Bandalismo sa Mt. Batulao
When I was still young, our teachers always remind us during
our class: “Wag na wag nyong susulatan o sisirain ang desk nyo o kahit anu mang
bagay dito sa paaralang ito! Hindi nyo ito pag-aari at para naman
mapakinabangan ng mga susunod na mag-aaral.” They always taught us on how to
take care our school in high pitch; and at my age that time, I fully understood
their point in this matter. Just last Jan. 19, 2014, during our climb in Mt.
Batulao in Batangas, I noticed some hiker’s inappropriate behaviour – and this
is all about vandalism.
Vandalism – according to the Wikipedia,
is the behavior attributed originally to the Vandals, by the Romans, in
respect of culture: ruthless destruction or spoiling of anything beautiful or
venerable.
I don’t know if these people
behind this are first timers or not, but it’s very clear that the organizer/s
(if they have) forgot to inform their participants what are the basics and what
are the DOs and DONTs during the climb. Aside from security, in case of
emergency and others things, this information should be included during the
briefing as well.
Alam kong ang mga papel na sinusulatan po natin ay galing sa mga kahoy, pero hindi
po litiral na ang kahoy ang gagawin po nating papel. May akmang proseso po sa
pagawa ng papel mula sa mga kahoy. Tingnan po natin ang image sa taas, anu po
ang masasabi nyo? Aminado ako, napakatalentado talaga ng mga Pinoy pag-dating
sa paglililok, subalit nagagamit ito sa mali. Ang pag-ukit ng kung anu-ano sa
mga puno at sanga ng mga halaman ay ipinagbabawal yan, dahil nasisira ang
natural na anyo ng balat at may posibilidad pang ikamatay ng punong ito.
Magbibigay po ako ng halimbawa:
Dati, kapag nadadapa ako at nagkakasugat sa balat, kapag medyo nasa healing
process na ang sugat ko, nilalagyan ko ito ng “cebo de macho” para hindi
magkapeklat ang malaporcelana kung balat. Ganun din po ang balat ng mga puno,
hindi kaaya-ayang tingnan ang mga sulatin na wala namang kapakinabangan.
Pangalawa, bakit kailangang
mag-sulat pa sa mga bato?? Hindi ko makuha ang punto ng mga gumawa nito, wala
naman atang involve na life threatening circumstances eh. Sa dami ng mga nakita
at nabasa ko, ito po ang pinaka nakakainis sa mga sulating di pormal na nakita
ko, ang sabi: “Ako si Mark ng Backte!! I’am Gay.” Sir/Ma’am, eh anu ngayon kung
Gay ka, hindi po yun problema; I am Gay as well, hindi ko itinatago yun, hindi
ko kailangang ibalandra ang pagkatao ko sa pamamagitan ng mga sulatin na wala
sa tamang lugar. Last mo na yan Sir/Ma’am, makunsensya ka!
May mga klase ng bato na kung
saan, kahit papano lumalaki pa sila, parang isang “buhay na bato.” Kagaya
nalang ng mga stalactites, stalagmites at iba pang bato sa loob ng mga kweba; mariing
ipinagbabawal ang pagyakap at paghawak sa ganung klaseng bato dahil ang pawis
ng mga tao ay may mga bacteria na pwedeng maka-pinsala sa mga “buhay na bato”
na magiging dahilan pa nang hindi nila paglaki.
Sa pagkaka-alam ko, sa mga bundok
may mga rules and regulations yan, kasama ang “Bawal ang pagbaba, pagputol o
pag-sira sa kahit anung klaseng mga halaman sa bundok.” Kung dati, kapag exam,
nagagawa nating magsulat sa palad o sa balat bilang isang kodego (pinag-daanan
ko din yan.) Ngayon, wala naman tayong exam sa bundok, bakit po kailangan pang
gumawa pa tayo ng mga kodego sa mga bato? Magdala po tayo ng papel, tapos dun
po tayo mag-sulat, kung talagang nangangati ang kamay po natin.
Sa mga tinamaan, ALAM
NYO NA!
NO TO VANDALISM, YES
TO RESPONSIBLE MOUNTAINEERING