Showtime | Isang Tanong, Isang Milyon
Nagkatotoo nanaman ang isa sa mga pangarap ko this year. Last year kasi sabi ko: "sana makita ko sarili ko sa big screen" at nag-katotoo nga dahil sa appearance ko sa "Call Center Girl - the Movie." The next year, which is 2014, sabi ko: "sana makita ko sarili ko sa tv naman" at ito nanaman s'ya, nagkatotoo ulit. Matagal ko tong inantay, dumating nga sa point na nawalan na ako ng pag-asa, pero positive parin ako.
Before the game started, I met the other contestants and we created a a great bonding. Kung anu-ano nga nga napag-usapan namin eh. Feeling ko nga close na close na kami. Tingnan nyo pic namin sa taas, gaanong ka-close? Anlapad ng space sa left pero nagsik-sikan kami sa right. Ilang oras din kaming mag-kasama sa backstage.
Photo by Green - harutan with Vhong Navarro
Noong nag-simula na ang Showtime, message agad Nanay ko sakin. Lalo na nung nag-simula na ang Isang Tanong, Isang Milyon. Dumayo pa mga cousins ko sa bahay namin, mga ka-office mates ng mga kapatid at kaibigan ko, nanood din sa kani-kanilang lugar. Sabi nga ni Mudra, para daw akong si Manny Pacquiao dahil anlinis daw ng kalsada sa may amin, kasi nanonood ng tv. Naku baka mamaya pag-uwi ko next year, may Heroes Welcome ako. Bonga diba?
Photo by Gino - sa shot nato, mabibigyan ako ng award "Miss Close Up Smile" pati gums ko muntik-muntikan nang lumabas sa bibig ko at iwan ako sa stage. Pero infairness, natakot ako bigla, kasi medyo ngayon ko lang napansing medyo malapad na pala talaga noo ko.
Sa mga kumuha ng pictures sa kani-kanilang mga monitors at ti-nag ako, maraming salamat talaga huh. Kala Gino, Green, Nil at Lance; maraming salamat sa magagandang kuhang ito at talagang napaka-stolen. Bebe Joyce and Pam, salamat din dahil binigyan nyo kong idea dun sa tinanong ko sa inyo. Kung makapag-pasalamat naman ako parang artista lang eh no? Natutuwa lang ako dahil proud na proud pamilya ko, AT YUN ANG PINAKA-MAGANDANG GIFT KO SA KANILA THIS YEAR - ang makita nila ako sa TV.