Pinagrealan Cave
Pagkatapos ng aming buwis buhay
na karanasan sa Lioness Rock Formation, isinunod naman namin ang makasay-sayang
kweba ng Pinagrealan na matatapuan sa Brgy. Minuyan, Norzagaray, Bulacan, ilang
minutong byahe sakay sa isang traysikel mula sa Rutonda ng Brgy. Bigte.
Ang Kweba ng Pinagrealan ay unang
tinawag na Kweba ng Minuyan na matatagpuan sa paanan ng Bundok ng Sierra Madre
na sakop ng Norzagaray, Bulacan. Ito ay ginawang Kampamento ng mga Rebolusyunaryong
Pilipino, sa pangunguna ni Heneral Sinforoso dela Cruz. Ito ay naging
pangunahing kuta at tanggulan ng mga manghihimagsik nang taong 1896-1897.
Sa kwebang ito nanirahan ang
hukbong rebolusyunaryo ni Heneral Emilio Aguinaldo at Heneral Pio del Pilar.
Nagkaroon ng iba’t-ibang labanan sa labas at palibot ng kweba. Sa loob ng kweba
matatagpuan ang ginawang bahay ni Heneral Aguinaldo sa likod ng maraming
nakatayong hugis pinto at tunay na marbol. Sa harapan naman ng kweba itinayo
ang kwartel at bahay pagamutan kung saan ginagamot ang mga manghihimagsik na
nasusugatan sa labanan – details: courtesy – Pinagrealan Cave.
Isa sa mga espesyal na lugar sa
loob ng Kweba ng Pinagrealan ay ang butas na ito (larawan sa itaas). Ayun sa
aming guide, may natagpuan daw silang mesa na may nakasulat na: “Emilio.” Ito’y
pinaniniwalaang pag-aari ng dating Heneral Emilio Aguinaldo. Ang iba pang mga
bagay na kanilang natag-puan sa loob ng kweba ay matatapuan ngayon sa National
Museum. Naisip ko bigla, kung kumasya si Aguinaldo sa butas na ito, malamang
maliit na tao ang unang presidente?
Ang kweba ay may iba’t-bang
parte, may mga malalapad at masisikip na daanan at mga daluyan ng malamig na tubig.
Hindi rin mawawala ang mga stalactites, stalagmites, curtains and columns sa
iba’t-ibang parte ng kweba. Agaw pansin naman ang mga butas na nilikha ng mga paniki upang gawin tahanan.
Gusto nyo bang maligo sa isang
malamig pero nakaka-relax na tubig? Wag kayong mag-alala, ang parte ng kweba na
nasa larawan sa itaas ay maibibigay ang gusto nyo. Noong una, napa-isip talaga
ako kung mag-lulublob ako sa malamig na tubig nayun, pero nung sinabi nung
guide namin na: “sige lang mam sir, try nyo lang, sabihin nyong sinungaling ako
kung hindi kayo ma-rerelax.” Napaisip agad ako, at pag-katapos, agad na akong
nag-lublob sa malamig na tubig. Totoo nga ang kanyang sinabi, na-relax ako nang
bonga! Rock climbing, scrambling or spelunking? click here: Lioness Rock Formation
How to Get Here? Here’s what we
did: From SM Fairview, we rode in a jeepney going to Rotunda in Brgy. Bigte,
Norzagaray, Bulacan. Then, charter a tricycle going to Pinagrealan Cave or
Lioness Rock Formation.
Things to Consider: It is really
dark inside Pinagrealan Cave, so it is advisable to bring flashlights (guides
will be providing flashlights for you.) Please take note; there are flashlights
that can destroy the living minerals inside the cave, so LED light is more advisable.
There are parts where stone are covered with sharp edges, so wearing helmet is
a must! Outdoor sandals or slippers are also advisable; tourists will be
stepping on and off the stones and boulders that might be sharp, so careful