National Heritage Month - Philippine National Museum
Oktubre ng taong 2014, nalibot ko na ang isang gusali ng Pambansang Museo, at may isa pang gusali ang hindi - ang gusali na kinalalagyan ng Spoliarium ni Juan Luna. Ang balak, kasama ko dapat ang mga ka-team ko sa opisina. Eh, dey andami nang plano, at excited pa talaga. Pero nung dumating na ang araw, ayun cancelled. Dahil nag-cancel din ako ng lakad para lang sana dito, ayun nabakante ako sa araw na ito. Dahil may pagka Durah - ang baklang negra sa katawan ko, ayun solo-backpacking ang peg ko, para lang may magawa. Dahil galing akong probinsya ng Rizal, sumakay ako ng tren, galing LRT Line 2 Santolan at bumabang estasyon ng Recto. Tumawid sa connecting footbridge patungong estasyon ng Doroteo Jose ng LRT Line 1. At dahil pasikat ako, feeling ko ang galing-galing ko sa ruta ng LRT, ayun bumaba ako ng estasyon ng Central at nag-lakad. Mas malayo pala yun, dapat estasyon ng UN sana, pero dahil nakababa na ako, inenjoy ko nalang ang pag-lalakad sa lansangan kahit medyo mainit, pero malamig naman ang hangin.
Ilang minuto nalang bago ang ikaw-2 ng hapon na ako nakarating sa Pambansang Museo. Pag-kapasok sa loob, nakipila para sa registration. Habang nasa pila, isang babae ang lumapit sa akin, at nagsabi: "Sir, can you deposit your bag in the baggage counter." Sa totoo lang ikinagulat ko yun, dahil sa dami ng nakapila, sa akin lang sya nag-Igles. Pangatlo na syang taga Museo na nag-ingles sa akin; una sa Cebu at pangalawa sa Bacolod. Mukha ba akong banyaga?
Pagkatapos mag-register at mag-deposit ng bag ko sa baggage counter, ang una kong inasikaso ay ang pamosong obra ni Juan Luna, ang Spolarium. Pagkapasok ko na pagkapasok ko sa pintuan ng hall, agad na bumungad sakin ang isang malaki at napakagandang painting. Ito ay may laking 422 cm by 767.5 cm at gawa sa oil and canvass. Minsan na itong nakakuha ng mga parangal sa iba't ibang sulok ng mundo. Dahil nabigla ako sa pagkakakita dito, nilapitan ko talaga ang pinta upang makita ang bawat daan ng hibla ng brush. Ang ganda!
Mga pintang nilikha pa noong 18th Century.
Maliban sa mga pintang obra, hindi rin mawawala ang mga iskuturang likha pa ng mga batikang iskultor sa bansa.
Portrait of a Lady by Fernando Amorsolo
Isa pa sa mga dahilan kung bakit nais kong malakad mag-isa, dahil marami akong nakakasalamuhang iba't-ibang klase ng mga tao. Katulad nalang netong nakuhanan ko ng litrato sa taas. Gandang-ganda ako sa aking nakitang mga likhang sining, subalit noong pag-tingin ko sa aking kaliwa, mas lalong uminit ang aking pakiramdam, siguro dahil malayo ako sa aircon, oh dahil sa taong ito. Akala ko magkakasakit ako, ngunit napakanta nalang ako ng: "di makatulog, di makakain, mga tag-hiyawat sa ilong, at sa pisngi, at sa baba, at sa noo, at sa batok," andaming tagiyawat no? Pag-katapos naming kumuha ng mga litrato, dumeretso sya sa kabilang gallery, eh sakto dun din ang aking patunguhan, hindi ko ginusto yun, nasakto lang talaga. Pagkapasok ko ng gallery, nandun sya, nakaupo sa isang lamesitang gawa sa kahoy, na nakulayan ng puti at tumitingin sa kanyang telepono. Pagkapasok ko, nagkatinginan kaming dalawa, wala akong ibang nagawa kundi ang mangiti ng kunti at sabay hawi ng aking mala-sutlang buhok pa-kaliwa ngunit agad nyang ibinaling ang kanyang tingin sa kanyang telepono. Kaya ibinaling ko nalang muli ang aking atensyon sa gandang ipinamamalas ng mga likhang sining ni Amorsolo. Ngunit pagtingin ko sa taong iyon, nawala nalang syang parang isang bula, at hindi na kami muling nag-kita. Buti pa ang mga paintings, nandyan lang sila kapag gusto kng makita, hindi kagaya ng iba, nawawala nalang bigla kapag kailangan mo.
The Session Hall of the Senate of the Philippines
Bust of Vicente Silva Manansala with Painting of the First Cross
Ika-apat na ng hapon ako natapos sa pag-lilibot sa buong gusali ng Pambansang Museo - Art Gallery. Pero dahil meron parang ilang minutong natitira ba mag-sara isa pang gusali, agad akong nag-madali patungong Museum of the Filipino People, nagbabakasaling may panibago akong makikita sa loob, ngunit wala halos nagbago pagkatapos ng ilang buwan. Kaya dumeretso nalang ulit ako sa seksyon na kung saan makikita ang isang kabaong na gawa sa inukit na kahoy na nakuha sa Banton, Romblon.
Kaunti lang ito sa mga larawang kuha ko gamit ang digital damera ko. Kahit mag-isa akong nag-lakad at nag-byahe, naging masaya parin ang aking lakad. Hindi nito mapapantayan ng kung anung bagay sa mundo. Hanggang sa susunod na lamyerda!
Kaunti lang ito sa mga larawang kuha ko gamit ang digital damera ko. Kahit mag-isa akong nag-lakad at nag-byahe, naging masaya parin ang aking lakad. Hindi nito mapapantayan ng kung anung bagay sa mundo. Hanggang sa susunod na lamyerda!