What’s Good in Saying Goodbye?
In every ending, initial reaction
of human being is to feel sad; it mostly happens if there was harmony and joy
when you’re together. People would say,
it’s really hard to lose someone that plays a great role in discovering yourself.
It’s hard to lose people who serve as your friend and family.
For 4 years and 7 months, I was
with my previous BPO Company. May 18, 2013 I rendered my last day due to retrenchment.
Legally speaking, everything was really fine. But, leaving those people that I
was working with for a long time, wasn’t fine, I was in post traumatic stress
for few months. And as a result, tinamad akong magwork at puro lamyerda lang
ginawa ko. Dapat siguro may law tayo regarding traumatic stress kapag nahiwalay
tayo sa mga office mates natin no?
Ilang araw palang ang nakakaraan,
pinasok ko ang isang trabahong hindi ko masyadong gamay, hindi ko masyadong
alam, hindi ko masyadong naiintindihan; sa kadahilanang hindi ito kasama sa mga
pinag-aralan ko sa kolehiyo. Ang tanging alam ko, KAYA KO TO! Sabi nga ni Tyra
Banks, “You want to be on TOP?” well, kahit bottom ako, hahaha, pinanindigan ko
talaga na kaya kong mag-excell sa field na ipagkakaloob sakin, kahit na may kakulangan
pa pormal na edukasyon subalit nakakalungkot mang isiping sa unang pag-kakataon
ako ang unang sumuko.
Noong mga unang linggo, medyo
magulo, kumbaga, hindi masyadong maarok nang aking pang-unawa at murang
pag-iisip ang mga bagay-bagay. Kung may nose bleed, that time? My brain was
bleeding and memory full. Kung kaya kong magbigay nang numero sa salitang “effort,”
gagawin ko para mas maunawaan nyo. Yung natural kong kakayanan, natural kong
talino (medyo mababa) maglalagay ako nang “1effort.” During the first two weeks
of Product Specific Training, I gave “3effort,” ay kulang ng “S” “3effortS”
pala, ganyan ako na challenge sa aming leksyon. Ang tanging bala ko lamang ay ang
aking natural na pang-unawa, natural na ganda at positibong pananaw sa buhay.
Sa simula palang, akala ko hindi
ako mag-eenjoy dahil siguro na threaten ako sa mga aurang naramdaman ko sa
bawat taong nasa training room. Na threaten ako (initial reaction of animals
yun e) dahil pasikat ako at ayokong may
pasikat pa sakin. At totoo yun, hindi ako nag-enjoy dahil hindi sapat ang
salitang “enjoy” to describe what I felt. Naging MALIGAYA ako, lubos ang aking kaligayahan
at ligaya rin ang naibigay ko sa kanila, alam ko yun, o nagfifeeling nanaman
ako. Kaya sa ngayon, “LIGAYA, Ligaya Ang Itawag NYO sa Akin.”
Maybe you’re thinking why am I
including this post to my travel/lifestyle blog and it’s even not related to
travel. PWEDE BA! Blog ko to, wag kayong umeepal, ipopost ko ang gusto kong
ipost. Wag kayong nangingi-alam sa mga desisyon ko! HINDI, GANITO YUN. For me,
the topic of the training was not basic, it’s advance and since all I know are
only the basics, anlaki nung in-adjust ko to cope up with the lessons. And to relieve
the stress that we feel, we make sure to have few buckets of beer sa MetroWalk,
then lakad papuntang McDo Julia Vargas, pero nagchange location kami dahil ang
gulo namin, sa may Shell Meralco nalang kami. Sa lugar na yun mas nahubog ang aming
samahan at pag-kakaibigan.
After passing the exam and other
exercises, we were endorsed to production under supervision. I thought, I
already learned and acquired everything. But during my first day, I was shocked
and was totally stressed! Yung inakala kong alam ko na, ay nasa 40 percent pa
lamang pala nung nasa katotohanan. It was the longest and tiring day for this
year. Habang ako’y nasa bus at kasalukuyang nililisan ang Kamaynilaan, pauwi ng
bahay, blangko ang aking isipan habang nakatitig sa kulay dalandang bukang
liwayway. Marahi, iba’t ibang ideya ang nasa balintataw ng ibang paseherong
nagmamasid sa akin. Ngunit, patuloy parin ang aking pagtitig sa nuoy papasikat
palang na araw. Doon nagsimula ang ideya kong magsulat nang: “What’s Good in
Saying Goodbye.”
“What’s Good in Saying Goodbye?”
for me, it’s the new start, it’s the new beginning after the ending. Remember, start
first before the ending and after ending is a new start. It is a cycle, it
keeps happening again and again. Never forget that learning is constant and will
be permanent. You may not apply what you’ve learned today, but there will always
be tomorrow.
At sana po ay meron kayong
natutunan kahit katiting sa sulating di-pormal ko na ito, kung wala kayong
natutunan, wag nyo nang pilitin. Patapos nanaman ang taong dalawang libo’t
labintatlo, kaya asahan ang mga bagong estorya nang aking pagtuklas. Maraming
Salamat.