Dampalitan Island | Unang Tampisaw sa Tag-araw
2013 una akong pinaibig nang lugar na ito at mahigit dalawang taon narin akong hindi nakadalaw sa isla ng Dampalitan. Ang islang ito ay matatagpuan sa Munisipyo ng Padre Burgos, sa probinsya ng Quezon, apat na oras mula Kamaylilaan. Ang islang may iba't-ibang katangian at kagandahan na nagpabighani sa maraming mga turista.
Kahit medyo matagal ang aming byahe dahil medyo nawala kami sa Lucena City, pagkababang-pagkababa ng aming nirentahang sasakyan, mawawala ba ang parte ng kodakan? Ito ang aming grupo; grupo ng mga taong may bukas na isipan at kakaibang ganda at talino.
Nagising akong may namumutawing ngiti sa aking mga labi dahil sa ganda ng aking nakita. Habang sumisilip ang haring araw, unti-unti namang napapalitan ang maitim na kulay ng kalangitan ng kulay ginto. Ang mga bato sa dalampasigan, ang mga sanga ng bawat puno, ang mga buhangin, ang mga kabundukan ay mas lalong naging kahali-halina sa aking mga mata.
Pagkagising, agad akong naglakad-lakad sa mapuputing buhangin patungo sa lugar na may magandang angulo at lugar na kung saan ako makakapag-isip ng mga bagay-bagay at ito yun! Ang bawat bato ay nababalot ng mga lumot na pinamamahayan naman ng mga suso. At sa bawat paghakbang ko, agad na tumitigil at pumapasok ang maliliit na organismong ito sa kani-kanilang mga matitigas na sisidlan, na animo'y nahihiya sa magandang istrangherong katulad ko.
Sadyang may kakaibang halina ang lugar na ito. Sa bawat pag-hakbang ko'y nagmimistula akong itinutulak ng malamig at sariwang hangin at mala kristal na mga alon sa pampang. Ang tunog na mga ito'y sadyang nakaka-tanggal ng kung anung mga problema sa aking kalooban at isipan.
At mawawala ba ang gandang matatapuan sa kailaliman ng karagatan? May mga makukulay na mga halaman dagat, may nag-gagandahang mga isdang naghahabulan sa paligid ng mga halaman, may mga korales na may iba't-ibang mga anyo na talagang kahali-halina.
Sa likurang bahagi naman ng isla ay ang lugar na puno ng mga bakawan at ang tubig ay mala kristal at kumikinang na parang mga dyamante. Ang katubigang ito ang nagbibigay ng dagdag na hanap buhay sa mga residente ng isla.
Ito ang kauna-unahang pagkakatong makasama ko ang mga taong ito sa isang paglalakbay at alam kong hindi dito magtatapos ang mga masasayang araw na katulad nito. Maraming salamat sa inyong lahat!
Ito ang kauna-unahang pagkakatong makasama ko ang mga taong ito sa isang paglalakbay at alam kong hindi dito magtatapos ang mga masasayang araw na katulad nito. Maraming salamat sa inyong lahat!
(Photo-Inset) Feb 4, 2013 when I visited Dampalitan Island - this islet
is one of the pearls in Quezon province. It has fine white sand beach,
crystal clear water, great underwater
fauna and flora, fresh and cool breeze; but aside from those, these two
residents, Analyn and Bajoe captured my heart. I saw Bajoe (alone with
dirt on his face and body) playing basketball using a coconut fruit by
the beach, with Analyn walking. We approached them and asked few
questions, including education and their parents livelihood. Every time
they answer question, I felt sincere answer. They are small, but their
dreams are huge as the universe. (Second Photo) After two years,
yesterday (April 18, 2015) I met them again, but instead of asking
questions, I gave them things (School Supplies) that will help nurture
the gift and be their foundation to reach their dreams in the future.
Thanks Wewen of Batang Hamog Mountaineers and my Lamyerda Outreach co-founder for your donations!