Showing posts with label Buwis Buhay. Show all posts
Showing posts with label Buwis Buhay. Show all posts

Saturday, January 9, 2016

Mt. Samat | Dambana nang Kagitingan | Bataan

 Dambana ng Kagitingan (Shrine of Valor) is located on the summit of Mt. Samat.  This Historical landmark is a 302-ft Memorial Cross that symbolizes  as a fitting memorial to the heroic struggle and sacrifices of those soldiers who fought and died in that historic bastion of freedom - wikipedia.org.

Honestly, the trip to this historical site wasn't planned properly.  Out plan that time was to have a good time at the beach.  Doing some swimming and island hopping wearing our swim suit.   The weather that day wasn't inviting! I promise.  The sky was dark, raining hard during our travel from Manila, the lighting shines brightly like a sun, the thunder was roaring like a lion in the forest.  And so? we don't care about the weather, we felt more excited for those challenges.

This was my second adventure with some Batang Hamog Mountaineers, and I know from the start that I will enjoy everything despite of the bad weather.  We conquered this site after our Bagac, Bataan Adventure.  The people of Bataan are really great, they let us sleep in their own houses even we don't know them.  So thanks a lot!

Dambana nang Kagitingan
The stairs up to the entrance of the Museum.

Visit Bataan
This is the main entrance going to top of the cross.  No need to worry if you don't want to walk hundred steps, there is elevator that can bring you to the top.

History of Bataan
gorgeous art work!

Freedom Kalayaan
top view of the Museum
Cross in Bataan
the bottom shot of the cross
Death March Bataan
the Entrance
Death March

Shrine of Valor
                                         
Enjoy the video, taken at the Shrine of Valor
Visiting this historical landmark was an amazing experience, with the Batang Hamog Mountaineers.  Although we walked on the 8 kilometer road going to the Shrine of Valor, but then it was a remarkable experience.  We experienced heavy rains and destructive  sun rays.  But in total: that was amazing experience!

Sunday, December 6, 2015

Pinagrealan Cave

Pagkatapos ng aming buwis buhay na karanasan sa Lioness Rock Formation, isinunod naman namin ang makasay-sayang kweba ng Pinagrealan na matatapuan sa Brgy. Minuyan, Norzagaray, Bulacan, ilang minutong byahe sakay sa isang traysikel mula sa Rutonda ng Brgy. Bigte.

Ang Kweba ng Pinagrealan ay unang tinawag na Kweba ng Minuyan na matatagpuan sa paanan ng Bundok ng Sierra Madre na sakop ng Norzagaray, Bulacan. Ito ay ginawang Kampamento ng mga Rebolusyunaryong Pilipino, sa pangunguna ni Heneral Sinforoso dela Cruz. Ito ay naging pangunahing kuta at tanggulan ng mga manghihimagsik nang taong 1896-1897.

Sa kwebang ito nanirahan ang hukbong rebolusyunaryo ni Heneral Emilio Aguinaldo at Heneral Pio del Pilar. Nagkaroon ng iba’t-ibang labanan sa labas at palibot ng kweba. Sa loob ng kweba matatagpuan ang ginawang bahay ni Heneral Aguinaldo sa likod ng maraming nakatayong hugis pinto at tunay na marbol. Sa harapan naman ng kweba itinayo ang kwartel at bahay pagamutan kung saan ginagamot ang mga manghihimagsik na nasusugatan sa labanan – details: courtesy – Pinagrealan Cave.

pinagrealan cave
 Isa sa mga espesyal na lugar sa loob ng Kweba ng Pinagrealan ay ang butas na ito (larawan sa itaas). Ayun sa aming guide, may natagpuan daw silang mesa na may nakasulat na: “Emilio.” Ito’y pinaniniwalaang pag-aari ng dating Heneral Emilio Aguinaldo. Ang iba pang mga bagay na kanilang natag-puan sa loob ng kweba ay matatapuan ngayon sa National Museum. Naisip ko bigla, kung kumasya si Aguinaldo sa butas na ito, malamang maliit na tao ang unang presidente?

pinagrealan cave
 Ang kweba ay may iba’t-bang parte, may mga malalapad at masisikip na daanan at mga daluyan ng malamig na tubig. Hindi rin mawawala ang mga stalactites, stalagmites, curtains and columns sa iba’t-ibang parte ng kweba. Agaw pansin naman ang mga butas na nilikha ng mga paniki upang gawin tahanan.

pinagrealan cave
 Gusto nyo bang maligo sa isang malamig pero nakaka-relax na tubig? Wag kayong mag-alala, ang parte ng kweba na nasa larawan sa itaas ay maibibigay ang gusto nyo. Noong una, napa-isip talaga ako kung mag-lulublob ako sa malamig na tubig nayun, pero nung sinabi nung guide namin na: “sige lang mam sir, try nyo lang, sabihin nyong sinungaling ako kung hindi kayo ma-rerelax.” Napaisip agad ako, at pag-katapos, agad na akong nag-lublob sa malamig na tubig. Totoo nga ang kanyang sinabi, na-relax ako nang bonga! Rock climbing, scrambling or spelunking? click here: Lioness Rock Formation

How to Get Here? Here’s what we did: From SM Fairview, we rode in a jeepney going to Rotunda in Brgy. Bigte, Norzagaray, Bulacan. Then, charter a tricycle going to Pinagrealan Cave or Lioness Rock Formation.

Things to Consider: It is really dark inside Pinagrealan Cave, so it is advisable to bring flashlights (guides will be providing flashlights for you.) Please take note; there are flashlights that can destroy the living minerals inside the cave, so LED light is more advisable. There are parts where stone are covered with sharp edges, so wearing helmet is a must! Outdoor sandals or slippers are also advisable; tourists will be stepping on and off the stones and boulders that might be sharp, so careful

Lioness Rock Formation

Lioness Rock what to visit in bulacan
 Lioness Rock Formation is another tourist spot in Bulacan, being known because of great photos uploaded on online blogs. It is where tourists can do a death defying poses and stunts, literally “On the Rock.” This rock formation is named because of its unique rock formation that looks like a “Lioness.” Not only that, in this area we can also find the Monkeys, Rhinos, and Korona rock formations.

Nagsimula ang aming pag-lalakbay sa SM Fairview na kung saan kami sumakay ng jeep patungong Brgy. Bigte, Norzagaray, Bulacan. Dapat wala pang isang oras ang aming naging byahe ngunit sa di inaasahang pagkakataon, naging mabigat ang daloy ng trapiko. Ang pamasahe ay nag-kakahalaga ng 30 pesos.

Bumaba kami sa tinatawag na Rutonda ng Brgy. Bigte, malapit sa palengke. Pag-katapos, sumakay kami ng traysikel patungong Iglesia ni Kristo na malapit sa Paaralang Elementarya ng Bigte, at doon nagsimula ang aming kakaibang karanasan.

lioness rock formation
 Ang daan patungong Lionese Rock Formation ay matatagpuan sa isang pribadong lote na pag-aari ng mga lokal. Ang lahat ng bisita ay inaasahang mag-paalam muna bago mag-simula sa pag-akyat. Ang daan ay maputik at masukal, kaya masusing pag-iingat ang kailangan. May mga kabataang nag-aalok maging guide sa bawat bisita at mas magandang kumuha ng guide dahil delikado ang bawat hakbang.

lioness rock formation
 Ang susunod namang bahagi ay ang simula ng pag-akyat sa mga bato patungong tutok ng Monkeys rock formations. Sabi ng aming dalawang guides, nag-mumukhang isang ungoy daw ang isang bahagi ng batong ito kaya tinawag na monkeys. Medyo mahirap ang parteng ito, dahil masusubukan ang lakas at tatag ng mga braso at binti ng mga umaakyat.  Ngunit ng marating ko ang tutok nito, nakita ko ang gandang itinatago ng Norzagaray, Bulacan.


Darwin Dalisay
Katabi naman ng monkeys, makikita naman ang kakaibang bato na kahugis ng isang Lion. Nakikita nyo ang mga larawan sa itaas at sa kanan? Para itong ulo ng tinaguriang hari ng kagubatan, diba? Ang nakakatakot lang, base sa aking obserbasyon, ang mga bato ay may malalaking crack na habang tumatagal mas lalong nawawala ang tibay nito, kaya siguraduhing tama ang bawat hakbang. Ang isang maling hakbang ay posibleng maging mitsa ng aksidente. 

Larawan sa Kanan: Ako yan habang ginagawa ang aking “Buwis Buhay Pose.” Sa unang tingin, maski sa ikalawa at ikatlong tingin, hangang may paningin ka, malalaman mo agad na isang imahe ng Lion ang bato, pero dito sa larawang ito, parang akong isang ibong nakatayo sa ulo ng Lion.

BABALA: Sa mga gustong mag-karoon ng mga magagandang larawan, dobleng ingat ang inyong kailangan, kapag malakas ang hangin at hindi kayo komportable, wag nang ituloy!

 Ang susunod na bahagi naman ay ang pag-baba mula sa tutok ng monkeys at Lioness rock formations. Ang parting ito mas mahirap ng kaunti kesa paakyat, marahil mas mahirap makita ang mga aapakang bato. Kaya dito nasukat kung gaanong katatag ang aking mga braso at binti.  Malaking tulong parin ang aking gloves na pang garden at aking sapatos na may makapal na sole. Iwasang mag-dala ng malalaking bag paakyat, katulad ni Te Bing (may pulang bag) na medyo nahirapan, hindi ko alam kung dahil sa bag o dahil maiksi ang mga biyas, kayo na ang mag-husga. Peace Te Bing!

At dahil may dalawang bisita at kanilang guide na nauna sa amin, pinili muna naming kumain ng tanghalian sa isang malinis at patag na lugar, bago umakyat ng Rhinos Rock formation. Wag nyong pahirapan ang inyong mga sarili kung bakit tinawag na Rhinos ang batong ito, mamaya malalaman nyo kung bakit. Sa ngayon, wala munang clue. Ilang minuto din kaming nag-pahinga habang nag-seselfie ang mga nauna sa amin.

 Nung mapansin namin na pababa na ang mga taong nauna, nag-simula narin kaming umakyat sa likod na parte ng Rhinos. Sa parteng ito naman, mas delikado dahil mas matutulis ang mga bato, ngunit mas simpleng ng kaunti, dahil mas maraming kakapitan. Ay may joke pala tungkol sa “kapitan:” may nag-tanong ng: “marami bang kapitan dyan?” Sumagot ang aming guide na si Amboy: “ay hindi po, isa lang po ang kapitan dito!” Sumagot naman ako ng: “Ah, talaga? Eh, Taga saan ba si kapitan?" Hahaha. Sama talaga ng ugali ko no? Binasag ko yung joke nya.

Siguro naman nakikita nyo ang larawan sa itaas, tama? Ito ang paliwanag kung bakit tinawag na Rhinos Rock Formation ang lugar nayan. Base na nakikita nyo, parang isang imahe ng Rhino ang hugis ng batong aking tinutungtungan. Ang butas sa bato ay nag-sisilbing mata ng Rhino, kaya. Ang larawan naman sa kaliwa ay kuha sa itaas na bahagi ng Rhinos, at sa nakikita nyo, matutulis ang mga batong aking kinaroroonan, kaya mas kailangan ang masusing pag-iingat. Pagkatapos ng Rhinos Rock Formations, isinunod naman namin ang Korona Rock Foramation. Ngayon, siguro naman hindi ko na kailangang ipaliwanag kung bakit tinawag itong Korona.

Nag-pahinga kami sa tutok nito ng ilang minuto hanggang sa abutan na kami ng ulan. Ambon lamang ang bumagsak, hindi namin alam na parating na pala si Bagyong Luis. Mas lalong naging delikado ang aming pag-baba dahil mas lalong naging madulas ang mga batong aming tinutung-tungan pababa. Pagkatapos ng mga rock formations, isinunod naman naming ang makasay-sayang kweba ng Norzagaray, click here: Pinagrealan Cave

Need to Consider:
Before reaching the peak of these rock formations, you need to consider different aspects. First will be your health, it is very important, especially if you have the fear of heights, do try it without harness or professionals. You are encouraged to invest for your outfit: rocks are sharp, so your shoes should be dependable and should fit for rock scrambling and climbing. Sole must be thick and can’t be penetrated easily by the sharp rock surfaces. Stretchable shirts and pants are necessary, so you’ll be comfortable in doing the rock scrambling. 

Gloves are needed here because majority of the rock surfaces are sharp, gardening gloves will do. You also need to bring sun block for your skin protection and to avoid skin damage, and insect repellent lotion to protect you from insect bites since the area has shrubs and grasses.  

Sa mga nag-babalak na umakyat sa mga batuhang ito, mas magandang mag-sama kayo ng guide. Sila kasi ang nakakaalam ng mga tamang batong hahawakan at aapakan upang maiwasan kahit papanu ang mga disgrasya. Ibayong pag-iingat ang kailangan!! Bale ang naging budget namin ay nasa 500 pesos lang, bonga diba!

Monday, September 15, 2014

Tanay Adventure Camp

Are you looking for a place that can offer a great adventure? How about a place where you can experience the nature’s greatness? Well no need to worry, here’s Tanay Adventure Camp (TAC) which is situated in the municipality of Tanay in the province of Rizal, few hours travel from Manila.




Tanay Adventure Camp (TAC) is composed of few hectares land area, covered with the refreshing green grasses and trees. It was developed to provide a great and memorable experiences to all the guests and visitors. Outstanding activities like mud slide connected to military obstacle courses, rappelling, wall/rock climbing, aerial walk, zip line and the refreshing swimming pool can be offered for you!

Where to stay? If you are looking for a place like home, TAC has the special area where you can definitely take a rest. But, if you’re looking for a camping style, you can bring your own tent and you can occupy the space allotted for campers.

Water supply is good inside TAC; you can find water faucets in almost every corner of the camp. Wash rooms, rest rooms and shower rooms are clean and well-developed. Tanay Adventure Camp is perfect for commercial team building, nature lovers and just to relax. There’s no other place like TAC.

How to Get Here? Here’s what we did:
Below LRT Cubao Station, we chartered an FX going to Cogeo Market for 35 pesos. Then a jeepney ride going to Brgy. Sampaloc, Tanay, Rizal for 60 pesos. You can inform the driver to drop you off at the intersection. Face the meeting point of the intersection and select the road on your left. Take a walk for about 400 meters to TAC Entrance. For more photos and the event story, click this link: TAC Attack 2014

Sunday, September 7, 2014

TAC Attack 2014

Tanay Adventure Camp (TAC) created an event for their 3rd Year Anniversary bringing the fun and memorable adventure that everyone can experience here in TAC. They call it “TAC Attack” with the slogan: “Building Character Through Adventure.” If you want a pure English content, you can click here: Tanay Adventure Camp.

Isang pag-kakataon ang naibigay sa grupo namin na makasama sa espesyal na araw na ito. Kahit hindi maganda ang aking pakiramdam dahil sa singaw at sipon na parang parating na sa tonsillitis, itinuloy ko parin ang pag-sabak sa event na ito. Ang meeting place namin ay sa Jollibee Cubao, beside MRT Cubao Station, ang oras ay 12NN, ngunit dahil sa mga di inaasahang mga bagay-bagay, ayun late ang alis. Habang nag-hihintay dun sa dalawang espesyal na tao, nakilala narin namin yung ibang participants: Mat, Melrin, Smiley at JL. Pagkatapos ng ilang minuto, dumating naman si kaibigang si Mik. At wala parin ang dalwang espesyal na tao.

Pag-dating nung dalawang espesyal na tao, itago muna natin ang mga pangalan nila; dumeretso na kami sa may LRT Cubao Station at doon ay sumakay ng FX patungong Cogeo market. Pagkababa ng market, sumakay kami ulit sa jeep patungong Brgy. Sampaloc, Tanay, Rizal. Habang nasa byahe, kahit medyo maliwanag at mainit ang araw, subalit napaka-presko parin ng hangin at napapaligiran ng ma-beberdeng kabundukan ang mataas na daan (high way). Chillax lang kami sa byahe, kwentuhan ng mga nakaraan at tawanan. 

Bumaba kami ng jeep ng marating na namin ang intersection sa Brgy. Sampaloc, Tanay, Rizal. Kunting kembot at lakad lang ang aming ginawa patungong Entrance ng Tanay Adventure Camp at panadaliang tumambay at bumili ng mga kakailanganin sa tindahan na nasa gilid ng pasukan. Sa bukana palang, matatanaw na ang malawak, maganda at nakakahalinang kapaligiran. Isama pa natin ang mga obstacle courses at activities na agad pumukaw ng aking natutulog na pag-nanasa – pag-nanasang masubukan lahat ng iyon.

Pagkapasok, agad kaming nag-parehistro sa talaang naka-laan para sa mga partisipante. Matapos ang pag-paparehistro, agad naming tinungo ang lugar na aming pag-tatayuan ng mga tents na mag-sisilbing aming kanlungan sa gabing iyon. Marami rin kaming mga kapatid sa pag-akyat na aming nakasalamuha sa lugar na iyon.

Matapos ang pag-tayo ng aming mga panandaliang kanlungan, agad naman kaming nag-handa at nag-luto ng aming meryenda at pag-kain para sa aming hapunan. At habang ginagawa ang mga trabahong iyon, nagaganap naman ang aming “socials” na kung saan wala kaming ginawa kundi ang mag-kwentuhan ng walang humpay. Kain, Kwento, Kain, Kwento habang kami’y nag-hahanda

 Pagkatapos ng aming nakakabusog na hapunan, tinungo naman namin ang  - - Maharlika Hall na pag-gaganapan ng isang panimulang programa sa pag-bubukas ng “TAC Attack.” Ang programang iyon ay puno at excitement dahil sa mga katuruan ukol sa pag-papahalaga sa kalikasan. May mga papremyo ding ibinahagi ang mga taong nasa likod ng programang ito. Ngunit sa hindi inaasahang bagay, dinapuan na kami ng antok at nilisan ang gusali upang mag-pahinga na, habang nag-papatuloy ang programa. Subalit hindi naging sulit ang aking pag-tulog dahil sa “socials” na ginagawa ng ibang grupo, ngunit kahit papanu naibsan nito ang pagod na aking naramdaman.

 Maaga kaming nagising at naghanda para sa aming agahan. Meron kaming mainit na kape, kanin, tuyo, at sinunog na tinapay (toasted bread) na inihanda ni Onah, litiral na nangitim sa sunog. Ayun po si Onah, ang umiinom ng kape gamit ang TravellingCup ko. Habang nag-hahanda hindi parin matapos-tapos ang aming “socials” habang natutulog parin ang ibang grupo, makaganti lang. Hehehe.  Matapos ang aming agahan, nag-handa naman kami para sa iba’t-ibang mga gawain para sa araw na ito.

 Una naming ginawa ay mag-lakad sa mahabang hanging bridge (larawan sa itaas) na kumukunekta sa mag-kabilang burol. Hindi kalayuan, makikita naman ang mahabang asul na mud slide na kung saan nagsisimula ang obstacle course. Ang paligid naman ay nababalot ng mga berdeng mga halaman gaya ng mga puno at mga damo na nakakahalina sa aking paningin.

Pagkatapos mag-libot sa mga obstacle courses, nagpahinga kaming sandali sa taas ng isang gusaling nasa tuktok ng burol. Habang nag-kakaroon ng maligayang tabuhan (fun run). Mula sa aming kinalalagyan, mas nakita pa namin ang gandang itinatago ng Tanay Adventure Camp. Ang presko at malamig na hangin na nag-bibigay ng kakaibang kaligayahan ay hindi ko makakalimutan. Mula sa itaas, matataw din ang mga kabundukan, kabayanan at ang mga ulap na papalit-palit ng anyo. Makikita din naman ang mga taong kasali sa mga palaro at gumagawa ng iba't-ibang mga gawain.

 Pagkatapos makita ang ganda ng paligid ng Adventure Camp, agad naman kaming bumalik ng aming tent upang magpalit ng kasuotan para sa pag-langoy. Ang TAC ay mayroong isang mala-olympic size na swimming pool na nakalaan para sa mga bisita – at iyon ang aming sumunod na ginawa. At nang mapansin naming mas tumataas ang temperatura ni haring araw, nagpahinga kami sa isa sa mga cottages sa gilid ng pool at nag-handa para sa aming tanghalian, habang nag-sosocials parin.

Isinunod naman namin ang mahabang Zipline. Kakaibang pakiramdam ang aking nadarama tuwing ginagawa ang aking mga “buwis buhay poses.” Dito nasubukan ang talento kong kumuha ng mga larawan habang dala ang mono-pad at camera habang dumadausdos pababa. Sayang hindi ko nagawa ang pag-baliktad at iba pang mga acrobat stunts, kasi nararamdaman kong mahuhulog ang aking sun glasses, hirap kasi pag walang matungtungan ang salamin eh.

Isinunod naman namin ang wall/rock climbing at rapelling na aking pinakahihintay. Dito nasubukan ang tatag ng aking binti at mga braso. Buti nalang long legged ako, kaya mabilis kong naabot ang tutok ng pader. Kung ang iba ay takot na takot sa taas, ako naman tuwang-tuwa at kulang nalang ay mag-split sa pagitan ng mga bato. Hindi ko naman makakalimutan sila Sir na nasa rapelling, tinanong kasi nila ako: "Anu sir ginagamit nyong pangkain?" Agad naman akong sumagot: "Actually depende po sa kinakain eh!!" hahaha. Tapos ayun nagtawanan na kami. Green minded pala kami pare-pareho.

Special Request: isang kaibigan ang aking nakadaupang-palad sa lugar na ito. Tawagin po natin sya sa pangalang Bok; nakasama ko na sya sa aming akyat sa Mt. Halcon sa Mindoro at naka-sabay naman sa Mt. Mantalingajan sa Palawan. Nais nya po lamang maisama ang kanyang larawan sa isturyang ito. Tingnan nyo po yung larawan sa gilid, sya po yung naka itim na parang isang coach ng swimming. Todo supporta po sya sa kanyang kagrupo, sayang daw po kasi yung premyong iuuwi nila para sa kanilang mga pamilya. Napansin nyo bang naka semi-full-scuba gear ang mga manlalaro? Nakakatuwa silang makitang lumalangoy na nakasuot ng gears.

Sa kabuuan, ang ikatlong anibersaryo ng Tanay Adventure Camp ay naging matiwasay at maayos. Sa ngalan ng Batang Hamog Mountaineers, nagpapasalamat kami sa mga tao sa likod ng TAC Attack. Hindi man nakasali ang grupo namin sa mga palarong inihanda dahil sa katamaran, naging masaya naman kaming makita ang mga kalahok na talagang nag-hihirap makuha lamang ang titulo, medalya at papremyong nakalaan. Sa susunod na taon, babawi daw kami sabi nung mga kasama ko, kaya ihanda na raw ang mga BONGANG mga papremyo.