Bakit Ba Ako Namumundok?
Second Mountain ko ang Mt. Manabu
sa Brgy. Sulok, Batangas. First time kong mag-overnight at maka-experience ng
fog sa taas ng bundok. First time kong maabutan ng hamog habang nasa trail
paangat papuntang camp site. Sabi nga nila: “there’s always a first time,
diba?” kaya remarkable sakin ang bundok na ito at ang date na June 9, 2012.
Nagkita-kita ang mga participants
sa isang maliit na mall sa kalapit na lugar. Habang nag-aantay, nagkaroon kami
ng oras maglibot-libot sa mall na iyun. Habang naglilibot at nangungulit sa mga
boutique, isang tanong mula sa isang sales lady ang hindi ko makakalimutan.
Sabi nya: “Anu ba ang nakukuha nyo sa taas ng bundok? Diba parang pinapagod nyo
lang ang sarili nyo?” Sa totoo lang, medyo natahimik at napa-isip ako ng ilang
segundo bago makasagot sa kanya. Yung tipong nakaroon ng buffering moment muna
bago ako nakapag-react. Oo nga no? “Bakit nga ba ako umaakyat, Anu nga ba ang
nakukuha ko sa taas ng bundok?” Nasabi ko nalang sa kanya: “Masaya eh, tapos
maganda ang mga views sa taas.” Kaso may rebuttal agad ang tindera, sabi pa
n’ya: “Paanong magiging masaya eh, nakakapagod kaya umakyat. Tapos kinabukasan
bababa ulit kayo. Tapos gagastos pa kayo.”
Maraming hikers ang na-encounter
na ang ganitong tanong at sitwasyon, tama? Pero sa isang katulad ko na wala pang
kamuwang-muwang at baguhan sa hiking; honestly, nagkaroon talaga ako ng doubt
sa mga sagot na binitawan ko. Hanggang gabi, ang tanong paring iyun ang nasa
loob ng aking isipan at pinipilit kong pigain ang utak ko para sa kasagutan sa
tanong na iyun ng tindera.
Isa pang bagay, maraming hikers
ang makakarelate din dito, yung tipong pag-papunta palang sa jump off
masayang-masaya kayong lahat, excited sa mga mangyayari at makikilala sa trail. Pero kapag nagsimula nang
mag-trek, at nagsisimula nang tumulo ang mga pawis, maririnig na nating ang mga
katagang: “Bakit ko ba ginagawa ito, ansarap kaya ng buhay ko sa bahay, sarap
kumain, sarap matulog, sarap manuod ng TV kasama ang pamilya.” Aminin nyo,
hindi yan nawawala sa bawat trek, marami sa atin ang ganyan; kahit ako, umaarte ng ganyan at minsan nga
nagiging form of joke nalang ang mga katagang yan, walang personalan. Pero yung iba, nagagalit pag nakakarinig ng ganyang mga kataga, tama?
Photo above: at the
Summit of Mt. Mantalingajan, Palawan (click the yellow link for our climb info)
April 2014, magkakaroon na ako ng
2nd year anniversary sa hiking. Pero hindi ko parin maisagot ang akma
sa katanungang iyun ng tindera. Sa bawat taong nakakasalamuha ko at nagbabato
sakin ang tanong na: “Anu ang nakukuha mo sa pamumundok,” Ito parin ang
kadalasan kong isinasagot: “Great views and unexplainable happiness; you need
to experience it first for you to be able to get and experience the right answer.” Personally,
habang nakikita ko ang ganda ng kalikasan, mas lalo akong napapaisip kung gaano
ako ka swerte at nabiyayaan ng magagandang mga bagay. Hindi SAPAT ang
iba’t-ibang salita o description para sa isang paliwanag na involve ang puso at
isipan. “Ikaw, anu ang nakukuha mo sa pamumundok?"