Mt. Maculot | Romblomanons
Noong 2013; matagal-tagal narin ang
nakakaraan noong huli akong makapanhik sa Mt. Maculot at masasabi kong medyo
marami na ang pinagbago ng bundok na ito. Ang event na ito ay inorganiza sa pamumuno
ni Sir Dennis Evora para sa mga kababayan kong mga taga Romblon na nahihilig at
naghahanap ng kakaibang karanasan. Ang imahe sa itaas ay kinunan bago pa
magsimula ang aming pag-hike. Kaunti palang kami at bago pa namin maabutan ang
ibang miyembro na nauna na sa amin.
Mula sa Maculot Road, isang
malinis, sementado, at paangat ang trail. Habang nasa kalsada, naabutan din
namin ang iba pang mga kababayan, kaya naging 16 lahat kami. First kong
makasama ang mga taong ito, pero malayo palang, naramdaman ko agad ang mainit
na relasyon ng mga Romblomanon. Pagkatapos ng ilang minutong naglalakad sa
trail, pansin ko agad ang pagtulo ng aming mga pawis, kahit na malamig at
presko ang hangin dito.
Habang tumatagal, mas lalong
pa-angat nang pa-angat na ang trail. Syempre, hindi parin mawawala ang mga
photo ops kahit tulo pawis kami. Kagaya nito imahe sa taas, kasama ko ang mga
poging taga Sibale Island at mga hugot boys and girls ng Alcantara, Tablas
Island. Habang nasa trail, marami rin kaming nakasalamuhang mula sa iba’t ibang
mga grupo. At habang nasa trail, sarili naming lingwahe ang aming ginagamit,
kaya sa talas ng aking pandinig, hindi ko naiwasang marinig ang usapan nung
ibang mga hikers. Pinag-tatalunan nila kung taga san daw kami, may nagsabing
parang taga Ilocos daw kami, pero bakit daw may mga salita kaming ginagamit din
nila sa Masbate. Nasabi ko nalang sa kanila, taga Romblon po kami.
Hindi parin pala nawala ang mga
BJ (buko juice) vendors sa trail.
Akala ko habang dumarami ang mga nagtitinda, medyo bababa ang presyo dahil sa
kompetisyon, pero hindi rin pala. Habang palapit ng palapit kami sa camp site,
mas lalong pa-assault ng pa-assault ang trail, kaya mas lalong nakaka hingal.
Pero malamig parin hangin.
9:30 AM, narating din namin ang
camp site. Papalapit palang ako sa camp site, napansin ko agad malaking
pagbabago sa lugar na ito. Noong 2013, ang paligid ng camp site ay puro basura
ng mga hikers, may mga bote ng alak, plastic, lata at kung anu-ano pa, subalit
ngayong 2016, ang camp site ay malinis na. May mga cottage at tindahang
nakatayo dito. Well organized na nga ang Mt. Maculot! Nakakatuwa!
Hindi pa natatapos ang challenge
sa camp site, mayroon pang rockies at summit. Sunod ay ang rockies. Ang rockies
ay isa sa pinaka sikat na parte ng Mt. Maculot dahil sa buwis buhay nitong
naibibigay sa mga hikers. Ang imahe sa itaas ay kuha sa rockies, namaikukumpara
na sa EDSA dahil sa traffic nito pataas at pababa.
the View of Mt. Taal |
Ilang minuto kaming nag-antay at
sinuong namin ang tirik na tirik na araw para lang sa pagkakataong maka-kuha ng
magandang buwis buhay na litrato sa sikat na parte ng Rockies. Hindi ako
pahuhuli sa parteng ito. Tingnan nyo ang pag-kakaiba ng before at after ko:
Rockies 2013 |
Rockies 2016 |
Ngayong 2016, medyo pa-tweetams
nalang muna ako, sayang kasi yung ganda ng kulay ng suot ko kung hindi ako
eemote sa taas eh. Dati, mahabang-mahaba pa ang buhok ko, pero ngayon, ayan na
buhok sa baba ko nalang natira. Hindi lahat nagpa-kodak sa parteng ito dahil sa
takot at hindi buo ang kanilang kalooban kaya madali kaming natapos, bumaba at
bumalik ng camp site.
Dahil sa init at mga pinagdaanan
namin, napakabilis naming nagutom. Kaya pag-karating namin sa camp site mula
rockies, swerte namang may bakanteng cottage at doon kami naghanda ng aming mga
packed lunch. Syempre, habang kumakain hindi parin nawawala ang tawanan at
enerhiya ng bawat isa, iba talaga pag taga Romblon. Napansin ko nalang yung
ibang grupo, nakikitawa, kahit alam kong hindi nila kami ma-intindihan. Naging
sentro ng katatawanan ang Pancit Canton na itinitinda sa camp site, pano naman
kasi nagkakahalaga ng 45 pesos kada isang pouch ng lutong canton. Mahigit isang
oras kaming nakapag-pahinga, kaya 1:30 PM, nilisan na namin ang camp site at
nagsimulang mag-lakad pa-angat at patungong summit. Medyo nakapag-recharge na
lahat, kaya kahit papaano mas mabilis na ang angat namin.
Mag-aalas 2:30 ng hapon nang
marating namin ang summit. Naabutan pa namin ang ibang grupo habang sila’y
kanya-kanyang kuha ng litrato. Malaki talaga ang ipanag-bago pati ng summit.
Dati, napaliligiran pa ng mga kahoy at halaman ang summit, pero ngayon isang
mainit at bukas na summit ang aking naabutan.
Naging mas-challenging ang trail
pababa. Ang trail ay natatabunan ng mga dahon ng mga punong kahoy, kaya malilim
at hindi haggard ang pagbaba. Subalit, mas teknikal ang trail pababa, mahaba
ang parte ng trail na may rope segments. Ang mga larawan sa baba ang
magpapaliwanag nito:
Mabuti nalang marami ang mga guide na nag-silbi naming guide
pababa, parang redundant no? basta sila ang nag-alalay sa amin, lalong-lalo dun
sa rope segment. Kahit yung guide ng ibang grupo, nag-tulong-tulong na sila
para mas mapadali ang aming matiwasay na pag-baba.
Ika-apat ng hapon nang marating
na namin ang Grotto. Ang lugar ay napaliligiran ng mga cogon grass, ang hangin
ay may kalamigan, at may 360 degrees view ng kabayanan at ng Mt. Maculot (photo
above). Sa larawan sa itaas, makikita nyo kung gaano ka tarik ng trail pababa
ng Maculot. Pagkatapos ng grotto, isang trail na pababa ulit ang aming tinuton
at tanging sa mga lubid lang kami naka-depende.
Mag-aalas singko na ng hapon nang
aming maabot ang kabayanan. Sumakay ng tricycle pabalik ng Mountaineers Store.
Nag-linis ng sarili. Sumakay ulit ng tricycle patungong arko ng Cuenca, malapit
sa Public market, at sumakay ng jeep patungong Grand Terminal upang makasakay
pabalik ng Maynila.
Sa kabuuan, naging Masaya at
matiwasay ang aming pag-panhik sa Mt. Maculot. Ang akyat na ito ay simula pa
lamang at alam kong masusundan at masusundan pa. Ito ang gagawin natin upang sa
simpleng paraan lamang mag-kaisa ang lahat ng mga Romblomanons!
Maramong Salamat sa
Inrong Tanan!!! Hanggang sa Masunor!!!