Mt. Cristobal, ginagawa ng basurahan?
January 12, 2014 - Sampu kaming (kasama ang aming guide na si Kuya Lito) umakyat ng Mt. Cristobal sa probinsya ng Quezon. Ang pag-akyat na ito ay isang dayhike-traverse na kung saan nagmula sa Dolores (ascend) at Tayak Hill (descend.) Sa unang dalawang oras ng aming pag-ahon, ang hangin ay sadyang malamig na halos katulad ng Mt. Batulao, marahil siguro dahil sa hanging amihan at ang nagbabadyang LPA sa Katimugang Luzon. Ngunit habang tumatagal, mas lalong lumalakas ang hangin na may kasama pang mist, at nang lumaon naging malamig na ulan na ito. Ang trail ay nabasa at naging madulas, pero hindi ito ang naging problema namin sa pag-ahon. Hindi rin nagkaroon ng magandang clearing sa Jones Peak. At sa aming pagbaba; dulas, putik, sugat at lamig ang aming naranasan, pero maligaya parin kami sa kakaiba naming karanasa. Sadyang naging mapagbiro ang Mt. Cristobal sa amin sa pagkakatong ito.
Akala ko ang panahon at ang madulas na trail lamang ang nagpasama sa kalooban namin noong mga panahon iyon. Ngunit nang marating namin ang crater ng bundok na ito, nasulyapan namin ang isang bagay na nagpasama sa aming kalooban. Ang tumpok-tumpok ng basurang kinabibilangan ng mga plastic, lata, bote ng alak at kung anu-ano pang bagay na hindi nabubulok. Base sa appearance ng mga basurang ito, marahil nasa mahigit dalawang lingo na ang mga ito nung iniwan ng mga taong tamad magbaba ng kanilang pinagkainan.
Mukhang nakakalimutan na natin mga Sir/Ma'am ang Principles of Mountaineering, anu po? Hindi po ako magsasawang ulit-ulitin kung anu-ano ang mga ito. Ito ang mga sumusunod:
Mga Sir/Ma'am, pag umaakyat naman po tayo ng bundok, wag naman po nating dalhin ang katamaran na ugali natin sa mga bahay po natin, anu po? Kung nagiging ugali nyo pong maghagis ng mga basura sa mga kanto, kanal at kalsada; bat hindi nyo po punuin nalang ng basura ang mga bahay nyo, nang hindi na kaya nakakaperwisyo ng kapawa. Sa mga organizers at Team Leaders naman po, bat hindi nyo po ugaliin ang 101% clean up before descending. Ika nga nila eh: "Responsible Mountaineeering" tama po ba? ANG MATAMAAN, SALATIN NYO NALANG PO ANG BUKOL.
Para naman sa ibang gaya-gaya mountaineers, wag na po nating dagdagan pa yung isang tumpok ng basura sa mga trails, bawasan nalang po natin kahit "konti lang." Basahin nyo po ang nakasulat sa picture sa kaliwa, ansabee? "Hindi man tayo maging bahagi ng solusyon, Huwag naman sana tayong maging bahagi ng problema, BASURA NATIN, BITBIT NATIN." Saludo ako sa mga miyembro ng grupong nagmamay-ari sa tarp nayan, sana ipagpatuloy nyo po mga Sir/Ma'am. At sa ibang grupong aakyat sa kahit anung bundok, gawin po natin ang lahat na ating makakaya. Apply po natin ito, para sa ikagaganda ng ating kapaligiran at magandang kinabukasan.
Akala ko ang panahon at ang madulas na trail lamang ang nagpasama sa kalooban namin noong mga panahon iyon. Ngunit nang marating namin ang crater ng bundok na ito, nasulyapan namin ang isang bagay na nagpasama sa aming kalooban. Ang tumpok-tumpok ng basurang kinabibilangan ng mga plastic, lata, bote ng alak at kung anu-ano pang bagay na hindi nabubulok. Base sa appearance ng mga basurang ito, marahil nasa mahigit dalawang lingo na ang mga ito nung iniwan ng mga taong tamad magbaba ng kanilang pinagkainan.
- Take nothing but pictures,
- Bring nothing but memories,
- LEAVE NOTHING BUT FOOTPRINTS,
- Kill nothing but time.