Showing posts with label Isturya. Show all posts
Showing posts with label Isturya. Show all posts

Sunday, February 28, 2016

Searching for the Hidden Falls | Laguna

Tourist Spots in Laguna
This is part of our Buntot Palos Adventure
Looking for a place to relax and enjoy the goodness of nature? THIS IS FOR YOU! Our journey here wasn't planned; if I am not mistaken, I only replied to our private message just twice and those were: Where's the meeting and what's the time? After the complicated shift at the office, we proceeded to our journey.

Buntot Palos and the Hidden Falls is situated in Brgy. Balian, Pangil, Laguna (3-hours travel from Manila). It is one of the eye dropping water falls located in the province. The area has a great environment plus the locals are friendly.

Before trekking, we registered and talked to our guide (guides are necessary) at the Baranggay Tanods quarter along the highway then proceeded to the drop off point. Another registration plus the collection of registration fees (30 Pesos for overnight) and started trekking. The first part is trekking; the trail is simple but trekkers must be careful because the stones and boulders are slippery, especially when wet. You also need to expect for a muddy trail since horses pass on the same way. Trekking Attire is advisable!

Pagsanjan Falls
photo of my TravellingCup and my rainbow HeadGear
Eel's tail is the original name of Buntot Palos and the hidden falls, this name was given because of the winding trail before reaching the natures goodness. From the registration area, it is about 2-3 hours trekking (but we got it for 1 hour, so trekking time will depends on you) to the camp site. A clean camp site is provided for those who wants to stay overnight and it is surrounded by flora and fauna. The relaxing sound of the water falls can also be heard. Camp site is just 5-10 minutes trekking to the hidden falls.

Cavinti Falls
Hidden Falls is measured approximately 80-meters high from its base and in 90-degrees angle. The mist of the water falls spread in the area, thus, it is surrounded by green and thick vegetation. The area is guarded by the enormous boulders which are covered by mosses, a proof that it has a balance ecosystem. The current of the water falls is strong but you can find an area where it massage your tired muscles.

Water Falls in Laguna
If you're looking for extreme adventure, you can also enter the cave located at the back of the water falls (photo above). According to our guide, the water of the residents of Brgy. Balian are from here. Before, the water basin was deep but because of the force of nature, a huge part of the boulders collapsed and spread on the basin. There was also a man made grotto here but due to typhoon, it also collapsed. Based on the photos that you're seeing, this water falls is friendly, but as per Kuya Sanny (our guide) the water reaches few meters from the basin. Want to read our journey? More photos and itineraries, click here: Laguna, Buntot Palos.

How To Get Here? Here's what we did:
From EDSA, we rode a jeepney going to Tanay Terminal (approximately 2-hour travel)
From Tanay, we rode a jeepney going to Siniloan, Laguna (approximately 2-hour travel)
From Siniloan Market, we chartered a trycicle going to Brgy. Balian, Pangil, Laguna (approximately 15 minutes travel)

Going Back to Manila:
From Brgy. Balian, we rode a tricycle going to Famy Market, in Laguna.
Rode an FX at the terminal near the gasoline station, we rode an FX going to the Metro.
(Same area,  you can also take a bus ride - but buses are scheduled)

Buntot Palos and the Hidden Falls | Laguna

Pagsanjan Falls
Lahat kami busy sa trabaho, pati ang mag-usap ng itineraries ay wala; subalit may hangaring mag-lamyerda sa kung saan-saan, maibsan lang ang pangangati ng aming talampakan. Minsan lang napag-usapan ang lugar at oras subalit natuloy parin.

Ang Buntot Palos ay isa lamang sa mga kabundukan ng Laguna na kung saan natatago ang magagandang tanawin at water falls. Ito ay matatapuan sa Brgy. Balian, Pangil, Laguna; higit kumulang tatlong oras na byahe mula sa magulong buhay sa Kamaynilaan.

Kaming apat ay nagkita-kita sa Valley Gold sa Rizal at doon ay sumakay ng FX patungong Tanay, Rizal (ang byahe ay nasa 1-oras). Bumaba kami sa Terminal ng Tanay, Rizal at namili muna ng aming mga kakainin para sa gabi at agahan sa susunod na araw. Pagkatapos mamili, sumakay na kami ng jeep patungong Siniloan, Laguna (ang byahe ay mahigit isang oras). Bumaba kami sa Pamilihan ng Siniloan at sumakay muli ng trisikel patungong Brgy. Balian.

Bago namin marating ang drop off point ng Buntot Palos, tinawag muna kami ng mga tauhan ng barangay upang mag-lista ng aming pangalan (wala  pa pong bayad). Dito rin namin naka-usap ang aming magiging guide sa pag-akyat. Pagkatapos maglista ng pangalan, dumeretso na kami hangang sa marating namin Registration Area. 4:48PM nagsimula na kaming mag-lakad sa sementadong kalsada pa-angat.

Buntot Palos
Ang Kabayanan ng Pangil, Laguna
Ang unang parte ng aming pag-trek ay may hingal factor, siguro dahil medyo matagal na nung huli kaming umakyat (siguro mahigit isang buwan na). Ang trail ay maputik at mabato, kaya napaka-halaga ng sapatos sa lakarang ito. Pag-katapos ng 30-minutong pag-lalakad, nakasalubong namin ang isang grupong kinabibilangan ng mga babae at mga lalaki at kasama ang kanilang guide. Malayo palang, nauulinigan ko na ang kanilang mga boses, sabi ko: "mukhang may mga foriegner ata kaming makakasalubong ah."  Ngunit nung nakita ko na si Ma'am, ay Pinay pala, englesera lang pala at nag-tatagalog din.

As usual sa mga hikers at trekkers, "Good aftie, or Good Day!" Greetings kumbaga. Tapos nag-tanong sila: "Malapit naba kami?" Sagot din naman kami ng: "Mga 30 minutes nalang siguro, Eh, kami po?" Sabay sagot: "You still have a long way to go," with conviction talaga sila Ma'am, pero walang imbyerna factor kaming naramdaman. Kaya push lang, may mga statements pa silang: "No Regrets! Move On!" hahaha, aliw factor sila Ma'am eh. Pero sa totoo lang, medyo naawa kami sa kanila, base kasi sa kanilang outfit, hindi sila well-prepared. Shirt with jacket, shoulder bag sa kanilang shoulder, kaya mga shoulder bag diba? Leggings, sneakers at doll shoes naman sa pambaba. Kaya puro sila putik, siguro dahil palagi silang nadudulas. REMINDER: Kapag kayo po ay pupunta sa isang lugar, mag-research muna online kung involve ang trekking, kung may trekking IWASAN ang sneaker at pang-mall na attire. Kailangan po ang outdoor attire, para maiwasan ang sakuna.

Buntot Palos
Trail Food
Narating namin ang Camp Site ng alas-6 ng hapon. Naabutan namin ang isang grupong may apat ma miyembro kasama ang kanila guide na nag-hahanda ng kanilang hapunan, subalit imbes na tumabi kami sa kanila, mas pinili naming mag-camp sa itaas na bahagi.

Pagkarating ng camp site, nag-pahinga lang ng ilang minuto at nag-simulang mag-tayo ng tent. Pagkatapos ng mga iyun, nag-handa naman kami ng aming lalantakan sa hapunan (larawan sa kanan). Si Kuya Sonny (guide) naman ay nag-hanap ng kahoy na pinag-lagyan ng kanyang hammock, ito ang mag-sisilbi nyang kanlungan sa gabing iyon.

Best Hiking Shoes
Sino ang may pinaka malinis na sapatos?  Since wala kaming mapag-usapan sa trail, nag-karoon kami ng "The Battle of the Branded Shoes." From left to right: Columbia ni Onah, Salomon ni Meym (ako yun), Salomon ni Alfie at Merrell ni Te Bing. Pilit kasing pinapantayan ng Columbia ang kakayanan ng aming Salomon. Dito nasubukan ang tatag ng mga brands sa putik, dulas at mabatong bahagi. Kayo na ang mag-judge kung sino nanalo.

Alas otso palang ng gabi, lights off na kami at kanya-kanyang tulog na habang ang isang grupo ay busy parin. Pagkatapos ng ilang oras, nagising kami ulit dahil may isa pang grupong dumating, nasa 14 silang lahat. Tulog ulit. Nagising na ako ng alas-4 ng umaga at ayun gising parin sila. Alas-5 ng umaga, nag-simula na kaming lumabas ng tent at naghanda ng mainit na kape at breakfast.

Deuter Bags
Time Check: 8:42AM, iniwan namin ang camp site. Bago namin iwan ang camp site patungong "Hidden Falls," nag-pakuha muna kaming larawan sa may matayog na punong ito. Left to Right: Meym (ako ulit yun), Te Bing, Onah at si Alfie.

Water falls in Laguna
Jake Cuenca
Lima hanggang sampung minuto ang lakaran mula camp site hanggang sa "Hidden Falls." Mas pinili naming dahil ang aming full pack kesa iwanan ang mga ito sa camp site, iwas problema kung meron man. Ayun sa aking pananaliksik (lakas maka reporter no?) nasa 80-90 metro ang taas ng water falls na ito. Ito rin ang pinang-gagalingan ng tubig sa kabayanan.

Larawan sa Kanan: Pamilyar ba sa inyo ang pose na yan? Yan ang tinatawag na Jake Cuenca pose, alam nyo ba kung bakit? Hanapin nyo lang po sa google.

Nag-stay kami sa water falls ng higit kumulang dalawang oras. Kami ang unang nakarating sa water falls kaya mas nagkaroon kami magagandang larawan na kung saan walang mga taong kasama kundi ang falls at ang magandang kalikasan lamang. Sa lugar na ito rin kami kumain ng aming tanghalian habang umiihip ang presko at malamig na hangin, kaya medyo naparami ang kain namin.

Batang Hamog
Narating namin ang Camp 1 ng alas 11:30 ng umaga at nag-karoon pa kami ng oras magpapicture kasama ang mga lokal na nag-hahanap ng mga dahon at niyog na kanilang magagamit sa pag-luluto. Ngunit sa kasamaang palad, naabutan kami ng hindi kalakasang ulan, kaya medyo challenging ang aming pag-baba dahil mas naging maduls ang mga batong aming dinadaanan. Original plan talaga, dederetso pa kaming Ambon-Ambon Falls, eh since umambon na at nakapag-falls narin, tinamad na kami dumeretso.

Resorts in Laguna
Nakarating kami at nag-simulang mag-linis ng katawan ng alas-12 ng tanghali. Ang kalangitan ay makulim-lim parin na parang nag-sasabing wag na kayong tumuloy sa Ambon-Ambon Falls, kaya tama lang ang aming desisyon na wag dumeretso. Sarap buhay sa lugar na ito.

Deuter Philippines
Olympus Tough Camera
Mula sa Brgy. Balian, sumakay kami ng trisikel patungong Pamilihang Bayan ng Famy Laguna. At sa lugar na ito kami sasakay ng FX patungong siyudad.

Habang nasa kalsada, makikita ang gandang itinatago ng Probinsya ng Laguna. Makikita rin ang mga preskong paninda gaya ng Lanzones, Rambutan at iba pa na nasa gilid lang ng kalsada.

Pagdating ng Famy, Laguna, chibugan time muna sa Manay's Eatery Famy Branch. Syempre, mawawala ba ang kape, pancit, kanin at lechong kawali? Syrempre hindi! Ay may phone-in question pala: "Ang lechong kawali ay kailangan bang niloloto sa kawali? Panu kung walang kawali, at kaldero lang meron? Tatawagin ba natin itong: Lechong Kaldero?" May point naman yung tanong diba? Pointless lang talaga. Hahaha, sana lang natawa kayo.

Pagkatapos kumain, lakad lang ng very light patungong FX Terminal na nasa tabi ng gasolinahan, na kung saan dito rin ang drop off point ng Mt. Romelo and Buruwisan Falls. Wag kayong mag-expect ng matiwasay ng byahe kapag nasa FX, dahil kailangang punuin ang sasakyan bago umalis. Pwede rin kayong mag-hintay ng bus na dumadaan sa lugar na ito, pero may oras lang po ang ganun.

MY EXPENSES:
FX from Junction to Tanay, Rizal - 60 Pesos
Jeepney ride from Tanay to Siniloan, Laguna - 47 Pesos
Tricycle from Siniloan Market to Brgy. Balian, Pangil, Laguna - 30 Pesos
Registration - 30 Pesos (for overnight)
Wash Up - 25 Pesos
Tricycle from Brgy. Balian to Famy, Laguna - 35 Pesos
Manay's Eatery - 98 Pesos
FX from Famy to Junction - 120 Pesos.
Guide Fee - 600 divided by 4 = 150
Foods and Other Expenses TOTAL: 600 Pesos



Medyo marami narin akong nadaanang trail at naabot na summit; ngunit sa Buntot Palos at Hidden Falls ako natuwa dahil sa pagiging organize ng Brgy. Balian. Ang guide fee ay nag-sisimula sa 500 Pesos, kung tutuusin mahal yan kumpara sa ibang lugar, pero worth it ang halagang iyun. Bakit? Ang mga Brgy. Tanod talaga ang mag-guide sa mga trekkers. At bawat guide nila dito ay mayroong tig-iisang radyo na nag-sisilbi nilang kumunikasyon sa base nila. Kaya lahat ng guide paaakyat at pababa, nalalaman agad nila. At kung sakaling mag-karoon man ng aksidente, agad itong magagawan ng paraan. Kakaibang saya ang aming naranasan sa byaheng ito.


Tuesday, November 11, 2014

Oktubre - Ang Buwan ng mga Museo

Hindi lang kalikasan ang kadalasan kong sinasadya sa isang lugar, nasa interes ko rin ang kahalagahan ng ating nakaraan. Matagal ko nang pangarap malibot ang iba’t-ibang museo sa Pilipinas, kahit sa Metro Manila, okay lang eh, subalit dahil sa maraming hindi inaasahang pagkakataon, hindi ito natutuloy.

Ibahin natin ang araw na ito – sa kasamaang palad, nag-palit kaming rest days, from Friday and Saturday, naging Tuesday and Wednesday ito. Wala akong choice dahil trabaho ito. At dahil dun, nabawasan ang pamumundok ko, pero mas nagbukas naman ang historical sites at museum.

Wednesday, October 29, 2014 – nagkatotoo ang matagal ko ng pangarap – ang mapasok ang National Museum. Pero bago yan, Marikina Shoe Museum muna ako. Nakatira ako sa Cainta, Rizal kaya konting kembot lang, nasa Marikina na ako. Along Sumulong highway, in front of Robinsons Metro East, sa may footbridge, sumakay akong tricycle patungong Marikina Shoe Museum. Habang nasa byahe, biglang buhos ng ulan, buti nalang prepared ako sa ganung sitwasyon, iba na ang girls scout. Ang pamasahe ay 25 pesos lang hanggang sa may pintuan na mismo ng Museo. Wala pang sampung minute ang byahe ko. Bilis no?

Pagkababa ng traysikel, dumiretso sa entrance, nag-register at nagbayad ng 50 pesos. At dun nabusog ang mata ko sa walang katapusang sapatos. Ang bawat pares ng mga sapatos ay nakalagay sa mga eskaparate. May mga panlalaki at pambabae. Pati ang mga tradisyunal na sapin sa paa sa iba’t-ibang panig ng mundo ay mayroon din.

Ang mga sumunod naman ay ang mga pares ng mga sapatos na dating pag-aari ng mga sikat na artista at TV personalities. Katulad nalang ng sapatos ni King of Comedy Dolphy, Christine Reyes, Rhea Santos, Lisa Macuja at marami pang iba. Hindi rin mawawala ang mga sapatos ng mga taong nasa politika, katulad nina Former Presidents Manuel Roxas at Ferdinand Marcos; Vice President Noli de Castro; Senators Meriam Defensor Santiago, Loren Legarda, Bongbong Marcos, Jose De Venecia at marami pang iba. Lahat ng mga sapatos na ito'y ibinahagi ng mga naturang personalidad para sa ikagaganda ng Museo.

At syempre syempre syempre, mawawala ba ang pares ng mga sapatos ng aking idol na si Madam Imelda Marcos? Syempre hindi! Dito lang naman matatagpuan ang 800 sa kanyang 3,000 na koleksyon na pares ng kanyang sapatos. More photos and information, click here.

Mahigit isang oras din akong umarte, nag-lakad at nag-emote sa loob ng Marikina Shoe Museum. Nakalulungkot lang isiping sa araw na iyun dalawa lang kaming pumasok sa Museo. Isang taga New Zeland at ako. Syempre maliban dun sa mga empleyado ng museo. Ang susunod na destinasyon ay Philippine National Museum.

Sa harap ng Shoe Museum, sumakay ako sa jeep patungong Pasig/Rosario at bumaba sa Ligaya. Minimum fare lang ang pamasahe. Isang eksena pala ang hindi ko makalimutan habang nasa jeep. Ako: kuya dadaan tong Ligaya? Driver: Oo sir. Ako: Magkano ho sa Ligaya? Driver: Mura lang sir, 8.50 pesos lang. Ako: Buti pa dito, ang mura lang nang Ligaya. Driver: Bakit sa inyo sir, umaabot ba ng 250 pesos? Hahaha. natawa akong bigla sa sagot nya. Double meaning pa naman ang nasa isip ko. hahaha. Si kuya parang may alam sa kalakaran ah? Hahaha.

 Pagkababa sa Ligaya, sumakay akong muli sa jeep patungong LRT 2 Terminal. Sumakay akong LRT patungong Recto, tumawid sa LRT Line 1, Doroteo Jose Station. Sumakay muli sa LRT 2 at bumaba sa Estasyon ng United Nations. Lumakad ng ilang metro patungo sa Entrance ng Philippine National Museum. Ngayong buwan ng Oktubre, libre ang entrance fee, kaya malaking katipiran ito para sakin. More photos and information, click here.

Napakalapad ng Pambansang Museo, malinis at puno ng mga CCTVs para sa siguridad ng buong gusali. Lahat ng mga bagay sa loob at talagang kahanga-hanga at talagang kumuha ng aking atensyon. Mag-mula sa katubigan, kalupaan, kabundukan at maging mga personal na koleksyun. Ang bawat bagay ay talagang pinaghirapan ng mga archeologists na maipreserba para sa hinaharap.

Ngunit sa panahon ngayon, napapansin kong mas nagiging moderno na ang pamumuhay, at habang tumatagal mas lalong nawawala ang ganitong klaseng mga programa. Kung saan pa nauuso ang mga social networking sites, saka naman nababawasan ang mga nagpapahalaga dito. Bakit ko ito nasabi? Bago pumasok ng museo may nakapaskil na mga regulasyon, kasama na dito ang hindi pagkuha ng larawan na naka-ON ang flash ng camera. Subalit ilang beses akong nakakita ng mga estudyanteng kumukuha parin ng litrato na may flash. Ipinagbabawal talaga yun sa lahat ng mga museo na may mga lumang koleksyon dahil maaaring masira ang mga ito at mabawasan ang kalidad at halaga nito. At kung sa gayun, para narin nating

Isa pa sa mga regulasyon ang "Bawal Hawakan, Huwag Upuan" ang mga bagay sa loob ng museo, subalit hindi parin ito masunod ng mga dumadalaw dito. Sa totoo lang, nagagalit talaga ako dahil English Tagalog ang regulasyon, bakit hindi ito masunod-sunod? Nakakatuwang makita ang isang pamilyang sama-samang naglilibot sa loob ng museo; ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit maraming mga magulang na hinahayaan ang kanilang mga anak na mag-laro sa loob (playground lang ang peg?) at kung anu-ano ang mga kinakalikot na maaaring mag-resulta sa pagkasira ng mga koleksyon. Diba, mas magandang hubugin ang mga bata sa tamang paraan para paglaki nila, alam nila kung anu ang tama at hindi tamang gawin sa loob ng museo? Sa aking pananaw, hindi naman nagkukulang ang pamunuan ng museo dahil ginagawa nila ang lahat para mapangalagaan ang mga koleksyon; ngunit kung hindi natin sila tutulungan sa pag-preserba ng mga ito, darating ang panahong hangang sa larawan nalang natin sila makikita. Sana po ay matuto tayo sa pagkakamali ng iba - at wag nating gawing tama ang mali. Maraming salamat po at Magandang araw. Kung gusto nyong makita ang ibang mga larawan at impormasyon, maaari ninyong i-click ang mga dilaw na mga salita.

Ilang oras din akong nasa loob ng gusaling iyun, subalit hindi ko parin nalibot lahat.  Kaya kung kayo ay nagbabalak gumala at pumunta sa lugar na ito, kailangang 10AM nasa building na kayo, kasabay nyo ang pagbubukas ng gusali. Sayang hindi ko napuntahan ang mga paintings sa kabila. Sana po ay natuwa kayo sa mga picture at isturya ko for today.

Sunday, September 7, 2014

TAC Attack 2014

Tanay Adventure Camp (TAC) created an event for their 3rd Year Anniversary bringing the fun and memorable adventure that everyone can experience here in TAC. They call it “TAC Attack” with the slogan: “Building Character Through Adventure.” If you want a pure English content, you can click here: Tanay Adventure Camp.

Isang pag-kakataon ang naibigay sa grupo namin na makasama sa espesyal na araw na ito. Kahit hindi maganda ang aking pakiramdam dahil sa singaw at sipon na parang parating na sa tonsillitis, itinuloy ko parin ang pag-sabak sa event na ito. Ang meeting place namin ay sa Jollibee Cubao, beside MRT Cubao Station, ang oras ay 12NN, ngunit dahil sa mga di inaasahang mga bagay-bagay, ayun late ang alis. Habang nag-hihintay dun sa dalawang espesyal na tao, nakilala narin namin yung ibang participants: Mat, Melrin, Smiley at JL. Pagkatapos ng ilang minuto, dumating naman si kaibigang si Mik. At wala parin ang dalwang espesyal na tao.

Pag-dating nung dalawang espesyal na tao, itago muna natin ang mga pangalan nila; dumeretso na kami sa may LRT Cubao Station at doon ay sumakay ng FX patungong Cogeo market. Pagkababa ng market, sumakay kami ulit sa jeep patungong Brgy. Sampaloc, Tanay, Rizal. Habang nasa byahe, kahit medyo maliwanag at mainit ang araw, subalit napaka-presko parin ng hangin at napapaligiran ng ma-beberdeng kabundukan ang mataas na daan (high way). Chillax lang kami sa byahe, kwentuhan ng mga nakaraan at tawanan. 

Bumaba kami ng jeep ng marating na namin ang intersection sa Brgy. Sampaloc, Tanay, Rizal. Kunting kembot at lakad lang ang aming ginawa patungong Entrance ng Tanay Adventure Camp at panadaliang tumambay at bumili ng mga kakailanganin sa tindahan na nasa gilid ng pasukan. Sa bukana palang, matatanaw na ang malawak, maganda at nakakahalinang kapaligiran. Isama pa natin ang mga obstacle courses at activities na agad pumukaw ng aking natutulog na pag-nanasa – pag-nanasang masubukan lahat ng iyon.

Pagkapasok, agad kaming nag-parehistro sa talaang naka-laan para sa mga partisipante. Matapos ang pag-paparehistro, agad naming tinungo ang lugar na aming pag-tatayuan ng mga tents na mag-sisilbing aming kanlungan sa gabing iyon. Marami rin kaming mga kapatid sa pag-akyat na aming nakasalamuha sa lugar na iyon.

Matapos ang pag-tayo ng aming mga panandaliang kanlungan, agad naman kaming nag-handa at nag-luto ng aming meryenda at pag-kain para sa aming hapunan. At habang ginagawa ang mga trabahong iyon, nagaganap naman ang aming “socials” na kung saan wala kaming ginawa kundi ang mag-kwentuhan ng walang humpay. Kain, Kwento, Kain, Kwento habang kami’y nag-hahanda

 Pagkatapos ng aming nakakabusog na hapunan, tinungo naman namin ang  - - Maharlika Hall na pag-gaganapan ng isang panimulang programa sa pag-bubukas ng “TAC Attack.” Ang programang iyon ay puno at excitement dahil sa mga katuruan ukol sa pag-papahalaga sa kalikasan. May mga papremyo ding ibinahagi ang mga taong nasa likod ng programang ito. Ngunit sa hindi inaasahang bagay, dinapuan na kami ng antok at nilisan ang gusali upang mag-pahinga na, habang nag-papatuloy ang programa. Subalit hindi naging sulit ang aking pag-tulog dahil sa “socials” na ginagawa ng ibang grupo, ngunit kahit papanu naibsan nito ang pagod na aking naramdaman.

 Maaga kaming nagising at naghanda para sa aming agahan. Meron kaming mainit na kape, kanin, tuyo, at sinunog na tinapay (toasted bread) na inihanda ni Onah, litiral na nangitim sa sunog. Ayun po si Onah, ang umiinom ng kape gamit ang TravellingCup ko. Habang nag-hahanda hindi parin matapos-tapos ang aming “socials” habang natutulog parin ang ibang grupo, makaganti lang. Hehehe.  Matapos ang aming agahan, nag-handa naman kami para sa iba’t-ibang mga gawain para sa araw na ito.

 Una naming ginawa ay mag-lakad sa mahabang hanging bridge (larawan sa itaas) na kumukunekta sa mag-kabilang burol. Hindi kalayuan, makikita naman ang mahabang asul na mud slide na kung saan nagsisimula ang obstacle course. Ang paligid naman ay nababalot ng mga berdeng mga halaman gaya ng mga puno at mga damo na nakakahalina sa aking paningin.

Pagkatapos mag-libot sa mga obstacle courses, nagpahinga kaming sandali sa taas ng isang gusaling nasa tuktok ng burol. Habang nag-kakaroon ng maligayang tabuhan (fun run). Mula sa aming kinalalagyan, mas nakita pa namin ang gandang itinatago ng Tanay Adventure Camp. Ang presko at malamig na hangin na nag-bibigay ng kakaibang kaligayahan ay hindi ko makakalimutan. Mula sa itaas, matataw din ang mga kabundukan, kabayanan at ang mga ulap na papalit-palit ng anyo. Makikita din naman ang mga taong kasali sa mga palaro at gumagawa ng iba't-ibang mga gawain.

 Pagkatapos makita ang ganda ng paligid ng Adventure Camp, agad naman kaming bumalik ng aming tent upang magpalit ng kasuotan para sa pag-langoy. Ang TAC ay mayroong isang mala-olympic size na swimming pool na nakalaan para sa mga bisita – at iyon ang aming sumunod na ginawa. At nang mapansin naming mas tumataas ang temperatura ni haring araw, nagpahinga kami sa isa sa mga cottages sa gilid ng pool at nag-handa para sa aming tanghalian, habang nag-sosocials parin.

Isinunod naman namin ang mahabang Zipline. Kakaibang pakiramdam ang aking nadarama tuwing ginagawa ang aking mga “buwis buhay poses.” Dito nasubukan ang talento kong kumuha ng mga larawan habang dala ang mono-pad at camera habang dumadausdos pababa. Sayang hindi ko nagawa ang pag-baliktad at iba pang mga acrobat stunts, kasi nararamdaman kong mahuhulog ang aking sun glasses, hirap kasi pag walang matungtungan ang salamin eh.

Isinunod naman namin ang wall/rock climbing at rapelling na aking pinakahihintay. Dito nasubukan ang tatag ng aking binti at mga braso. Buti nalang long legged ako, kaya mabilis kong naabot ang tutok ng pader. Kung ang iba ay takot na takot sa taas, ako naman tuwang-tuwa at kulang nalang ay mag-split sa pagitan ng mga bato. Hindi ko naman makakalimutan sila Sir na nasa rapelling, tinanong kasi nila ako: "Anu sir ginagamit nyong pangkain?" Agad naman akong sumagot: "Actually depende po sa kinakain eh!!" hahaha. Tapos ayun nagtawanan na kami. Green minded pala kami pare-pareho.

Special Request: isang kaibigan ang aking nakadaupang-palad sa lugar na ito. Tawagin po natin sya sa pangalang Bok; nakasama ko na sya sa aming akyat sa Mt. Halcon sa Mindoro at naka-sabay naman sa Mt. Mantalingajan sa Palawan. Nais nya po lamang maisama ang kanyang larawan sa isturyang ito. Tingnan nyo po yung larawan sa gilid, sya po yung naka itim na parang isang coach ng swimming. Todo supporta po sya sa kanyang kagrupo, sayang daw po kasi yung premyong iuuwi nila para sa kanilang mga pamilya. Napansin nyo bang naka semi-full-scuba gear ang mga manlalaro? Nakakatuwa silang makitang lumalangoy na nakasuot ng gears.

Sa kabuuan, ang ikatlong anibersaryo ng Tanay Adventure Camp ay naging matiwasay at maayos. Sa ngalan ng Batang Hamog Mountaineers, nagpapasalamat kami sa mga tao sa likod ng TAC Attack. Hindi man nakasali ang grupo namin sa mga palarong inihanda dahil sa katamaran, naging masaya naman kaming makita ang mga kalahok na talagang nag-hihirap makuha lamang ang titulo, medalya at papremyong nakalaan. Sa susunod na taon, babawi daw kami sabi nung mga kasama ko, kaya ihanda na raw ang mga BONGANG mga papremyo.

Wednesday, September 3, 2014

Buhay sa PNR

Estasyon sa EDSA
Agosto 13, 2014 – naging headline ang aksidenteng nangyari na involved ang MRT Line 3 matapos itong lumagpas sa riles sa estasyon ng EDSA sa Taft. Sa totoo lang, hindi ko na ikinabigla ang pangyayaring iyon dahil sa araw-araw kong pagbukas ng TV, hindi nawawala ang issues regarding sa mga aberyang nangyayari sa tren.

Matagal ko nang pinangarap na makasakay sa railways dito sa Pilipinas lalong-lalo na sa PNR (Philippine National Railways) hanggang sa Rehiyon ng Bicol, ngunit sa hindi maipaliwanag na mga dahilan hindi ito natutuloy. Hanggang dumating na ang panahong inalis na ang ruta hanggang Bicol dahil sa mga aksidenteng kinakasangkutan din nito.

Agosto 31, 2014 natupad ang aking matagal na pangarap – ang makasakay sa PNR. Kasama si Ate Bing, binalak naming sumakay mula sa estasyon ng EDSA hanggang sa estasyon ng Cabuyao sa probinsya Laguna subalit hindi ito natuloy dahil sa gabi lamang bumabyahe ang tren na may rutang patungong Laguna. Sa halip, sumakay kami ng tren hanggang Alabang. Habang naghihintay sa platform ng estasyon napansin ko ang mga sumusunod:

Sa aming pag-pasok sa estasyon, walang guwardiyang nag-check ng aming mga bags. May isa kaming nakitang guwardiya na nandun sa estasyon, ngunit katabi sya ng cashier sa may ticketing booth at nag-kukwentuhan sila ng kung anu man.

Isang napakasimpleng booth ang ticketing station, tanging salamin na may bilog na butas ang nakapagitan sa amin ng ticketing officer. Halos hindi nga kami mag-karinigan ni Sir dahil  kausap din n’ya yung guard on duty na noon ay katabi nya.

May waiting area ang estasyon, ito ay may bubong na pumuprotekta sa mga pasahero ngunit kailangan pang maglakad ng ilang metro ang mga pasahero patungong platform na kung saan saktong bumubukas ang pintuan ng tren. Wala ding marka na katulad ng MRT at LRT. Okay lang kung maganda ang panahon at medyo mainit, ang problema ay kung biglang umulan ng hindi inaasahan.

Estasyon sa Alabang
Habang nasa byahe patungong Alabang, ito ang aking mga napansin mula labas hanggang loob ng tren. Malayo palang, isang sirena at malakas na tunog ang aking narinig, ito na pala ang tren. Habang palapit ang tren sa aming kinaroroonan, biglang nag-flashback sa isip ko ang mga sinaunang tren na may labasan pa ng usok sa may harapan nito. Yun agad ang pumasok sa isip ko dahil ang makina ng tren ay nasa unahan, kulang lang labasan ng usok sa taas ng makina.

Pag-pasok ng tren, as expected siksikan, mainit sa loob at hindi kayang i-accommodate ng aircon ang init sa loob ng tren. May mga ads at nakasulat na Japanese or Korean loob na dapat ay tinanggal at pinalitan na ng mga paala-ala sa mga pasahero. May mga taong nag-tsitsek ng mga tickets sa loob ng tren; sana nag-tsitsek nalang sila ng tickets bago pumasok ng tren. Habang nasa loob, takot ang naramdaman ko, hindi dahil sa mga taong nakapaligid sakin kundi ang tunog ng tren ay parang nag-kakalasang mga turnilyo.

Umalis ang tren sa Alabang ng 3:03PM at nakarating sa estasyon ng Tutuban ng 4:12PM, oras ko. May nakita kaming Ads sa loob ng tren na nag-sasabing: “ang byahe ng tren ay kada tatlumpong minuto” ngunit base sa aming naranasan, mahigit isang oras kaming naghintay para sa susunod na pag-alis ng tren.

NNakakabiglang pagbukas ng pinto may parte na sobrang baba ng platform na kung saan kailangan pang tumakbo ang pasahero mula sa kabilang bagon para lamang makalabas at makababa, kawawa naman yung mga senior citizens na apektado. Hindi ko sigurado kung ang problema ay sa makinista or kulang lang talaga ang platform.

Sa kabuuan, naging ligtas naman ang byahe namin sa PNR (Philippine National Railways.) Ginawa namin ito upang maranasan ang kadalasang nararanasan ng ating mga kababayan. Naisulat ko ang karanasang ito upang mas mapa-igi pa ang serbisyo ng railways natin at maitama ang dapat itama. Nais ko ring i-set ang expectations ng mga pasaherong nagbabalak na sumakay sa ating railways lalong-lalo na kung tayo ay nag-mamadaling patungo sa ating mga destinasyon.