Mt. Apo | Ang Tuktok ng Pilipinas | Day 2
Our Day 1 diary - click here: Mt. Apo Part 1 - (photo above - water source) Natatandaan kong ilang beses akong nagising sa buong mag-damag dahil sa sobrang lamig na aking naramdaman. Kumbaga, kilig to the bones and aking naramdaman. Buti nalang marami kami sa loob ng tent. Ilang beses din kaming nagtanungan kung anung oras na at lahat kami pagsikat ng araw lang ang inaantay. Iyon marahil ang pinaka-mahabang gabi sa buhay ko.
At dumating nga ang pinakahihintay naming lahat, - ang umaga. Unti-unting lumabas ang bukang-liwayway at tuluyan nang lumiwanag ang kapaligiran. Agad akong lumabas ng tent para makita ang pagsikat ng araw at makapag-handa narin ng mainit na kape. Pagkatapos maghanda ng kape, sinimulan narin namin ang paghahanda ng pagkain para sa agahan at pang pack lunch, habang ang iba naman ay naglilinis ng mga pinag-kainan nung gabi.
Matapos magampanan ang aking tungkulin, nagkaroon ako ng pagkakataon para libutin ang malapad at malinis na camp site. Nakasalamuha ulit namin ang mga unggoy na naglalambitin sa mga sanga ng mga punong namumunga ng berries, kaya biglang nahinto ang aming preparasyon ng aming pagkain.
Pagkatapos maihanda ang masarap na agahan, kanya-kanyang pwesto ulit kami at nilantakan ang masarap, masabaw at mainit sinigang. Lahat ay tahimik at kanya-kanyang bwelo sa pagkain. Ilang minuto din kaming seryoso sa panahong iyon. Pagkatapos ng sumptuous breakfast, sinimulan na namin ang pag-liligpit ng mga bagay-bagay. At nilisan namin ang camp site alas nuwebe ng umaga.
Ang Trail | Mahaba at makitid parin ang trail na puro pa-angat. Natatabunan parin ito ng mga mayayabong na mga halaman. May mga parte ring kailangan naming umakyat sa mga nakatumbang mga puno at humawak sa mga ugat. Malamig at presko parin ang hangin. Sa bawat gilid ng trail hindi nawawala ang makukulay na mga bulaklak at mga orchids. Sinasabayan pa ng matitinis na huni ng mga ibon.
Sunod na parte ng trail ay pa-angat at medyo pahirap nang pahirap. Mas napaparami ang mga part na pa-assault, kaya medyo may nginig tuhod factor din ang bundok na ito. Ngunit matapos ang saradong trail na iyon, sumunod naman ay ang bukas na trail na binubuo ng basag-basag at lubak-lubak na naglalakihang mga bato. Hindi rin mawawala ang parte na tinatawag na Sulfur vents na kung saan may mga butas sa mga bato na walang tigil ang pag-buga ng steam na nagmumula pa raw sa kaialiman pa ng mundo. Mainit at mabaho na parang amoy lupa - yan ang napansin ko sa singaw na nagmumula sa mga butas na iyon. Bakit ba kasi ganun palagi ang mga naaamoy kong mga butas?
Alas dose ng tanghali napagdesisyunan naming mag-lunch break. Different scenario naman, nasa gitna kami ng naglalakihang tipak ng mga bato. Hindi ko alam, pero kakaiba talaga ang pakiramdam kapag kumain sa kabukiran. Habang sumusubo ka ng kanin at ang ulam ay adobo, sumasabay naman ang mga ibon sa walang humpay na pagkanta, habang ang mga sanga ng puno ay nagsasayawan dahil sa malamig na ihip ng hangin. Nasa isang oras din kaming nagchikahan at nagkainan. Isang oras din kaming nagpahinga at kumuha ng mga buwis buhay na larawan sa lugar na iyon.
Sumunod na parte naman ay ang “boulders.” Mas mahirap ang parteng ito, dahil ang trail ay bukas, walang kahit anung puno. Naglalakad at tumatalon lang kami sa mga naglalakihang bato. Ang tanging gabay namin ay ang mga trail marks na nakapatong sa mga bato at nakatali sa mga halaman.
Wala pang 15 minuto nang bumuhos ang ambon. Naghanda na kami ng aming panangga sa ulan. Ilang minuto pa at nagsimula nang lumakas ang bugso ng ulan. Sumabay pa ang malamig at malakas na hangin. kaya ayun, umurong na lahat nang pwedeng umurong dahil sa lamig.
Sumunod namang parte ay ang 87 degrees assault patungong Lake.. May kahirapan ang parteng ito dahil mahangin, malamig at basang-basa na kami, mabigat ang mga bags namin tapos sobrang assault at pa-angat pa. Dumagdag pa ang makapal na fog sa aming paligid, Habang tumatagal mas lalong sumasama pa ang panahon, kaya medyo umaabot na sa hangganan ang aking pasensya. Buti nalang puro kami maligaya at masayahin, kahit anu pa ang pinag-dadaanan ng bawat isa.
2:40 PM narating din namin ang Lake malapit sa may summit. Kahit papaano medyo naging matiwasay ang panahon at nagkaroon kami ng pagkakataong makita ang hugis ng lawa at linaw ng tubig dito. Kaunting photo shoot at tuluyan na namin nilisan ang lugar na iyon.
Sunod na parte ay pa-angat parin. Pero mas maraming mga berries na nasa gilid lang ng trail. Habang pa-angat kami, mas lalong pasama ang pasama naman ang panahon, kaya mas lalo naming binilisan ang paglalakad patungong camp site. Nahirapan kaming maglakad sa trail dahil makapal ang fog, madulas dahil sa putik, at sobrang lamig, kaya medyo napansin kong kaunti nalang at bibigay na ang opera ko sa tuhod, kumakati na kasi sya dahil sa lamig.
May mga nameet din kaming ilang hikers sa trail at may inaantay daw sila, kaya dumeretso na kami sa camp site. Pagdating namin sa campsite, nabighani agad ako sa ganda. Ang ground ay nababalot ng malalagong damo na animo’y carpet na nakalatag. At dahil nilalamig na nga ako, hindi ko na nagawang libutin ang lugar, sa halip dumeretso na kami sa mga tent na itinayo na nang aming mga porters.
Ngunit sa kasamaang palad nagbibihis si Onah nung mga panahong yun, kaya hindi agad ako nakapasok ng tent. Inayos muna namin ang ang mga gamit dahil nililipad ito nang napakalakas na hangin. Sobrang lamig ang naramdaman ko nung panahon iyon dahil dun sumakit ang rayuma ko at sumasakit narin ang opera ko sa tuhod. Dumating pa nga ang pagkakataon na wala na halos maramdaman ang lower extremities ko at alam kong masamang sinyales na iyon ng hypothermia, kaya nung magbibihis na si Ate Sha, pumasok narin ako sa tent para kahit papaano makaramdam narin ako ng init.
Ang pinaka-challenging na parte nung mga panahong iyon ay ang pag-huhubad at pag-papalit ng damit sa nga sa extreme coldness. OA nga masyado, hindi na sakin bago ang malamig na temperature, pero yung panahong iyon, sumuko ang balat ko.
Inantay muna naming humupa ang ulan at malakas na hangin bago nagsimulang mag-handa ng aming dinner. Pero bago ang lahat, mawawala ba ang groupie? (photo above) Habang nasa labas ang mga boys at naghahanda, kami naman nasa loob lang ng tent at nag-chichikahan. Medyo nashort na kami sa trail food, kaya kanya-kanya kaming hanap ng mga nakatagong mga biscuit at sweets sa mga bag namin. Hindi ko makalimutan ang Hi-Ro na Orange biscuit, hindi namin sya pinapansin sa kabayanan, pero sa panahong iyon, yun ang pinakamasarap na biscuit na natikman namin.
Ang pinaka-challenging na parte nung mga panahong iyon ay ang pag-huhubad at pag-papalit ng damit sa nga sa extreme coldness. OA nga masyado, hindi na sakin bago ang malamig na temperature, pero yung panahong iyon, sumuko ang balat ko.
Inantay muna naming humupa ang ulan at malakas na hangin bago nagsimulang mag-handa ng aming dinner. Pero bago ang lahat, mawawala ba ang groupie? (photo above) Habang nasa labas ang mga boys at naghahanda, kami naman nasa loob lang ng tent at nag-chichikahan. Medyo nashort na kami sa trail food, kaya kanya-kanya kaming hanap ng mga nakatagong mga biscuit at sweets sa mga bag namin. Hindi ko makalimutan ang Hi-Ro na Orange biscuit, hindi namin sya pinapansin sa kabayanan, pero sa panahong iyon, yun ang pinakamasarap na biscuit na natikman namin.
Mainit na nilaga ang nasa main course namin sa dinner. Nasa loob na nga kami ng tent nag-dinner. Ansarap sa pakiramdam kapag gumuguhit ang init sa lalamunan, tapos aantayin mo pang pagpawisan ka. Binusog namin ang mga sarili namin at nag chikahan bago matulog. Ito po ang isturya ng aming unang araw,
click here for Third Day - Part 3.
Our Itinerary in English, click here: Buhay ni Meym