Mountaineer ka, Eh dey Mayaman Ka?
Just December last year, I was in Romblon for a vacation
with my family. I had a time meeting my high school batch mates. While we were
in a party, there was another group on the other side, just few meters from us,
so I heard and understood what they were talking about. A lot of questions were
asked, but one question remained in my head: “Mountaineer ka diba, Eh dey
mayaman ka?” A girl asked that question to a hiker guy. The guy answered but
unfortunately I didn’t hear his answer
Ang ordinaryong tao kapag
nalamang mountaineer/hiker ka, iniisip agad nila na hindi ka naghihirap sa
buhay at naghahanap ka lang ng mapagwawaldasan ng pera at kayamanan. Noong una,
ang paniniwala ko ay ganun din, iniisip ko dati: “anu kayang ang mga trabaho ng
mga hiker? Sinusweduhan ba sila sa ginagawa nila? Bakit parang andami nilang
perang panggastos?” Sabi nga nung isa kong friend, ang mountaineering daw ay
para lamang sa mga mayayaman at may kaya, take note: “para lamang sa mayayaman
o may kaya” o kayang tustusan ang sarili sa pag-akyat.
Those are correct! Ang pamumundok
ay maraming kaakibat na sakripisyo sa sarili, sa trabaho, at maging sa pamilya.
Pero kung nasa puso at isipan mo ang pag-akyat, gagawa at gagawa ka ng paraan
para lamang maibalance ang pamumundok at iba pang bagay. Sabi nga ng ibang
hikers: “Pamumundok Muna Bago ang Pag-ibig.”
Noong nasimulan ko na ang
pamumundok, dun ko naramdaman ang ligaya; nasabi ko nga sa sarili kong: “ito
ang hinahanap at gusto ko.” Kung dati, hilig ko ang magpapalit-palit nang kung
anu-anong mga gadgets gaya ng mobile phones, ipod, camera at kung anu-ano pang
touch screen. Ngayon, wala na akong paki-alam sa mga ito, basta may pangTXT at
pang-tawag ako, okay na! Ang mahalaga ay ang budget pang-akyat ng bundok o
pambili ng bagong gears. Okay lang din magutuman at kumulo ang tyan paminsan-minsan,
basta may pang akyat lang. Nagtitiis akong gumising ng maaga para magluto ng
kanin na pang-breakfast, lunch (baon sa office,) at pang-dinner – isang saingan
lang yan huh para tipid sa kuryente. Ilang beses ko naring ginawa ang
paghati-hati ng isang de latang sardinas para sa breakfast, lunch at dinner. Nagjijeep
narin ako kesa sumakay ng aircon na bus or fx para mas-makatipid.
Lahat ng mga yun tiniis at
tinitiis ko para lang sa pamumundok. Todo tipid, todo ipon, pero pag may nakitang
SALE or 75 % OFF sa mga outdoor shops, ayun swipe dito, swipe doon. Ang iba naman,
deretsong ATM para magwidraw at makabili ng kung anu-ano, “minsan lang daw kasi
ang SALE.”
Anu nga ba ang mga Pinaghahandaan
ko?
Una, kailangang paghandaan ang pansariling
budget sa bawat pag-akyat. Sa mga taga Metro Manila, since ang pinaka-malapit
na mga kabundukan ay makikita sa probinsya ng Cavite, Laguna, Rizal, Bulacan,
Batangas at marami pang iba; asahan na natin ang budget para sa transportation.
Pangalawa, kailangan ding pag-handaan ang mga pansariling kagamitan, kagaya
nang backpack, sapatos, tent at marami pang iba.
Usapang presyo naman tayo, hindi
basta-basta ang mga presyo ng mga kagamitang nabanggit ko. Hindi yan
ordinaryong mga kasuutan na makikita lang natin sa ordinaryong pamilihan o
boutique. Kaakibat ng presyo ang tibay at protection para sa mga hikers. Ang
mga brands na nakikita ko sa kapwa namumundok ay pambihira kong makita sa mga
boutiques na kadalasan kong pinupuntahan. Maging ang ibang malalaking mga
department store nationwide, limited din ang ibang brands. Yung iba naman,
halos hindi ko na mabasa dahil ibang lingwahe ang mga nakasulat. Buti nalang
may google na pwedeng gamitin para malaman ang iba’t-ibang outdoor brands sa
mundo. Swerte mo kung may kakilala ka sa europa, gaganda kasi ng kanilang mga brands
for hiking eh.
Hindi masamang magtipid para
mabili ang ating gusto. Hindi rin masamang maglaan ng pera para sa pansariling
kaligayahan. Hindi masamang bilhin mo ang kung anung bagay na magpapasaya sayo.
Lagi lang nating tatandaan: “ang isang minutong ligaya ay ligaya parin, wala
itong katumbas na halaga.” Kung anu ang nakakasama? Ito ay kung ginagawa lang
natin ang pamumundok para ipamukha sa ibang tao na “we’re above the others.” Ang
kaingitan ang mga bagay/gears na meron ang ibang hikers ay magbubunga ng
pagkakasala at may posibilidad pang mag-udyok sa ating gumawa ng masama sa
kapwa. Usapang ingit, minsan ang phrase na: “Kill Nothing But Time” ay nagbubunga
ng pagka-ingit, kaya beware. Tandaan: “lahat ng sobra, nakasasama.” Maging kuntento
tayo at pasalamatan natin kung anung meron tayo. Ang totoong kasiyahan ay bunga
ng pag-sisikap at determinasyon para maabot ang ating mga pangarap.