Haponang Banoy | Freedom Climb 2015
Dapat sana Mt. Pinatubo ang akyat namin para sa espesyal na araw na ito, ngunit sapagkat datapwat subalit napalitan ito ng bigla-biglaan. Natuloy parin naman ang Pinatubo, pero hindi ako kasama dahil conflict sa schedule ko, kaya ayun hanap ng lamyerda sa ibang bundok - para lang sa pag-wagay-way ng ating bandila.
Buko break sa tahanan ni Ka Jhong
Ang unang parte ay terrain na malinis at araw-araw na ginagamit ng mga lokal pababa sa kabayanan. Ang paligid ay luntian at nababalo ng ibat-ibang bungang kahoy, kaya busog kami paakyat. Akala namin nagka-intindihan na kami ng aming guide, pero sa kasamaang palad hindi pala. Instead, nilibot lang kami sa paligid ng Mt. Lubog at Haponang Banoy.
(Kaliwa pa kanan) Ako, Macel, Ka Jhong, Onah at Alfie
Maraming nalilito sa pangalan ng bundok na ito. Minsan nang
pinagkaguluhan kung anu ba talaga ang legal na pangalan nito. Ayon sa kwentong
aming nakalap, ang mga salitang Hapunang
Banoy ay nagsimula sa dalawang
salitang “hapunan” o dinner at “banoy” – isa raw itong salitang
nanggaling pa sa kabisayaan na nangangahulugang “witch.” Ito ang kwento: ilang dekada na raw ang nakakaraan, may
dalawang agilang napad-pad sa lugar na ito ng Montalban, Rizal. Noong una,
isang tanong lang ito sa mga isipan ng mga residente kung anung malaking ibon
ang napad-pad sa kanilang lugar. Habang tumatagal, nakakasanayan na ng mga
residente ang pag-paroo’t parito ng dalawang estrangherong ibon sa isang kweba
sa bundok, lalong-lalo na pag-papalubog na ang araw, sa dapi’t hapon at agad itong
napansin ng mga lokal. Dahil sa kanilang obserbasyon, nalaman nilang sa kwebang
ito pala nag-hahapunan ang mga agilang ito, na kalauna’y tinawag nilang “Banoy” or “witch” dahil sa gawing iyon ng mga ibon. Sa kasamaang palad, ang
dalawang agilang napad-pad sa lugar na ito ay nangamatay na dahil sa pag-baril
sa kanila ng lokal. Maraming salamat Ka Jhong
sa impormasyong ito!! Siya ay isa sa mga guide ng Brgy. Maskat, kung saan
nahahati ang boundary ng bundok na ito.
Matapos naming gawin ang Mt. Lubog circuit ng walang kaplano-plano, masaya at taas noo parin naming ibinandera ang watawat ng Pilipinas pa-baba. Flag bearer - Jai.
Ikalawang Araw
Maaga kaming gumising upang mag-handa ng aming mga sarili at mga kagamitan. Paangat, sa hanging bridge kami dumaan, at tinahak ang kaparehong trail pa-angat ng Mt. Pamitinan. Pag-dating ng crossing, kumaliwa na kami at tinunton ang trail pa-angat ng Haponang Banoy. Halos magkaparehas ang trail ng Pamitinan at Banoy, subalit mas maraming rock scrambling and climbing ang Banoy, malaking tulong ang gloves sa parteng ito.
Habang pa-angat, mas nararamdaman namin ang mas malamig na hangin at mas gumaganda pa ang mga tanawin sa paligid. Facing Mt. Binacayan and Mt. Pamitinan
Halos kalahati ng taas ng Banoy ay puro rock scrambling and climbing. Dito nasukat ang tatag ng aming mga binti at mga braso sa pag-kapit sa matutulis na mga bato na nakapusisyon sa gilid ng bangin.
photo by Alfie Canon
Matapos ang ilang oras na pag-hike at pag-talon sa matutulis na bato, at sa wakas narating din namin ang tuktok ng Mt. Haponang Banoy. Sa kauna-unahang pagkakataon, nakarating ako sa tuktok ng isang bundok na maiksi ang aking buhok.
At dahil ang akyat na ito ay para sa pag-wagayway ng watawat ng Pilipinas, mawawala ba ang ganitong mga eksena? Syempre hindi! Sobrang sarap ng pakiramdam kapag nasa itaas kana ng mga bato habang mainit ang araw at humahampas ang malakas at malamig na hangin sa balat. So happy!!!
How to Get here? Here's what we did | From Farmer Cubao (beside Jolibee) we rode in an FX bound for Eastwood, Rodriguez, Rizal. Fare: 50 pesos. Travel Time is within 1:30-2 hours.