bagay-bagay, ayun late ang alis. Habang nag-hihintay dun sa
dalawang espesyal na tao, nakilala narin namin yung ibang participants: Mat,
Melrin, Smiley at JL. Pagkatapos ng ilang minuto, dumating naman si kaibigang
si Mik. At wala parin ang dalwang espesyal na tao.
Pag-dating nung dalawang espesyal
na tao, itago muna natin ang mga pangalan nila; dumeretso na kami sa may LRT
Cubao Station at doon ay sumakay ng FX patungong Cogeo market. Pagkababa ng
market, sumakay kami ulit sa jeep patungong Brgy. Sampaloc, Tanay, Rizal.
Habang nasa byahe, kahit medyo maliwanag at mainit ang araw, subalit napaka-presko
parin ng hangin at napapaligiran ng ma-beberdeng kabundukan ang mataas na daan
(high way). Chillax lang kami sa byahe, kwentuhan ng mga nakaraan at tawanan.
Bumaba kami ng jeep ng marating
na namin ang intersection sa Brgy. Sampaloc, Tanay, Rizal. Kunting kembot at lakad
lang ang aming ginawa patungong Entrance ng Tanay Adventure Camp at panadaliang
tumambay at bumili ng mga kakailanganin sa tindahan na nasa gilid ng pasukan. Sa
bukana palang, matatanaw na ang malawak, maganda at nakakahalinang kapaligiran.
Isama pa natin ang mga obstacle courses at activities na agad pumukaw ng aking
natutulog na pag-nanasa – pag-nanasang masubukan lahat ng iyon.
Pagkapasok, agad kaming
nag-parehistro sa talaang naka-laan para sa mga partisipante. Matapos ang
pag-paparehistro, agad naming tinungo ang lugar na aming pag-tatayuan ng mga
tents na mag-sisilbing aming kanlungan sa gabing iyon. Marami rin kaming mga
kapatid sa pag-akyat na aming nakasalamuha sa lugar na iyon.
Matapos ang pag-tayo ng aming mga panandaliang kanlungan, agad naman kaming nag-handa
at nag-luto ng aming meryenda at pag-kain para sa aming hapunan. At habang
ginagawa ang mga trabahong iyon, nagaganap naman ang aming “socials” na kung
saan wala kaming ginawa kundi ang mag-kwentuhan ng walang humpay. Kain, Kwento,
Kain, Kwento habang kami’y nag-hahanda
Pagkatapos ng aming nakakabusog na hapunan, tinungo naman namin ang - - Maharlika Hall na pag-gaganapan ng isang
panimulang programa sa pag-bubukas ng “TAC Attack.” Ang programang iyon ay puno
at excitement dahil sa mga katuruan ukol sa pag-papahalaga sa kalikasan. May
mga papremyo ding ibinahagi ang mga taong nasa likod ng programang ito. Ngunit
sa hindi inaasahang bagay, dinapuan na kami ng antok at nilisan ang gusali upang
mag-pahinga na, habang nag-papatuloy ang programa. Subalit hindi naging sulit
ang aking pag-tulog dahil sa “socials” na ginagawa ng ibang grupo, ngunit kahit
papanu naibsan nito ang pagod na aking naramdaman.
Maaga kaming nagising at naghanda
para sa aming agahan. Meron kaming mainit na kape, kanin, tuyo, at sinunog na
tinapay (toasted bread) na inihanda ni Onah, litiral na nangitim sa sunog.
Ayun po si Onah, ang umiinom ng kape gamit ang TravellingCup ko. Habang nag-hahanda hindi parin matapos-tapos ang aming “socials” habang
natutulog parin ang ibang grupo, makaganti lang. Hehehe. Matapos ang aming agahan, nag-handa naman
kami para sa iba’t-ibang mga gawain para sa araw na ito.
Una naming ginawa ay mag-lakad sa
mahabang hanging bridge (larawan sa itaas) na kumukunekta sa mag-kabilang burol. Hindi kalayuan, makikita naman ang mahabang asul na mud slide na kung saan nagsisimula ang obstacle course. Ang
paligid naman ay nababalot ng mga berdeng mga halaman gaya ng mga puno at mga
damo na nakakahalina sa aking paningin.
Pagkatapos mag-libot sa mga
obstacle courses, nagpahinga kaming sandali sa taas ng isang gusaling nasa
tuktok ng burol. Habang nag-kakaroon ng maligayang tabuhan (fun run). Mula sa
aming kinalalagyan, mas nakita pa namin ang gandang itinatago ng Tanay
Adventure Camp. Ang presko at malamig na hangin na nag-bibigay ng kakaibang
kaligayahan ay hindi ko makakalimutan. Mula sa itaas, matataw din ang mga kabundukan, kabayanan at ang mga ulap na papalit-palit ng anyo. Makikita din naman ang mga taong kasali sa mga palaro at gumagawa ng iba't-ibang mga gawain.
Pagkatapos
makita ang ganda ng paligid ng Adventure Camp, agad naman kaming bumalik ng
aming tent upang magpalit ng kasuotan para sa pag-langoy. Ang TAC ay mayroong
isang mala-olympic size na swimming pool na nakalaan para sa mga bisita – at
iyon ang aming sumunod na ginawa. At nang mapansin naming mas tumataas ang
temperatura ni haring araw, nagpahinga kami sa isa sa mga cottages sa gilid ng pool at
nag-handa para sa aming tanghalian, habang nag-sosocials parin.
Isinunod naman namin ang mahabang
Zipline. Kakaibang pakiramdam ang aking nadarama tuwing ginagawa ang aking mga
“buwis buhay poses.” Dito nasubukan ang talento kong kumuha ng mga larawan habang dala ang mono-pad at camera habang dumadausdos pababa. Sayang hindi ko nagawa ang pag-baliktad at iba pang mga acrobat stunts, kasi nararamdaman kong mahuhulog ang aking sun glasses, hirap kasi pag walang matungtungan ang salamin eh.
Isinunod naman namin ang wall/rock climbing at rapelling na aking pinakahihintay. Dito nasubukan ang
tatag ng aking binti at mga braso. Buti nalang long legged ako, kaya mabilis kong naabot ang tutok ng pader. Kung ang iba ay takot na takot sa taas, ako
naman tuwang-tuwa at kulang nalang ay mag-split sa pagitan ng mga bato. Hindi ko naman makakalimutan sila Sir na nasa rapelling, tinanong kasi nila ako: "Anu sir ginagamit nyong pangkain?" Agad naman akong sumagot: "Actually depende po sa kinakain eh!!" hahaha. Tapos ayun nagtawanan na kami. Green minded pala kami pare-pareho.
Special Request: isang kaibigan
ang aking nakadaupang-palad sa lugar na ito. Tawagin po natin sya sa pangalang
Bok; nakasama ko na sya sa aming akyat sa Mt. Halcon sa Mindoro at naka-sabay
naman sa Mt. Mantalingajan sa Palawan. Nais nya po lamang maisama ang kanyang
larawan sa isturyang ito. Tingnan nyo po yung larawan sa gilid, sya po yung naka
itim na parang isang coach ng swimming. Todo supporta po sya sa kanyang kagrupo, sayang daw po kasi yung premyong iuuwi nila para sa kanilang mga pamilya. Napansin nyo bang naka semi-full-scuba gear ang mga manlalaro? Nakakatuwa silang makitang lumalangoy na nakasuot ng gears.
Sa kabuuan, ang ikatlong
anibersaryo ng Tanay Adventure Camp ay naging matiwasay at maayos. Sa ngalan ng
Batang Hamog Mountaineers, nagpapasalamat kami sa mga tao sa likod ng TAC
Attack. Hindi man nakasali ang grupo namin sa mga palarong inihanda dahil sa
katamaran, naging masaya naman kaming makita ang mga kalahok na talagang
nag-hihirap makuha lamang ang titulo, medalya at papremyong nakalaan. Sa
susunod na taon, babawi daw kami sabi nung mga kasama ko, kaya ihanda na raw
ang mga BONGANG mga papremyo.