Buhay sa PNR
Estasyon sa EDSA
Agosto 13, 2014 – naging headline
ang aksidenteng nangyari na involved ang MRT Line 3 matapos itong lumagpas sa
riles sa estasyon ng EDSA sa Taft. Sa totoo lang, hindi ko na ikinabigla ang
pangyayaring iyon dahil sa araw-araw kong pagbukas ng TV, hindi nawawala ang
issues regarding sa mga aberyang nangyayari sa tren.
Matagal ko nang pinangarap na
makasakay sa railways dito sa Pilipinas lalong-lalo na sa PNR (Philippine
National Railways) hanggang sa Rehiyon ng Bicol, ngunit sa hindi maipaliwanag
na mga dahilan hindi ito natutuloy. Hanggang dumating na ang panahong inalis na
ang ruta hanggang Bicol dahil sa mga aksidenteng kinakasangkutan din nito.
Agosto 31, 2014 natupad ang aking
matagal na pangarap – ang makasakay sa PNR. Kasama si Ate Bing, binalak naming
sumakay mula sa estasyon ng EDSA hanggang sa estasyon ng Cabuyao sa probinsya
Laguna subalit hindi ito natuloy dahil sa gabi lamang bumabyahe ang tren na may
rutang patungong Laguna. Sa halip, sumakay kami ng tren hanggang Alabang. Habang
naghihintay sa platform ng estasyon napansin ko ang mga sumusunod:
Sa aming pag-pasok sa estasyon,
walang guwardiyang nag-check ng aming mga bags. May isa kaming nakitang
guwardiya na nandun sa estasyon, ngunit katabi sya ng cashier sa may ticketing
booth at nag-kukwentuhan sila ng kung anu man.
Isang napakasimpleng booth ang
ticketing station, tanging salamin na may bilog na butas ang nakapagitan sa
amin ng ticketing officer. Halos hindi nga kami mag-karinigan ni Sir dahil kausap din n’ya yung guard on duty na noon ay
katabi nya.
May waiting area ang estasyon,
ito ay may bubong na pumuprotekta sa mga pasahero ngunit kailangan pang
maglakad ng ilang metro ang mga pasahero patungong platform na kung saan
saktong bumubukas ang pintuan ng tren. Wala ding marka na katulad ng MRT at
LRT. Okay lang kung maganda ang panahon at medyo mainit, ang problema ay kung
biglang umulan ng hindi inaasahan.
Estasyon sa Alabang
Habang nasa byahe patungong
Alabang, ito ang aking mga napansin mula labas hanggang loob ng tren. Malayo
palang, isang sirena at malakas na tunog ang aking narinig, ito na pala ang
tren. Habang palapit ang tren sa aming kinaroroonan, biglang nag-flashback sa
isip ko ang mga sinaunang tren na may labasan pa ng usok sa may harapan nito.
Yun agad ang pumasok sa isip ko dahil ang makina ng tren ay nasa unahan, kulang
lang labasan ng usok sa taas ng makina.
Pag-pasok ng tren, as expected
siksikan, mainit sa loob at hindi kayang i-accommodate ng aircon ang init sa
loob ng tren. May mga ads at nakasulat na Japanese or Korean loob na dapat ay
tinanggal at pinalitan na ng mga paala-ala sa mga pasahero. May mga taong
nag-tsitsek ng mga tickets sa loob ng tren; sana nag-tsitsek nalang sila ng
tickets bago pumasok ng tren. Habang nasa loob, takot ang naramdaman ko, hindi
dahil sa mga taong nakapaligid sakin kundi ang tunog ng tren ay parang
nag-kakalasang mga turnilyo.
NNakakabiglang pagbukas ng pinto
may parte na sobrang baba ng platform na kung saan kailangan pang tumakbo ang
pasahero mula sa kabilang bagon para lamang makalabas at makababa, kawawa naman
yung mga senior citizens na apektado. Hindi ko sigurado kung ang problema ay sa
makinista or kulang lang talaga ang platform.