TravellingCup - Blocked on Facebook
I created TravellingCup in 2011,
I can personally say medyo mataas na ang nararating ko sa blogging at sa social
world. Marami na akong natulungan sa iba’t-ibang aspeto; mapa bundok at byahe
man ito. Marami narin akong naging problema na kinaharap at sa kalaunan ay naresolba
ko rin ito ng matiwasay. Pero isang bagay ang nagpapakabog nang aking puso
ngayong araw na ito at ito ay tungkol sa blog link ko.
In every facebook groups, there
are rules and policies; not just facebook, but all the existing organization across
the globe. Hindi naman sa nagmamagaling ako, pero ugali ko na talaga ang
magbasa nang mga rules and policies in each group before posting my blog post
links and photos, as it reflects my comprehension to the rules I read.
Isang kaibigan natin sa
pamumundok ang sumubok na mag-post ng link nang aking blog post sa tatlong
mountaineering groups sa facebook. Nabigla daw sya kung bakit hindi sya
pinapayagan sa pag-post dahil sa mga restrictions at abusive daw ang mga contents
ng blog ko. Lubos kong ikinagulat ang pangyayaring iyon, kaya ako mismo ang
sumubok sa pagpost sa mga nasabi nyang mountaineering groups. At totoo nga ang
sabi nya, basahin nyo ang nakasulat sa screen cap ko sa taas.
Lubos kong ikinabahala ang
naturang pagtugon ng facebook sa aking blog link. Kaya sinubukan kong tanungin
ang iba nating mga kababayan Pilipino; mga kapatid sa pamumundok, kapuso sa
pagbabyahe, kapamilya sa pagbaBlog at maging ang mga masugid nating tagapagbasa
na nagmumula pa ibat’-ibang panig ng mundo. Ang sabi nila: positibo,
nakatutulong sa iba, maganda ang mga litrato, simple, sablay sa spelling at sablay
sa grammar. Tanggap ko na ang mga bagay na yan, pero wala akong makitang
ABUSIVE ang mga blog post ko!
Sa pagkaka-alam ko, sa mga grupong
ito, kadalasan nagla-LIKE, nagtatanong at nagbibigay lang ako ng mga personal
na kuro-kuro base sa karanasan ko. Naglalagay lang ako ng link ng blog post ko
kapag ito ay tungkol na sa pag-kasira ng ating kabundukan at iba pang likas na
yaman. Sa pagkakatanda ko, nakapag post pa ako nung isyu sa pagconvert sa pagiging park ng Mt.Gulugod Baboy, last January 13, 2014 tungkol dun sa mga Basura sa Mt. Cristobal
at Bandalismo sa Mt. Batulao naman noong January 20, 2014. Ang PAMBABATIKOS ko
sa post na iyon ang pumukaw at kumuha sa atensyon ng mga mambabasa, na kung
saan umani ako ng palakpakan. Pagbalik ko mula sa Mt. Mantalingajan climb, ito
BLOCKED NA AKO AT HINDI KO ALAM ANG DAHILAN.
----------------------------------------------------------
PARA SAYO TO, ADMIN
Ka!
----------------------------------------------------------
Alam ko kong gaano kahirap
mag-maintain nang isang grupo online at alam kong ginagawa nyo ang lahat ng
inyong makakaya as moderator at sa ikagaganda ng mga naturang grupo, pero sana
naman gayahin natin si ang slogan ng 24Oras ng GMA7. “Walang Kinikilingan,
Walang Pinoprotektahan, Serbisyong Totoo Lamang.” Excuse Me Po! - Mike Enriquez
Ako, bilang isa din sa mga admins
ng ibang grupong kinakaaniban ko (well karamihan x-rated sites,) sinisigurado
ko ang mga sumusunod: Kapayapaan, Pagbibigay ng respeto sa kapwa at Pagkakaisa
ng bawat miyembro. And regarding link posting, bago ako magBLOCK ng isang
website or blogsite na pag-aari ng isang miyembro ng grupo namin, sinisigurado
kong majority ng mga admins ay nacheck at naverify ang mga contents ng inirereklamong
site. Hindi dapat magviolate sa kahit anung rules, hindi dapat makasakit o
makaoffend ng ibang miyembro at ang panghuli, “hindi porket nati-threaten ang
blog ko ng ibang blog,” wala parin akong kinikilingan – patas dapat ang
labanan! ISULONG ANG PERMISSION TO POST, hindi na naka open to all members
tapos block link ko – UNFAIR at nangangamoy politika!