Mt. Tibig
Ang southern luzon ang isa sa mga rehiyon sa Pilipinas na likas na mayaman sa anyong lupa, gaya ng kabundukan. Dahil may kalapitan ito sa Kamaynilaan at may likas na kagandahan, mas dinarayo ito ng mga hikers. Isa na dito ang Mt. Tibig na matatagpuan sa Nasugbu, Batangas. Ito ang aming isturya:
Sa Jam Liner sa Kamias kami nakita-kita at sumakay ng jeep patungong Nasugbu Grand Terminal, dun din namin na-meet ang iba pang mga kagrupo. Pagkatapos mag-prepare ng mga gamit, nag-hanap kami ng jeepney driver para mag-hatid sa amin sa jump off. Ang original plan ay umahon sa Mt. Lobo, pero noong nasa Lobo, Batangas na kami, biglang change plan: beach or bundok? Ilang minuto din kaming nag-balitaktakan, pero Mt. Tibig ang nanalo. Maswerte kami dahil mabait ang aming driver. Gusto nyo ba ng contact number? PM me sa TravellingCup Page.
Bago dumeretso sa jump off, dumaan muna kami sa Police Station upang makapag-parehistro at magbayad ng registration fees. At dahil alam ng driver ang aming pupuntahan, sya na ang nagdala samin sa bahay ng guide. Pagkarating sa bahay ng guide, process ng registration and fees at konting preparation ng mga pangangailan sa aming socials, sa gabi.
Ang unang bahagi ay ang pag-lalakad at pag-tawid sa batuhang ilog, na wala namang tubig. Ang trail pa-angat ay simple to moderate, bagay na bagay sa mga first time hiker. Ang trail ay malinis at well established dahil ito rin ay nag-sisilbing daan ng mga locals para mag-pastol ng kanilang mga baka at kabayo. May mga parte ring fork, pero kailangan lang linawan ang paningin para makita ang mga trail marks. Dahil night trek ang aming ginawa, mas nag-enjoy kaming mag-tsimisan at enenjoy din namin ang malamig na dampi ng hangin sa aming mga balat. Dahil damuhan ang lugar, asahan na ang mga insekto ang mga lamok, kaya wag kakalimutan ang insect repellent lotion.
Ginabi na kami ng marating namin ang summit, kaya nga night trek diba? Ilang minutong pahinga lang ang aming ginawa at nagsimulang mag pitch ng aming mga tents. Pagkatapos, nagsimula naman kaming maghanda ng aming hapunan, para sa aming anniversary celebration. Pagkatapos magluto, socials time naman ang aming inatupag at natulog.
Bago pang sumikat ang araw, nauna na akong gumising sa mga kasama ko upang mag-karoon ng oras para sa pag-kuha ng mga larawan ng kapaligiran. Pag-labas ng tent, naramdaman ko agad ang malamig na temperatura ng hanging bumubuga ng malakas sa akin. Katulad ng nakikita nyo sa larawan sa itaas, kakaibang ganda ang dulot ng pagsikat ng araw. Mga preparation sa umaga: nag-luto ng agahan, photo ops sa bato at breakcamp.
Bago pa namin lisanin ang summit, naabutan na kami ng ulan, kaya naging challenge sa amin ang dulas at putik pababa. Mahigit isang oras lang namin kinuha ang pababa, mas tumagal pa nga kami sa bahay ng guide sa pahinga at pamimiling prutas at pang-hihinging tawad sa tindera. Pagkatapos, sumakay kaming jeep patungong beach para sa Part 2 ng aming anniversary partey. Alas kuwatro ng hapon kami sinundo ulit ng jeepney driver sa lugar na iyon pabalik ng grand terminal at umuwing inaantok at nilalamig sa loob ng bus.
Limang taon na ang Batang Hamog Mountaineers at limang taon na kaming nag-paplastikan. Ilang problema na ang mga dumating at pinagtulungan ng bawat miyembro na maresulbahan. Ganyan ang aming samahan - hindi lang basta mag-kagrupo - kundi mag-kapuso, mag-kapamilya at mag-kakapatid. Till next climb!