Pagmamalaki Nga Ba?
Para sa Lahat:
Sa mga panahon ngayon, halos
karamihan ng mga Pilipino ay nagiging aware na pagdating sa pansariling
kalusugan. Kaya nga nauuso na ang mga fun run, biking, scuba diving, trail
running, mountaineering at iba pa. Aminin natin ang katotohanan na sa bawat
pagsali natin sa iba’t ibang events, kaakibat na dito ang pag-bayad sa
registration fee sa mga organizers na para sa mga event shirts, ballers, at ang
paborito kong bag tag.
May napansin lang akong komento
ng isang kaibigan tungkol sa pagsusuot ng mga outdoor paraphernalia, kahit na wala
sa isang event. Hindi ko naman masyadong ikinabigla ito, pero napaisip ako ng “konti
lang” sa komentong iyon. Ganito ang pagkakasabi: “Bakit ang hilig ny’ong
magsuot ng mga ganyan? (pertaining to my PM
shirt and event baller) Siguro pinagmamalaki nyo yan sa iba no?”
Dahil sa pag-akyat ko ng bundok,
andaming nagbago sakin, kasama na ang pananamit. Hindi ko naman ikinakahiya ang
tunay kong pagkatao (Iam a half Filipino,
half Filipina) sa iba, maski sa mga readers ng TravellingCup. Nais ko lang
pong ipaalam, dati medyo pasexy ang peg ko, pagurly effect kumbaga, ngunit
dahil sa mountaineering, naiba lahat pati mga pananaw ko sa buhay.
Anyways, going back to my
concern, okay lang sana sa akin yung sinabi nya, the statement was okay, but
the way he said that statement, eh medyo bumigat ang batok ko. Hostly, I was
offended on the way he said that. Syempre, dahil sa pagkulo ng dugo ko, agad
naman akong rumesbak: “Hindi naman ako/kami nagmamalaki sa iba, na porket
naiiba ang mga interes naming. Ang pagsuot ng mga singlet, event shirts ay
hindi nanganggahulugan ng pag-papasikat. Ang salitang “NAGMAMALAKI” ay isa sa
pinaka powerful na salita, na narinig ko this month, in many ways.
Personally, I am wearing my event
shirts at souvenir shirts na galing ng iba’t-ibang lugar, HINDI dahil gusto ko
itong IPAGMALAKI at ibandera sa mundo. Hindi ko ipinapaalam na ako’y hardcore sa
napili kong interes sa buhay. Isinusuot ko ang mga ito dahil binayaran ko ito,
ginastusan po naming ito at sayang naman nasa tokador lamang at
pinakikinabangan lamang ng mga ipis bahay.
Para sa lahat, matututo po tayong
magpakita ng respeto sa kapwa po natin. Ugaliin po nating wag manghusga, laho’t
higit na hindi natin alam kung nakaka-offend tayo ng ibang tao. Hindi ko pwedeng i post ang shirt na yun for some reasons. Maraming salamat
po!