Surfing and the stunning sunset in La Union.

Surfing spots in La Union
Screen Cap on Aringay, La union website.
This event wasn't planned thoroughly, we talked about it in just a week time. Yung tipong naisipan lang, kaya ito, hindi man lang ako nakapagresearch, wala tuloy akong maishare na inyong kakaiba, maski history nga-ngers muna tayo huh, sa susunod babawi ako, pure history tayo sa susunod. Pero sa ngayon, ito lang pwede kong maishare sa inyo, medyo pribado kasi tong ginawa naming ito. Burned out and stressed out kami masyado sa karerang pinili namin, hindi ko alam kung bakit, kaya ito kailangang aliwin namin ang mga sarili namin.


A lot of the attendees came from their shifts. So from 5AM, which was their log out time, they waited us up until 7AM somewhere in Cainta. Instead of commute, we prefer bringing vehicles to save time and money. Kaya medyo limited yung information kong maishare sa inyo in this journey, especially with regards to the itinerary and budget.  When the head counts were completed, we left the meeting place passed 7:30AM.

 Photo above by Lhany
Yosi break, nakalimutan ko kung san to, basta bago mag TPLex yan, dun sa gasoline station.

Syempre, likas na sa team namin ang pagiging balahura, bastos, maingay at kung anu-ano pang masasamang katangi-an; at yun ang nagpapaligaya sa aming lahat. Habang nasa sasakyan, nandyan ang tawanan, biruan, Alaskahan – kaya nga tinatawag kaming “Alaska Boy, Girl, Bakla at Tomboy” complete set up namin diba?

Word for the day: "Pagkatapos ng Agoo, Aringay na!" "Pagkatapos ng Agoo, Aringay na!" may napansin ba kayo?? Paulit-ulit diba? hahaha. Buong araw akong pinaligaya nyang statement na yan. Anu ba yan, wala na akong masabi. Okay! Travel time: more than 5 hours. Expenses: Diesel/Gas and the snacks.

Basilica of Our Lady of Charity - Agoo, La Union
While in the car, I easily recognized an old bell tower. It captured my heart and soul, because I truly love old churches, even I am not a Catholic by faith. According to wikipedia.org, this church as founded and completed 1578, by Franciscan friars Fray John Baptist Lucarelli and Fray Sebastian de San Francisco. The original church was destroyed by the 1892 earthquake and repaired in 1893. The present church was designed by Architect Ignacio Palma Bautista.

 After the long highway journey, we finally arrived in Aringay, La Union. Took a short break and proceeded to the river at the back of the house. Bonga! The sun was really hot but the wind was cool and fresh in that area, so relaxing, so refreshing and of course, so relaxing. hahaha. paulit-ulit nanaman ako. After that relaxing moment, time for our sumptuous lunch.

We chartered 3 tricycles going to ---- Resort. Travel Time: 15-20 mins. Trike Fare: 100 pesos. After getting off the trike, proceeded to the concierge and processed the entrance fee and cottage rental, while the others were preparing their swimming attire. Habang kami'y palakad-lakad, hindi ko talaga maiwasang sumilip sa swimming pool na kalapit lang nang reception area, tapos andaming naliligo. hahaha

Photo above: taken at Paradiso Resort
 As expected, the waves in this part of Northern Philippines is suitable for surfing. But still, who can stop those people who wants to enjoy the gorgeous sunset by the beach, right? Walang paki-alamanan kung nagmukha silang mga dugong na nagtatampisaw sa nagtataasang mga alon. Makita ko lang na masaya sila, masaya narin ako, napaka-motherly figure ako no? Sana lang wag nilang mabasa yung dugong, dahil kung nagkataon -> patay tayo dyan -> eh ganun talaga.

Photo above: taken at Paradiso Resort
Galing ng camera ko dito sa shot na to, ganda ng sunset! Mga hapon ko na nakuha ang shot na yan, kaya nga "sunset," magsunset tayo minsan sa umaga, para naman maiba. I love the shadows of the nipa hut, I love the orangey ambiance, I love the fresh air -> ramdam nyo ba sa picture na to yung fresh air na sinasabi ko?

(On the Right) Photo Courtesy: Teban. When we felt that the breeze was cold, it's survivor mode. The boys picked dried woods, leaves and others; pero nung mga panahong nag-papaapoy na sila, medyo nahirapan sila. May pabuhos-buhos pa ng alak, kasi daw alcohol, hahaha, hindi naman gumana, next time makinig kasi sa chemistry teacher. Kasi aapoy lang yan because of the vapors coming from the brandy and since brandy contains water, nabasa lang yung dried leaves.  Paglapit ko dun sa may sinisigaan, konting arte-arte lang, tapos ayun, umapoy na. hahaha. Yung ang nagpapatunay na I am really HOT.

Photo Above: by Lhany. Nung medyo madilim na, naghanda kami ng isang maliit na salo-salo ng kwentuhan habang may #boomfire. Walang pagkain, hanggang kwento nalang at tawanan ang kaya namin ihanda, at kahit papano, nabusog naman kami, sumakit pa nga tyan ko nung time na yun eh, kasi napuno ng hangin. Sadyang nakakamiss ang mga ganitong eksena sa buhay ko. First time kong sumama sa isang ganitong event kasama ang mga bagong katrabaho na wala pang dalawang buwan ko palang nakakasama. Iba talaga wave natin mga mam and sir no?

May mga horror topics, open forum, true or there at kung anu-ano pang aktibidades ang aming pinaggagawa habang nakatingin sa liwanag ng buwan. The wind was cool and so refreshing; it was a relaxing night that I ever experienced "by the beach." At around 8PM, we left the beach and went back to the private residence we stayed. Tidy Up. Then dinner time. The next part was the socials. Kwentuhan, tawanan, video streaming, kantahan, emote at kung anu-ano pa. At ako po ay . . . ayun . . . nagawa ko ang aking pangarap -> kung anu yun?? Sekreto! Kinaumagahan, ayun medyo umiikot ang mundo ko. Hindi nakapag-breakfast, hindi nakapag-lunch dahil sa kakaibang pakiramdam. Pabalik na nang Maynila, sa may TPLex bumalik ang tunay na pagkatao ko. Ang dahilan? Mga riders . . . Ang ibang impormasyon ay pribado, kaya medyo kulang ang diary ko. Till next time.

If you have business establishments like resorts, bars, stores and others in La Union; wants to be included in this post to reach more customers, please send an email here: mytravellingcup@gmail.com

Popular Posts