Mt. Gulugod Baboy - isang matambok na park

January 16, 2014 - Ilang araw na ang nakakaraan nang maglabasan ang mga litratong kuha mismo sa Mt. Gulugod Baboy. Ang mga litratong ito ay nagpapakita kung paanong ang local government ay may hangaring gawing business ang tuktok ng naturang bundok.

This is not the first time that some local government in the country tried to develop a certain trail up to the summit of a mountain. Like the proposed stairway to the summit of the tallest Mt. Apo in Mindanao; last year a lot of mountaineers reacted badly to the said proposal. And now, Batangas already started their construction in developing their very own Mt. Gulugod Baboy.

Ang kapaligiran ay may kanya-kanyang taglay na ganda. May kasabihan nga tau: "Simplicity is Beauty," diba? Pero paano mo ba masasabing ang isang bagay ay simple para masasabi nating maganda?

Ang Mt. Gulugod Baboy ay isang simple ngunit may kakaibang angking ganda. Ang mga asul na kalangitan, ang mga berdeng mga dahon ng iba't-ibang puno, ang mga damo sa lupa at ang malinis na kapaligiran. Yan ang tinatawag na regalo ng sa atin ng kalikasan. Regalong kahit kailan, hindi natin matatanggap mula sa ating mga tunay na kaibigan.

When the sunset came, the blue sky changes into orange while the mountain ranges from afar, creating a beautiful shadows on the horizon. Ang pagod na naramdaman sa pag-akyat ay nawawala sa gandang nakikita at sa bawat pag-ihip ng presko at malamig na hangin ay sobrang nakakarelax.

Kung ang Paris ang City of Lights, dito sa summit ng GB, makikita mo rin ang mga ilaw na kumukutitap na nagmumula pa sa siyudad ay nagbibigay din ng napakagandang background. Ang buwan at mga bituin na parang mga alikabok na nakakalat sa langit ay perfect while lying on the grounds.

Kadalasan, pagdating ng umaga, hindi nawawala ang makapal na fog, binabalot nito ang buong campsite na halos hindi na kayo magkitaan ng mga kasama mo. Ang hamog na nagdidilig sa mga damo tuwing umaga ay hindi rin nawawala pag-bukas ng tent. Ang hamog na tumutulong sa paglago ng magandang ecosystem.

Paano nalang ang mga insekto at iba pang mga namumuhay sa mga damo. Hahayaan ba natin silang mawalan ng tirahan na katulad ng mga squaters sa kamaynilaan? Kung tayo kaya ang maging insekto, at gagawin satin ang pagsira sa likas nating tirahan, anu kaya ang mararamdaman natin?

 Ang mga bakang nanginginain ng mga damo, ang mga asong mahilig magnakaw ng mga basura at ang punong palaging naming inaakyat at nagpapapicture; paano nalang ang mga yun kapag natapos na ang ginagawa nilang pag-sasaayos. Paano nalang ang mga masasayang karanasang iyun?? Hangang throwback at kuwentuhan nalang ba mga yun?

Ang Mt. Gulugod Baboy ay mababa lang, ang trail ay kayang-kaya ng mga first timer. Kahit walang guide, walang regular na exercise, basta CAN WALK at walang karamdaman, pwedeng-pwedeng marating at maranasang ang kagandahang tinutukoy ko sa taas. Ang mahirap kasi sa karamihan nating mga kababayan, ang tinatawag na KATAMARAN. Alam kong wala tayong mabibiling gamot para sa KATAMARAN na yan, at ang pumapasok agad sa isip natin, kung paano mapapadali ang pag-akyat. Gusto lang nating pakinabangan ang gandang meron ang ating kalikasan, ne ayaw nating pag-pawisan ang katawan natin.

Para sa akin, hindi lang ang magandang tanawin ang nagbibigay ganda sa pamumundok, isama narin natin ang karanasan sa pag-ahon kasama ang mga kaibigan natin. Habang tumataas ang nararating natin, mas nakikilala pa natin nang lubusan ang mga taong kasama natin at maging ang ibang grupong nakakasalamula natin.

 photo by Rona Lapaña
Sa kasalukuyan, pahaba na ng pahaba ang mga ginagawang konstruksiyon paakyat ng napakagandang Mt. Gulugod Baboy. Kagaya nalang ng picture na kuha ni Ma'am Rona Lapaña. Ipinapakita dito kung gaanong kalapad ang posibling nasira na o masisira pa dahil sa naturang konstruksyun.

photo by Rona Lapaña
Isa pang kuha ni Ma'am Rona Lapaña ang litrato sa taas, na kung saan may mga pagsusunog ng mga damo na nagaganap sa bundok na ito. Hindi pa malinaw kung ito'y kasama pa sa ginagawang konstruksiyon, pero isang bagay lang ang malinaw sa ngayon, at ito ang pagkasira nang natural na kagandahan ng Mt. Gulugod Baboy.

-------------------------------------

May mga natanong akong taga Batangas; sabi nila ang bundok daw na ito ang gagawing Tagaytay ng Batangas, tataniman ito hindi lang ng mga naglalakihang punong kahoy kundi mga papaya para makaakit ang mga ibon at paru-paro. Lalagayan din ito ng mga kubo na magsisilbing pahingahan ng mga turistang dadalaw. Since ang lugar na ito ay pag-aari ng isang pribadong indibidwal, inaaasahan na ang mas tataas pang entrance fee.

-------------------------------------

Mga Posibilidad na maging problema:

Basura – since mabubuksan ang lugar na ito sa lahat na klase ng tao; magbubukasan din ang iba’t-ibang establishments at tindahan. Hindi rin mawawala ang pagbisita ng mga taong walang paki-alam sa ating kapaligiran at hilig ang tapon dito, tapon dun; sa pagkakataong ito, ang local government ay kailangang gumawa ng paraan upang mas mapangalagaan pa ang ating kapaligiran.

Polusyon – mas darami pa ang mga sasakyan na dadayo sa lugar na ito kaya inaasahan nang mas kakapal pa ang CO or Carbon Monoxide na hahalo sa hangin at magpapanipis pa lalo sa ozone layer na unang sanhi ng tinatawag na climate change. Imbis na fog ang makikita natin tuwing umaga, posibleng mapalitan na ito ng SMOG o usok ng mga sasakyan na kadalasang nakikita natin pag New Year dahil sa mga firecrackers.
Ingay – marami sa atin ang nagbabakasyon sa iba’t-ibang tahimik na lugar para kahit papano makaranas ng katahimikan at makalayo sa ingay ng siyudad. 

Economically speaking, I understand that this project will bring more money to both residents and the government. But, I think we can harvest money from this mountain without converting it into a commercial park. Like Mt. Manalmon in Bulacan, dinarayo talaga sila ng mga excursionists at travellers dahil ramdam parin nila ang natural na ganda ng mga kuweba at tuktok ng bundok. In short, WE NEED TOURISM PROMOTION and NOT physical development.

Nakausap namin si Nanay na may-ari nung tindahan paakyat; sabi niya, naipundar daw nila yung magandang bahay nila sa harap ng kanila tindahan dahil sa kanilang pagsisikap at kita ng kanilang maliit na tindahan. Yan ang nagpapatunay na PAGSISIKAP lang ang kailangan para sa ikauunlad nating lahat at HINDI ANG PAGDEVELOP NG KUNG ANU-ANONG PROJECTS.

Popular Posts