Buntot Palos and the Hidden Falls | Laguna
Lahat kami busy sa trabaho, pati ang mag-usap ng itineraries ay wala; subalit may hangaring mag-lamyerda sa kung saan-saan, maibsan lang ang pangangati ng aming talampakan. Minsan lang napag-usapan ang lugar at oras subalit natuloy parin.
Ang Buntot Palos ay isa lamang sa mga kabundukan ng Laguna na kung saan natatago ang magagandang tanawin at water falls. Ito ay matatapuan sa Brgy. Balian, Pangil, Laguna; higit kumulang tatlong oras na byahe mula sa magulong buhay sa Kamaynilaan.
Kaming apat ay nagkita-kita sa Valley Gold sa Rizal at doon ay sumakay ng FX patungong Tanay, Rizal (ang byahe ay nasa 1-oras). Bumaba kami sa Terminal ng Tanay, Rizal at namili muna ng aming mga kakainin para sa gabi at agahan sa susunod na araw. Pagkatapos mamili, sumakay na kami ng jeep patungong Siniloan, Laguna (ang byahe ay mahigit isang oras). Bumaba kami sa Pamilihan ng Siniloan at sumakay muli ng trisikel patungong Brgy. Balian.
Bago namin marating ang drop off point ng Buntot Palos, tinawag muna kami ng mga tauhan ng barangay upang mag-lista ng aming pangalan (wala pa pong bayad). Dito rin namin naka-usap ang aming magiging guide sa pag-akyat. Pagkatapos maglista ng pangalan, dumeretso na kami hangang sa marating namin Registration Area. 4:48PM nagsimula na kaming mag-lakad sa sementadong kalsada pa-angat.

Ang Kabayanan ng Pangil, Laguna
Ang unang parte ng aming pag-trek ay may hingal factor, siguro dahil medyo matagal na nung huli kaming umakyat (siguro mahigit isang buwan na). Ang trail ay maputik at mabato, kaya napaka-halaga ng sapatos sa lakarang ito. Pag-katapos ng 30-minutong pag-lalakad, nakasalubong namin ang isang grupong kinabibilangan ng mga babae at mga lalaki at kasama ang kanilang guide. Malayo palang, nauulinigan ko na ang kanilang mga boses, sabi ko: "mukhang may mga foriegner ata kaming makakasalubong ah." Ngunit nung nakita ko na si Ma'am, ay Pinay pala, englesera lang pala at nag-tatagalog din.
As usual sa mga hikers at trekkers, "Good aftie, or Good Day!" Greetings kumbaga. Tapos nag-tanong sila: "Malapit naba kami?" Sagot din naman kami ng: "Mga 30 minutes nalang siguro, Eh, kami po?" Sabay sagot: "You still have a long way to go," with conviction talaga sila Ma'am, pero walang imbyerna factor kaming naramdaman. Kaya push lang, may mga statements pa silang: "No Regrets! Move On!" hahaha, aliw factor sila Ma'am eh. Pero sa totoo lang, medyo naawa kami sa kanila, base kasi sa kanilang outfit, hindi sila well-prepared. Shirt with jacket, shoulder bag sa kanilang shoulder, kaya mga shoulder bag diba? Leggings, sneakers at doll shoes naman sa pambaba. Kaya puro sila putik, siguro dahil palagi silang nadudulas. REMINDER: Kapag kayo po ay pupunta sa isang lugar, mag-research muna online kung involve ang trekking, kung may trekking IWASAN ang sneaker at pang-mall na attire. Kailangan po ang outdoor attire, para maiwasan ang sakuna.

Narating namin ang Camp Site ng alas-6 ng hapon. Naabutan namin ang isang grupong may apat ma miyembro kasama ang kanila guide na nag-hahanda ng kanilang hapunan, subalit imbes na tumabi kami sa kanila, mas pinili naming mag-camp sa itaas na bahagi.
Pagkarating ng camp site, nag-pahinga lang ng ilang minuto at nag-simulang mag-tayo ng tent. Pagkatapos ng mga iyun, nag-handa naman kami ng aming lalantakan sa hapunan (larawan sa kanan). Si Kuya Sonny (guide) naman ay nag-hanap ng kahoy na pinag-lagyan ng kanyang hammock, ito ang mag-sisilbi nyang kanlungan sa gabing iyon.
Sino ang may pinaka malinis na sapatos? Since wala kaming mapag-usapan sa trail, nag-karoon kami ng "The Battle of the Branded Shoes." From left to right: Columbia ni Onah, Salomon ni Meym (ako yun), Salomon ni Alfie at Merrell ni Te Bing. Pilit kasing pinapantayan ng Columbia ang kakayanan ng aming Salomon. Dito nasubukan ang tatag ng mga brands sa putik, dulas at mabatong bahagi. Kayo na ang mag-judge kung sino nanalo.
Alas otso palang ng gabi, lights off na kami at kanya-kanyang tulog na habang ang isang grupo ay busy parin. Pagkatapos ng ilang oras, nagising kami ulit dahil may isa pang grupong dumating, nasa 14 silang lahat. Tulog ulit. Nagising na ako ng alas-4 ng umaga at ayun gising parin sila. Alas-5 ng umaga, nag-simula na kaming lumabas ng tent at naghanda ng mainit na kape at breakfast.

Time Check: 8:42AM, iniwan namin ang camp site. Bago namin iwan ang camp site patungong "Hidden Falls," nag-pakuha muna kaming larawan sa may matayog na punong ito. Left to Right: Meym (ako ulit yun), Te Bing, Onah at si Alfie.
Lima hanggang sampung minuto ang lakaran mula camp site hanggang sa "Hidden Falls." Mas pinili naming dahil ang aming full pack kesa iwanan ang mga ito sa camp site, iwas problema kung meron man. Ayun sa aking pananaliksik (lakas maka reporter no?) nasa 80-90 metro ang taas ng water falls na ito. Ito rin ang pinang-gagalingan ng tubig sa kabayanan.
Larawan sa Kanan: Pamilyar ba sa inyo ang pose na yan? Yan ang tinatawag na Jake Cuenca pose, alam nyo ba kung bakit? Hanapin nyo lang po sa google.
Nag-stay kami sa water falls ng higit kumulang dalawang oras. Kami ang unang nakarating sa water falls kaya mas nagkaroon kami magagandang larawan na kung saan walang mga taong kasama kundi ang falls at ang magandang kalikasan lamang. Sa lugar na ito rin kami kumain ng aming tanghalian habang umiihip ang presko at malamig na hangin, kaya medyo naparami ang kain namin.
Narating namin ang Camp 1 ng alas 11:30 ng umaga at nag-karoon pa kami ng oras magpapicture kasama ang mga lokal na nag-hahanap ng mga dahon at niyog na kanilang magagamit sa pag-luluto. Ngunit sa kasamaang palad, naabutan kami ng hindi kalakasang ulan, kaya medyo challenging ang aming pag-baba dahil mas naging maduls ang mga batong aming dinadaanan. Original plan talaga, dederetso pa kaming Ambon-Ambon Falls, eh since umambon na at nakapag-falls narin, tinamad na kami dumeretso.
Nakarating kami at nag-simulang mag-linis ng katawan ng alas-12 ng tanghali. Ang kalangitan ay makulim-lim parin na parang nag-sasabing wag na kayong tumuloy sa Ambon-Ambon Falls, kaya tama lang ang aming desisyon na wag dumeretso. Sarap buhay sa lugar na ito.
Mula sa Brgy. Balian, sumakay kami ng trisikel patungong Pamilihang Bayan ng Famy Laguna. At sa lugar na ito kami sasakay ng FX patungong siyudad.
Habang nasa kalsada, makikita ang gandang itinatago ng Probinsya ng Laguna. Makikita rin ang mga preskong paninda gaya ng Lanzones, Rambutan at iba pa na nasa gilid lang ng kalsada.
Pagdating ng Famy, Laguna, chibugan time muna sa Manay's Eatery Famy Branch. Syempre, mawawala ba ang kape, pancit, kanin at lechong kawali? Syrempre hindi! Ay may phone-in question pala: "Ang lechong kawali ay kailangan bang niloloto sa kawali? Panu kung walang kawali, at kaldero lang meron? Tatawagin ba natin itong: Lechong Kaldero?" May point naman yung tanong diba? Pointless lang talaga. Hahaha, sana lang natawa kayo.
Pagkatapos kumain, lakad lang ng very light patungong FX Terminal na nasa tabi ng gasolinahan, na kung saan dito rin ang drop off point ng Mt. Romelo and Buruwisan Falls. Wag kayong mag-expect ng matiwasay ng byahe kapag nasa FX, dahil kailangang punuin ang sasakyan bago umalis. Pwede rin kayong mag-hintay ng bus na dumadaan sa lugar na ito, pero may oras lang po ang ganun.
MY EXPENSES:
FX from Junction to Tanay, Rizal - 60 Pesos
Jeepney ride from Tanay to Siniloan, Laguna - 47 Pesos
Tricycle from Siniloan Market to Brgy. Balian, Pangil, Laguna - 30 Pesos
Registration - 30 Pesos (for overnight)
Wash Up - 25 Pesos
Tricycle from Brgy. Balian to Famy, Laguna - 35 Pesos
Manay's Eatery - 98 Pesos
FX from Famy to Junction - 120 Pesos.
Guide Fee - 600 divided by 4 = 150
Foods and Other Expenses TOTAL: 600 Pesos
Medyo marami narin akong nadaanang trail at naabot na summit; ngunit sa Buntot Palos at Hidden Falls ako natuwa dahil sa pagiging organize ng Brgy. Balian. Ang guide fee ay nag-sisimula sa 500 Pesos, kung tutuusin mahal yan kumpara sa ibang lugar, pero worth it ang halagang iyun. Bakit? Ang mga Brgy. Tanod talaga ang mag-guide sa mga trekkers. At bawat guide nila dito ay mayroong tig-iisang radyo na nag-sisilbi nilang kumunikasyon sa base nila. Kaya lahat ng guide paaakyat at pababa, nalalaman agad nila. At kung sakaling mag-karoon man ng aksidente, agad itong magagawan ng paraan. Kakaibang saya ang aming naranasan sa byaheng ito.
|