Mt. Ugo Traverse
Traversing Mt. Ugo is a bit long because it is one of the giants in Luzon. Our traverse was a two-day hiking itinerary from Brgy. Kayapa, Nueva Vizacaya to Itogon, Benguet. The terrain has a relaxing and cool ambiance, surrounded by stunning greens. Ugo, others call it Mt. Ugu, bears colorful ornaments spread on the trails and hanging on the trees. Of course, there are birds singing their lullabies. Definitely one of the must visit attractions and destinations in Benguet.
TRAVELLINGCUP IS NOW SIRANGLENTE.COM
CLICK HERE TO VIEW THE UPDATED MT. UGO HIKING GUIDE
LIST OF MOUNTAINS IN THE PHILIPPINES
CLICK HERE TO VIEW THE UPDATED MT. UGO HIKING GUIDE
LIST OF MOUNTAINS IN THE PHILIPPINES
Isang taon narin ang nakakaraan nung mapasama sana ako sa hike dito sa Mt. Ugo, kaso hindi natuloy, kasi nga may pasok ako at medyo tagilid ang out ko sa office departure time sana namin, kaya ayun may next time pa naman eeh, at ito na ang next time na iyun.
Meet up namin sa Victory Liner Kamias, dito ko rin na meet at nakasalamuha ang mga taong ngayon ko lang natagpuan sa buhay ko, syempre maliban sa matagal ko nang kakilala. Ayun, hindi malalawa ang Hi! Hello! sa kanila. 11 PM, Friday, nilisan na namin ang terminal at habang palayo nang palayo kami sa kamaynilaan, punong puno naman ng excitement habang nasa byahe. Ilang stop over din ang aming binabaan bago tuluyang bumaba sa CCQ, Aritao, Nueva Vizcaya. Pagkatapos bumaba, ilang minuto lang at sumakay naman kami sa nirentahang van patungong Brgy. Kayapa, Nueva Vizcaya. Namili, kumain, nag-pack, nagregister at nag-simulang mag trek, habang tirik na tirik ang - - - araw.
Nasa kabayanan palang kami, ramdam ko na malamig ang hangin, pero pawis na pawis kaming lahat dahil sa puro paangat ang trail. Tapos bonga ang init ng araw kapag bukas ang trail, kaya napabukas ako ng aking payong. Ramdam ko rin ang bigat ng aking pakiramdam dahil sobra akong busog. Pinipilit ko ngang mag-burp ngunit natatakot akong imbes na sa bibig dumaan, eh sa ibang butas maisipang dumaan, tapos baka may kasama pa, masama yun.
Sa wakas narating din namin ang napag-usapang waiting shed. Doon kami nag-pahinga, nag-antayan, at nag-tanghalian. Syempre mawawala nanaman ba ang kuda at isturya? Syempre hindi. Akala ko naman, medyo malapit na, pero hindi pa pala, nakikita nyo ba ang larawan sa itaas? Tatawirin pa namin yan, at halos ilang oras ding lakaran yan.
Palapit nang palapit na kami sa campsite, ilang metro nalang talaga eh, pero bakit ganun, hirap na hirap maglakad ng mga paa ko. Panu kasi, pa-assault nang pa-assault kasi, kaya ansakit sa binti at bewang. Bawat limang hakbang, pahinga mode muna, total abot tanaw narin namin eh. Kaya, ito bonga ng shot ko na ito. Thanks Te Bing sa shot!
5 PM na kami nakarating sa campsite, malamig ang hangin na wari'y nangungusap samin na mag-palit na ng suot at mag-jacket, kaya ilang minuto pahinga tapos nag-simula na kaming mag-pitch ng tent, at nag-palit ng costume. Magsisimula na sana kaming mag-luto, ngunit bawat bukas ng stove, nagsisimula ding tumulo ang ambon, kaya mas pinili naming wag munang mag-saing, at least hindi masyadong mababasa ang iba pa naming kasamang kasalukuyang nasa daan parin.
Ilang minuto pa'y nagsidatingan na sila, kaya ako'y nagising sa aking pagkakatulog, masakit kasi batok ko. Ilang minuto muna silang nagpahinga at nag-simulang mag-pitch ng kani-kanilang tents. Pagkatapos nag-prepare na kami ng aming hapunang. Tapos nag socials sila at ako'y natulog.
5:20 AM ako'y nagising. Ang umagang iyun ay napakalamig, subalit pag-labas ko ng tent, agad kong nasaksihan ang ganda ng 'sea of clouds.' Super ganda talaga, sayang mga digital camera at cellphone camera lang meron ako, pero kung may magandang lente lang ako, pak na pak sana ang eksenang yun. Kitang-kita ang mga ulap na nasa mababang lugar lang. Parang Mt. Pulag lang ang peg.
Buong shot ng campsite habang naitaboy namin ang mga baka pansamantala. Kanya-kanyang pose, kanya-kanya kuda at picturial. Habang ako'y ito, nag-iisang kumukuha ng pictures ng lugar at ramdam ang bawat hampas ng malamig na hangin sa aking batok.
Ito ang picture namin sa Summit, katabi ng mark ng lugar na nag-karoon ng plane crash. Nalungkot lang ako dahil sa vandalism na ginawa sa board. Sana yung mga taong may kasalanan nito ay kunin na ng kabundukan at nang hindi na pamarisan pa ng iba.
Ang trail pababa, pagkatapos ng summit, ay mahaba at medyo madali na, at ubod ng ganda dahil sa mga puno ng pine trees. Feeling ko nga nasa eksena ako ng Twilight dahil nga "ang ganda talaga, promiss." Nagkaroon tuloy ako ng pagkakataong mag pak pak mowdeling para sa ikauunlad ng ekonomiya ng Pilipinas. Makikita rin ang kilometer signs every after 500 meters, kaya medyo monitored namin kung ilang kilometers nalang natitira para sa susunod na pahingahan.
Isa pa sa mga nakakalugod tingnan sa trail ay ang mga hagdan-hagdang palayan. Napaka-berde at napaka linis ng kanilang lugar na halos wala akong nakitang plastic. Pero nung napatingin ako sa salamin, agad kong nakita ang plastic. Ansaya ding makita na ang pamumuhay ng mga residente ay napakapayak at talagang makikita mo ang pag-pupursiging umunlad sa malinis na paraan.
Ang huling bahagi ay ang pagtawid ng hanging bridge. Ito ang patunay na tapos na ang pagud sa trail. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, nagsimula na bumuhos ang ambon. Kunting kembot nalang at nasa may kalsada na kami at tuluyang bumuhos ang malakas na ulan. Nakakalungkot dahil tatlo palang kaming nakarating dito at ang karamihan ay nasa taas parin. Masyadong delikado ang trail kapag umuulan dahil sa dulas, loose soil at nasa gilid na ito ng bangin. Ilang minuto din kaming nagpahinga bago nagsimulang maglinis ng katawan. Mahgit isang oras din kaming nakapagpahinga bago magsimulang magsidatingan ang iba. Sa pagkakataong iyun nakahinga na kami ng maluwag. Ilang oras din kaming tumambay sa lugar na ito na puno ng kwento ng experience namin. Pagkatapos dumaan muna kaming Brgy. Hall para kunin ang aming certificates, tapos deretso Baguio kami. Hindi pa tumagal, bigla kaming nagkaaberya dahil lumuluwag ang gulong ng aming sinasakyan, kaya nagpakuha kami ng kapalit. At kami'y nakarating din sa Bus teminal ng Baguio City. Habang nag-aantay ng byahe, naghapunan muna kami sa GoodTaste. 1:30AM ang aming depature at arrival sa Victory Liner Cubao ay 8 AM. Dito nagtatapos ang aming isturya, hangang sa muli!