Lioness Rock Formation
Lioness Rock Formation is another
tourist spot in Bulacan, being known because of great photos uploaded on online blogs. It
is where tourists can do a death defying poses and stunts, literally “On the
Rock.” This rock formation is named because of its unique rock formation that
looks like a “Lioness.” Not only that, in this area we can also find the
Monkeys, Rhinos, and Korona rock formations.
Nagsimula ang aming pag-lalakbay
sa SM Fairview na kung saan kami sumakay ng jeep patungong Brgy. Bigte,
Norzagaray, Bulacan. Dapat wala pang isang oras ang aming naging byahe ngunit
sa di inaasahang pagkakataon, naging mabigat ang daloy ng trapiko. Ang pamasahe
ay nag-kakahalaga ng 30 pesos.
Bumaba kami sa tinatawag na
Rutonda ng Brgy. Bigte, malapit sa palengke. Pag-katapos, sumakay kami ng
traysikel patungong Iglesia ni Kristo na malapit sa Paaralang Elementarya ng
Bigte, at doon nagsimula ang aming kakaibang karanasan.
Ang daan patungong Lionese Rock
Formation ay matatagpuan sa isang pribadong lote na pag-aari ng mga lokal. Ang
lahat ng bisita ay inaasahang mag-paalam muna bago mag-simula sa pag-akyat. Ang
daan ay maputik at masukal, kaya masusing pag-iingat ang kailangan. May mga kabataang nag-aalok maging guide sa bawat bisita at mas magandang kumuha ng guide dahil delikado ang bawat hakbang.
Ang susunod namang bahagi ay ang
simula ng pag-akyat sa mga bato patungong tutok ng Monkeys rock formations.
Sabi ng aming dalawang guides, nag-mumukhang isang ungoy daw ang isang bahagi
ng batong ito kaya tinawag na monkeys. Medyo mahirap ang parteng ito, dahil
masusubukan ang lakas at tatag ng mga braso at binti ng mga umaakyat. Ngunit ng marating ko ang tutok nito, nakita
ko ang gandang itinatago ng Norzagaray, Bulacan.
Larawan sa Kanan: Ako yan habang ginagawa ang aking “Buwis Buhay Pose.” Sa unang tingin, maski sa ikalawa at ikatlong tingin, hangang may paningin ka, malalaman mo agad na isang imahe ng Lion ang bato, pero dito sa larawang ito, parang akong isang ibong nakatayo sa ulo ng Lion.
BABALA: Sa mga gustong mag-karoon ng mga magagandang larawan, dobleng ingat ang inyong kailangan, kapag malakas ang hangin at hindi kayo komportable, wag nang ituloy!
Ang susunod na bahagi naman ay
ang pag-baba mula sa tutok ng monkeys at Lioness rock formations. Ang parting
ito mas mahirap ng kaunti kesa paakyat, marahil mas mahirap makita ang mga
aapakang bato. Kaya dito nasukat kung gaanong katatag ang aking mga braso at
binti. Malaking tulong parin ang aking
gloves na pang garden at aking sapatos na may makapal na sole. Iwasang mag-dala ng malalaking bag paakyat, katulad ni Te Bing (may pulang bag) na medyo nahirapan, hindi ko alam kung dahil sa bag o dahil maiksi ang mga biyas, kayo na ang mag-husga. Peace Te Bing!
At dahil may dalawang bisita at
kanilang guide na nauna sa amin, pinili muna naming kumain ng tanghalian sa
isang malinis at patag na lugar, bago umakyat ng Rhinos Rock formation. Wag
nyong pahirapan ang inyong mga sarili kung bakit tinawag na Rhinos ang batong
ito, mamaya malalaman nyo kung bakit. Sa ngayon, wala munang clue. Ilang minuto
din kaming nag-pahinga habang nag-seselfie ang mga nauna sa amin.
Nung mapansin namin na pababa na
ang mga taong nauna, nag-simula narin kaming umakyat sa likod na parte ng
Rhinos. Sa parteng ito naman, mas delikado dahil mas matutulis ang mga bato,
ngunit mas simpleng ng kaunti, dahil mas maraming kakapitan. Ay may joke pala
tungkol sa “kapitan:” may nag-tanong ng: “marami bang kapitan dyan?” Sumagot ang
aming guide na si Amboy: “ay hindi po, isa lang po ang kapitan dito!” Sumagot
naman ako ng: “Ah, talaga? Eh, Taga saan ba si kapitan?" Hahaha. Sama talaga ng ugali ko no? Binasag ko yung joke nya.
Siguro naman nakikita nyo ang
larawan sa itaas, tama? Ito ang paliwanag kung bakit tinawag na Rhinos Rock
Formation ang lugar nayan. Base na nakikita nyo, parang isang imahe ng Rhino
ang hugis ng batong aking tinutungtungan. Ang butas sa bato ay nag-sisilbing
mata ng Rhino, kaya. Ang larawan naman sa kaliwa ay kuha sa itaas na bahagi ng
Rhinos, at sa nakikita nyo, matutulis ang mga batong aking kinaroroonan, kaya
mas kailangan ang masusing pag-iingat. Pagkatapos ng Rhinos Rock
Formations, isinunod naman namin ang Korona Rock Foramation. Ngayon, siguro
naman hindi ko na kailangang ipaliwanag kung bakit tinawag itong Korona.
Nag-pahinga kami sa tutok nito ng ilang minuto hanggang sa abutan na kami ng ulan. Ambon lamang ang bumagsak, hindi namin alam na parating na pala si Bagyong Luis. Mas lalong naging delikado ang aming pag-baba dahil mas lalong naging madulas ang mga batong aming tinutung-tungan pababa. Pagkatapos ng mga rock formations, isinunod naman naming ang makasay-sayang kweba ng Norzagaray, click here: Pinagrealan Cave
Nag-pahinga kami sa tutok nito ng ilang minuto hanggang sa abutan na kami ng ulan. Ambon lamang ang bumagsak, hindi namin alam na parating na pala si Bagyong Luis. Mas lalong naging delikado ang aming pag-baba dahil mas lalong naging madulas ang mga batong aming tinutung-tungan pababa. Pagkatapos ng mga rock formations, isinunod naman naming ang makasay-sayang kweba ng Norzagaray, click here: Pinagrealan Cave
Need to Consider:
Before reaching the peak of these
rock formations, you need to consider different aspects. First will be your
health, it is very important, especially if you have the fear of heights, do try
it without harness or professionals. You are encouraged to invest for your
outfit: rocks are sharp, so your shoes should be dependable and should fit for
rock scrambling and climbing. Sole must be thick and can’t be penetrated
easily by the sharp rock surfaces. Stretchable shirts and pants are necessary, so
you’ll be comfortable in doing the rock scrambling.
Gloves are needed here because
majority of the rock surfaces are sharp, gardening gloves will do. You also
need to bring sun block for your skin protection and to avoid skin damage, and
insect repellent lotion to protect you from insect bites since the area has
shrubs and grasses.
Sa mga nag-babalak na umakyat sa mga
batuhang ito, mas magandang mag-sama kayo ng guide. Sila kasi ang nakakaalam ng
mga tamang batong hahawakan at aapakan upang maiwasan kahit papanu ang mga disgrasya. Ibayong pag-iingat ang kailangan!! Bale ang naging budget namin ay nasa 500 pesos lang, bonga diba!