Mt. Apo | Ang Tuktok ng Pilipinas | Day 1

Mt. Apo ang sinsabing Ama ng mga kabundukan dahil ito ang pinaka mataas na bundok sa Pilipinas, na kung saan pangarap ng bawat taong mahilig sa ganitong larangan na maabot ang tuktok nito. Tingnan nyo ang larawan sa itaas, kaunti nalang at maaabot na nito ang taas ng Baron Antena, ganyan sya kataas. Ito ang aming isturya:

Part 1 - Day 1 - bago simulan ang mahabang paglalakbay sa kagubatan ng Mt. Apo, kasama ang aming guide, sinimulan namin ang pamamalengke ng mga bagay-bagay na aming gagamitin sa pag-akyat. Sa palengke, feeling ko artista ako kasi feeling ko may crush lahat ng mga nakakakita sakin - in short, feelingero lang ako. Pagkatapos ng pamimili, pre-cooking naman ang aming pinag-kaabalahan habang nag-aayos ng aming mga kagamitan. 
Pagktapos ng mga preparasyon, sumakay na kaming habal-habal patungong jump off. Akala ko pa-cute na sakay lang, pero makapigil hiningang byahe ang nangyari. Hindi ko napigilan ang aking sariling humawak at yumakap dun sa taong nasa aking unahan, at ganun din yung nasa aking likuran, nakayap din sa akin, kaya patas-patas lang. Ang kalsadang aming dinaanan ay sobrang lubak-lubak at maputik kaya sobrang madulas. May pag-kakataon pa ngang akala namin matutumba kami at maaaksedente pero sobrang galing ng mga driver sa Digos City, ang hahaba ng mga binti at ng - - - - mga kamay.


Nagsimula ang pag-angat namin sa may tangke. Isang maikling assault agad ang aming tinahak patungong jump off - ang Tourism Office para sa aming registration. Nasa isang oras din kaming nahinga at kumain sa lugar na iyon tapos nag-patuloy na kami sa paglalakad. Mga dalawang oras din kaming naglalakad sa gitna ng taniman ng mga  carrots at iba pang mga gulay na pag-mamay-ari ng mga lokal.

Pagkatapos ng taniman, ang trail naman ay isang bahagyang angat subalit natatabunan ang malalago at mabeberdeng mga puno at mga halaman. Ang mahabang trail ay nababalutan ng mga halamang namumulaklak ng iba't-ibang kulay.

Mahigit apat na oras na kaming nag-lalakad sa trail nang aming maramdaman ang gutom, kaya sa gitna ng trail na kami nagpahinga at kumain ng tanghalian habang umiihip ang malamig na hangin. Mahigit
isang oras din kaming tumambay sa lugar na iyon bago napagdesisyunang magpatuloy sa pag-lalakad. Habang nag-lalakad, may nakasalubong kaming mga hikers na pababa, dalawang magagandang dilag at isang pogi kasama ang kanilang guide. As usual, Hi! Hello! at kaunting chikahan muna bago nag-patuloy sa paglalakad.

Isang pangyayaring hindi namin lahat makalimutan habang nag-lalakad ay, nung biglang magtanong si Mam Shayne nang: "lichen ba ito?" Tapos wala kaming lahat reaksyon. Dugtong pa nya: "alam nyo bang ito ang nagpapatunay na fresh pa talaga ang hangin sa lugar na ito." Tapos, nasabi nalang namin: "At kelan ka pa naging si Kuya Kim?" At doon nagsimula ang tuksuhan, buong akyat namin, dun nagsentro.

Ang Trail | Isang mahaba at makitid ang trail na napapaligiran ng mga mabeberdeng damo, mga namumulaklak ng mga halaman at mga punong kahoy na nababalutan ng mga malulusog na mga moss. May nga parteng pa-assault ang daan, pero mostly gradual laman ito.

Narating namin ang Tinikaran Campsite 1 bandang 2:30 ng hapon. Hindi pa kami nakakapagpahid ng mga pawis sa mukha, groupie agad-agad. Sa larawang ito, hindi ko maintindihan kung bakit walang bahid nang ligaya sa aming mga mukha. Malamig at presko ang hangin sa paligid, ang bawat puno ay nababalutan ng mga moss na nagpapatunay kung gaano kalusog ang kagubatan ng Apo. 

 Pag-dating namin sa camp site, naka-tayo na ang aming mga tents na dinala nang aming mga porters. Pagkatapos maiayos ang mga gamit namin, biglang bumuhos ang malakas na ulan na nagpa-kapal pa lalo ng putik at nag-palamig pa ng kapaligiran, kaya tumambay muna kami sa loob ng tent at kanya-kanyang kuha ng pwedeng ibalot sa katawan. Mawawala ba ang mga tsokolate si Mam Sha na galing pa sa Europa na hindi namin mabasa ang lengwahe? Syempre hindi.

Nasa isang oras din kaming nag-bonding sa loob ng tent bago tumila ang ulan. Sa pag-tila ng ulan, unti-unting sumilip ang haring araw sa ulap at sa mga basang dahon ng mga puno. Kasabay din nito ang pag-dalaw ng mga malalaking unggoy sa campsite at nanginain ng mga berries sa mga puno. Hindi namin iwinaksi ang aming mga mata sa mga yun dahil natuto narin silang magnakaw ng mga pagkain ng mga hikers. Katulad na sila ng mga ibang mga taong nakaupo.

Bago pa mag-takipsilim, nagsimula na kami sa aming paghahanda ng aming hapunan. Gayat dito, gayat doon ng mga pansahog sa sinigang na baboy at pa sa iba pang ulam. Ito rin ang pagkakaton para sa aming socials. Take Note | Ang water supply ay ilang metro lamang mula sa campsite.

Gabi na nang matapos kami sa pag-luluto at nagsimulang kumain. Walang pansinan, puro abala sa pag-kain, habang ang malamig na hangin ay umiihip. Iba talaga ang pag-kaing linuto sa kabundukan, mas lalong sumasarap.

Pagkatapos kumain, sinigurado naming nakatago ang aming mga kagamitan sa loob ng tent, baka manakaw pa ng mga unggoy. At naghanda kami sa aming pagtulog. Tatlo ang aming tent; isa - para sa aming 2 porters at guide, ang isa naman ay sa aming apat, at ang huling isa ay dalawa lang sila. Dahil sa lamig, kahit apat kami sa loob ng tent, ramdam parin ang lamig hanggang buto. Suot-suot ko ay magkapatong na shirt at dalawang jackets, dalawang pants, dalawang patong na medyas at may plastic pa sa pagitan, pero ramdam ko parin ang lamig. Ito po ang isturya ng aming unang araw, click here for Second Day - Part 2.

Our Itinerary in English, click here: Buhay ni Meym

Popular Posts