Mt. Pamitinan | Binacayan | Wawa Dam
It's been a long time since we planned to visit Wawa Dam and hike Mt. Pamitinan and Mt. Binacayan, but unsuccessful for some reasons. These twin mountains, with Wawa Dam as separator, is located in Rodriguez, Rizal, formerly known as Montalban, Rizal. These mountains are famous because of the legend, according to some stories: Bernardo Carpio used his un-human power to separate these two mountains from each other, that's the reason why the space, where Wawa Dam is situated, was created. (photo above | left-Mt. Pamitinan, right: Mt. Binacayan)
How to Get Here? Here's what we did | We met at Farmers, Cubao (near Jollibee) and rode in an FX and alighted in Eastwood. Fare: 50 pesos. Then, rode in a tricycle to Wawa and registered at the Tourism Office. Secured guides, fees and helmets.
Around 7:30 in the morning we crossed the river to Pamitinan Cave. Historically, this cave was used as a hiding place by the Katipuneros during the fight against the Spaniards. According to our guides, the cave measures more than a kilometer long. Inside the cave are amazing rock formations and the walls are covered with crystal like powders. Sabi ng isang friend, maraming residente raw ang nakahukay ng kayamanan sa kweba at iba't-ibang parte ng bundok na ito.
Nasa kalagitnaan na kami ng kweba nang hindi na kami pinatuloy ng aming guides, dahil daw hindi namin kaya. Nakakalungkot diba? Nahusgahan agad kami, eh hindi pa namin nakikita yung sinasabi nilang makitid na lagusan, hindi na agad kaya? Hindi naman sa mapilit ako, pero sana lang nakita at nasubukan muna, pag hindi kaya, saka bumalik, wala namang problema.
Pagkatapos ng half-caving, kalahati lang kasi natapos namin, pahinga lang ng ilang minuto, saka nagsimulang pumanhik sa Mt. Pamitinan. Ang unang parte ay simpleng paangat lang, pero habang tinutunton namin ang trail pa summit (photo above), pahirap nang pahirap ito. Ang terrain ay lubhang delikado dahil maliban sa mga 90 degrees assault, may mga matutulis ding mga bato na kakapitan. Light pack, thick sole shoes and gloves are recommended! Sa summit, isang kahanga-hangang tanawin ang aking nakita. Ang hangin ay fresh at ay may kalamigan, at ang buong lugar ay nababalot ng luntiang kapaligiran. Ang ilog naman ay nag-sisilbing isang magandang tanawin, sa kalayuan. Isang rock formation ang aking napansin (photo above), mukha syang isang imahe ng aso no?
Pagkatapos ng isang nakakapagod at nakakagutom na adventure, kumain muna kaming tanghalian at nagpahinga sa bahay ng isang kaibigan. Akala ko pahinga lang, kaso naka-tulog ako, as in deep sleep ng ilang minuto, kaya nung ginisin nila ako, umiikot paningin ko pag-tayo ko. Ang trail paakyat sa Mt. Binacayan ay matatapuan sa mga pribadong lupaing ng mga residente. Medyo nakakalito dahil sa mga fork trails na gawa ng mga lokal. May mga nangyaring hindi namin inaasahan (read the details below), kaya nakatulog ako sa trail habang nag-hihintay sa ibang kasama. Pag-karating ng iba, hindi na ako tumuloy dahil may susunduin pa kaming bisita sa baba. Ngunit ang iba naman ay nag-patuloy at ginabi na silang nakababa. Dinner and socials sa bahay ni Mem Onah. Majority ay umuwi, ngunit ako'y nag overnight sa bahay nila. Kinabukasan, Wawa Dam naman ang aming binisita.
Pa-uwi | Sa Baranggay, maraming masasakyan; una pwedeng sumakay ng tricycle o jeep patungong Eastwood, tapos sakay ulit ng jeep pa Cubao. Pero kung bet nyo ang FX, sakay lang kayong jeep na may Simbahan na signboard at baba kayong Caltex Montalban, in front of RCBC.
Mga Dapat Pag-usapan:
Guides - hindi namin narating ang kabuuan ng kweba dahil sabi ng guides namin, hindi raw namin kaya. Mas maganda siguro kung nakita at nasubukan man lang namin ito. Kalagitnaan palang, naubusan na agad ng power ang flashlight na dala ng aming guides, masuwerte lang talaga na may mga dalang ilaw ang aming mga kasama, panu nalang kung mga estudyante na hindi agad na inform na magdala ng ilaw? Madulas at maputik ang loob ng kweba, kaya kailangang may ilaw para maiwasan ang aksidente. Isa pa, nagkaroon kami ng problema nung paakyat na kami ng Mt. Binacayan. Ang guide namin isa sa lead, at isa DAPAT sa tail. Ang nangyari, may apat kaming mga kasama ay naligaw dahil ang guide na DAPAT nasa pinakang dulo, nasa mid na pala. Nag-antay na kami ng 30 minutes, wala parin sa mga guides ang sumubok bumaba at hanapin ang mga naligaw. Isa sa mga kasama namin namin ang bumaba pa para hanapin sila. Suggestion ko: sana naibigay ng Tourism Office at DENR ang mga Roles and Responsibilities ng pagiging isang guide.